Pauleen Luna grateful to Dina Bonnevie for respecting her relationship with Vic Sotto

Nagpasalamat si Pauleen Luna sa mga magagandang salita tungkol sa kanya ni Dina Bonnevie, dating asawa ng kanyang kasalukuyang boyfriend na si Voc Sotto, sa pamamagitan ng isang official statement.


Ikinatuwa ni Pauleen Luna ang magagandang salita ni Dina Bonnevie tungkol sa kanya.

Si Pauleen, 25, ang kasalukuyang girlfriend ng comedian-TV host na si Vic Sotto, 60, na ex-husband naman ni Dina, 53.

Sa isang panayam ni Dina, na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 4, ay pinapurihan ng aktres ang katatagan ni Pauleen sa kabila ng maraming balakid sa relasyon nito kay Vic.

Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang mga edad, kailangan ding pakisamahan ni Pauleen ang mga anak ni Vic—sina Danica at Oyo, na mga anak nito kay Dina; si Vico, na anak ng Eat Bulaga! host kay Coney Reyes; at si Paulina, na anak ng komedyante kay Angela Luz.

Sabi ni Dina sa panayam ng PEP, “Siguro din nahihirapan siya dahil whoever will marry him will have to deal with Danica, with Oyo, with Paulina na anak niya kay Angela, with Vito na anak niya kay Coney.

“Ako, never ako nakikialam. Pero with Coney and Angela, nakikita pa niya every day.

“I mean, what kind of woman would put up with that kind of set up, ’di ba?

“Ako, at least, out na ako. I have my own life now.”

Isa pa, kasama rin ni Pauleen hanggang ngayon sa Eat Bulaga! ang ex-girlfriend ni Vic na si Pia Guanio.

Sabi ni Dina tungkol dito, “Can you imagine na nandun pa yung ex-girlfriend slash I-don’t-know-what... ang hirap!

“Parang sa loob-loob ko, ‘Oh, my God, why not one of them resign? Ano ba!’

“How can you be in the same show, c’mon. Can one of you resign?

“Kung ako sa shoes ni Pauleen, mahihirapan ako kasi his ex-girlfriend, co-host.”

Read: Dina Bonnevie praises Pauleen Luna for sticking with Vic Sotto despite all the odds

Bilang pasasalamat sa mga pahayag ni Dina tungkol sa kanya, isang statement ang ipinadala ni Pauleen sa The Buzz 15 na inere noong Linggo, June 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang buong pahayag ni Pauleen:

“My situation is a simple example of ‘the people who know you the least, judge you the most.’

“That’s why I am thankful for Ms. Dina who knew what I was going through and spoke the truth.

“I truly appreciate the fact that she sees my efforts.

“I am grateful for her kind words and most especially for respecting my relationship with Vic, I am truly humbled.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN