Richard Gutierrez echoes Sarah Lahbati’s statement about alleged unfair treatment of her mom at baby Zion’s party

Ayaw raw munang haluan ng bad vibes ni Richard Gutierrez ang kaligayahan nila ngayon sa positibong pagtanggap ng mga tao sa pag-amin nila ni Sarah Lahbati na may anak na sila. Naging usap-usapan kasi sa Internet ang diumano’y himutok ng ina ng girlfriend dahil sa hindi raw magandang trato rito sa engrandeng party ni Baby Zion noong Linggo, June 15.


Ayaw masyadong pag-usapan ni Richard Gutierrez ang tungkol sa diumano’y sama ng loob ng ina ng kasintahan niyang si Sarah Lahbati na si Esther Lahbati.

Ang hinanakit ni Mrs. Lahbati ay nag-ugat sa hindi raw magandang trato sa kanya sa engrandeng binyag at birthday celebration ng apong si Zion noong Linggo, June 15, sa Wack Wack Golf and Country Club, sa Mandaluyong City.

Si Zion ang anak nina Richard at Sarah.

Diumano, pinagsabihan daw si Mrs. Lahbati na magbalot ng mga tirang pagkain sa party.

Nagmukha raw siyang patay-gutom, kaya naglabas ito ng hinanakit sa kanyang Instagram.

Read: Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party: "The whole party hindi ako pinansin ’tapos para ako patay-gutom na aalukin ng tirang pagkain.”



SETTLE WITHIN THE FAMILY. Kaninang tanghali, June 17, diretsang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Richard tungkol sa isyu.

Nakapanayam siya ng media sa presscon ng pelikulang Overtime ng GMA Films.

Sabi ng aktor, “I really don’t know how to answer that kasi kaka… kumbaga, kakatapos lang ng napakasaya naming celebration.

"Very positive ang party ni baby Zion, maganda ang pagtanggap kay baby Zion.

"Ngayon, nag-concentrate kami on positivity.

“Kung anuman ang nangyaring misunderstandings, miscommunications, aayusin namin yun within the family.

"And we will move forward from that and we will stay positive."

Ito rin ang pananaw ni Sarah, base sa kanyang Instagram post ngayong araw.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati celebrate first birthday of Baby Zion



GUTIERREZ-LAHBATI RELATIONSHIP. Kumusta ba ang relasyon ng kanyang pamilya sa pamilya ni Sarah?

Tugon ni Richard, “I’m very close to Sarah’s parents.

"We spent a lot of time together in Switzerland, even here in the Philippines.

"From day one, I’ve looked up to them... I consider them as family and vice versa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They accepted me also and I spent a lot of time in their house in Switzerland, and they have accepted me.

"And they have guided Sarah and me all throughout this process.

"So, nandiyan sila lagi, sumusuporta sa amin, and we’re very thankful.

"Sarah and I, we’re very thankful to them.

"And on behalf of Sarah, Sarah loves her parents, and she’s very thankful to them also."



BABY ZION USING LAHBATI AS SURNAME. Sa Instagram post ng ina ni Sarah, nag-comment ang Morrocan father ng aktres na si Abdel Lahbati.

Isiniwalat nitong hindi pa “Gutierrez” ang ginagamit na apelyido ni Zion.

Pero sabi ni Richard, pansamantala lang ito dahil hindi pa nila naaayos ang mga usaping legal.

Saad niya, “Hindi pa namin naaaral yung mga legalities, as of now.

"But he was born in Switzerland and ang law sa Switzerland, ’pag hindi kasal ang parents, the baby will get the mother’s last name.

“Pero si Zion kasi is a Filipino citizen, I’m a U.S. citizen also, and he will become a U.S. citizen also.

"So, hindi pa namin naaaral yung mga legalities on that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN