Janno Gibbs fondly recalls romantic past with Manilyn Reynes; admits wife Bing Loyzaga is one of the reasons of their breakup

Janno Gibbs on dating Manilyn Reynes during their teenage years: "With the short relationship that we had, puro away kami, puro bangayan kami at asaran. Feeling ko, hindi magwo-work. Feeling ko mas okay kaming magkaibigan," says the Kapuso actor in the grand presccon of My BFF held at Max’s Restaurant, Quezon City, last night, June 17.


Bagamat pareho na silang may kani-kanilang pamilya, hindi maiwasang ungkatin ang nakaraan ng dating reel- at real-life couple na sina Janno Gibbs, 44, at Manilyn Reynes, 42.

Nagbabalik-tambalan ang dalawa sa bagong primetime soap ng Kapuso network, ang My BFF.

“Wala namang pakundangan!” natatawang bulalas ni Janno nang ipaalala ng isang entertainment reporter na ang misis na ngayon ng singer-actor na si Bing Loyzaga ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Manilyn noon.

Nilinaw naman ni Manilyn na matagal na niyang nakalimutan kung anuman ang naging isyu noon.

Wala rin umanong problema sa kanya kung sakaling imbitahang magkaroon ng guest appearance si Bing, o ang asawa ni Manilyn na si Aljon Jimenez sa My BFF.

Read: Manilyn Reynes admits to worrying about working again with Janno Gibbs

ROMANTIC PAST. Pagkatapos ng presscon proper ng My BFF kagabi, June 17, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janno.

Inamin niyang kahit papaano ay may ilangan pa rin sa pagitan nila ni Manilyn sa set, lalo pa’t ngayon lang sila muling nagkatrabaho pagkatapos ng mahabang panahon.

Ngunit ngayon ay nakakapagbiruan na raw sila tungkol sa mga pinagdaanan nila bilang magkasintahan mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.

Kuwento ni Janno, “Pinag-uusapan nga namin, sa aming dalawa before, nung kami, mas seloso ako.

“Siya bata, e. She was 16 [years old]. Ako mga 18 or 19 [years old]. I guess, siya medyo naglalaro pa siya nun.

“Ako yung protective, ako yung seloso. Madaming lalaki sa That’s Entertainment.

Ang misis nga ba niyang si Bing ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Manilyn noon?

Sagot ni Janno, “Kasama na yun siguro. Not the only reason, but kasama na yun.”

Inamin ng Kapuso star na sobrang nasaktan niya noon si Manilyn at “matagal” din silang hindi nagkausap pagkatapos nilang maghiwalay.

Tumagal lang daw ng less than one year ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre lalaki ang may kasalanan diyan. Halos lagi naman," pag-amin ni Janno.

Ganunpaman, sa huli ay nakabuti rin umano na hindi sila nagkatuluyan, lalo pa’t pareho nang masaya sina Janno at Manilyn sa kani-kanilang pamilya.

“With the short relationship that we had, puro away kami, puro bangayan kami at asaran.

"Feeling ko, hindi magwo-work. Feeling ko, mas okay kaming magkaibigan," sabi ni Janno.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN