FIRST READ ON PEP. Gina Alajar cites religion as one major reason for Geoff Eigenmann-Carla Abellana breakup

Sinabi ng actress-director Gina Alajar na isa sa malaking dahilan ng paghihiwalay ng anak niyang si Geoff Eigenmann at ng aktres na si Carla Abellana ay ang relihiyon. Saad niya, “She’s a devout Catholic, we’re Christians. Isa yun, isa yun. So, I don’t think hindi naman nila pinagtatalunan yun sa harapan namin, pero siguro sa kanilang dalawa, napapagtalunan ‘yan. Hindi ba? May ganun, so siguro ayaw magbigay ng isa’t isa, hindi


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang actress-director na si Gina Alajar kaugnay ng breakup ng anak niyang si Geoff Eigenmann sa Kapuso actress na si Carla Abellana.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gina sa pocket presscon ng upcoming drama series ng GMA, Yagit, kahapon, June 17, sa green room ng GMA Network Center.

Si Gina ang magiging direktor ng naturang programa na remake ng sikat na soap opera noon na Mga Batang Yagit.

Kinumusta namin sa kanya ang anak na si Geoff pagkatapos ng breakup nito kay Carla.

Sagot ng premyadong aktres, “Okay naman siya, okay naman.”

Naka-move on na ba si Geoff?

Saad ni Gina, “I think, hindi ko… I don’t think masasabi kong totally moved on.

“It’s been a few months lang, hindi ba, so…

“I think he’s trying, he’s trying in the best way he can to move on.

“Hindi kasi namin… si Geoff is the type of a person na ‘pag tinanong mo, hindi magsasabi ‘yan, e.

“You know, he’ll find the right time kung kailan siya kumportable para magkuwento.

“And so, we respect that. The family respects that.”

Dagdag niya, “So, ang ano na lang namin, nakaalalay lang kami sa kanya.

"If he needs us, nandiyan lang kami palagi.

“There’s no judgment, ano lang, kung saan siya kumportable, ganun lang.

“I’m sure paunti-unti, makaka-recover din siya.

“I mean, nabigla din naman siguro siya, ‘di ba? Siya iniwan, e!

“Paano ba yun? Nagulat lang din siguro siya.”

Hindi si Geoff ang nang-iwan?

“Of course not! Of course not.”



CARLA ABELLANA. Nagkaroon ba sila ni Carla ng pagkakataong mag-usap?

“Through text, through text, yeah,” sagot ng ina ni Geoff.

Binati pa nga raw niya si Carla nang magdiwang ang aktres ng kanyang kaarawan noong June 12.

“Yes, I did... tinext niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, katulad ng sabi ko kanina, si Geoff, hindi naman magsasalita iyan kung hindi mo tatanungin.

“So, I found out about the breakup through Carla.”

Si Carla ang nag-open up sa kanya?

“Yes. Yeah, oo, iyon.

“And so, iyon ang nangyari. Wala naman akong magagawa dun, hindi ba? Desisyon na nila yun, e.

“When she told me, naka-decide na siya.”

Ano ang una niyang naramdaman?

Saad ni Gina, “Carla was part… kung masasabi kong part of the family, for four years, you know.

“Naging regular… regular namin siyang kasama, you know.

“Minahal siya ng buong pamilya, even yung mga pamangkin-pamangkin, mga anak ni Gabby [Eigenmann], even my apos, Catalina, she knows her.

“Yung ganyan, so in and out naman siya sa bahay, e.

“Ano na, miyembro na siya ng pamilya. And we all thought na sila magpapakasal.

“You know, we all thought na naghihintay lang.

“’Di ba, ilang beses na akong tinatanong [ng media] kung magpapakasal?

“Ang lagi kong sinasabi lang is busy pa masyado si Carla, marami pa siyang pangarap para sa buhay niya, so medyo matagal pa yung marriage. Yung ganun.

“So, siyempre, nakakalungkot, nakakalungkot dahil hindi sila ang nagkatuluyan, yung ganun.

“And I’m sure, si Geoff is like that, because I think nakikita ni Geoff, nakita ni Geoff ang sarili niya to grow old with her,” pahayag pa ng actress-director habang nangingilid ang kanyang mga luha.



NO THIRD PARTY. May alam ba siya kung ano ang tunay na dahilan ng breakup nina Geoff at Carla?

Sagot ni Gina, “Masyadong vague yung reasons.

“Ang pagkakaalam ko, walang major, walang third party, walang isang bagay na pinag-awayan.

“It’s katulad na lang din ng mga away ng mag-asawa na merong mga maliliit na bagay na pinalalagpas ng isa’t isa.

“Pagkatapos, ‘di ba, hindi kumikibo, ang akala matitiis na lang, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos kapag sumabog na, ‘pag nagpatung-patong na ‘yan, bigla na lang sasabog ‘yan!

“I think ganun yung nangyari.”

Patuloy niya, “One major is, I think, religion.

“She’s a devout Catholic, we’re Christians. Isa yun, isa yun.

“So, I don’t think hindi naman nila pinagtatalunan yun sa harapan namin, pero siguro sa kanilang dalawa, napapagtalunan ‘yan. Hindi ba?

“May ganun, so siguro ayaw magbigay ng isa’t isa, hindi ba?

“Just to even try... just to even try attending her church, or attending his church, yung ganun.

“May conflict ‘yan sa ganyan, e.

“So siguro, she felt na hindi na mare-resolve yung ganung isyu because, for her, it’s a major thing.”



CHANCE FOR RECONCILIATION. Sa palagay ba ni Gina ay may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa?

Tugon niya, “Hindi ko alam. Masyadong malalim yung sugat.”

Nilang pareho?

“Ang dami kasing taong involved na, e!” at natawa si Gina.

“Biglang lumaki nang lumaki.

“Kasi, at first, ‘yan sinabi ni Carla sa akin, ‘Huwag na po muna nating ipamalita kasi hindi pa kami ready. Kaming dalawa lang po, sa family lang po.’

“Sabi ko, ‘Okay!’

“So, we were all hoping, we were all hoping that inaasikaso nila ‘yan. Hindi ba?

“And then, the movie came, magso-showing ang movie, and... iyon na yun,” sabi niya habang minumuwestra ng kamay niya na tila may sumabog.

Ang tinutukoy na “movie” ni Gina ay ang pelikula ni Carla katambal si Tom Rodriguez—ang So It’s You.

Dito pumutok ang balitang hiwalay na sina Carla at Geoff.

Read: Carla Abellana admits breakup with Geoff Eigenmann: “We were too different talaga... mas nagka-clash pa kami kesa nagkakasundo kami.”

“Pumutok na, pinaputok na nila yun!” at napahalakhak na sabi ni Gina.



THE PEOPLE INVOLVED. Dahil nabanggit na rin lang ni Gina ang mga taong na-involve sa breakup nina Carla at Geoff, ano ang masasabi niya sa pagkaka-link ng kanyang anak kay Kylie Padilla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkapareha sina Geoff at Kylie sa dating primetime series ng GMA na Adarna.

“I don’t think that’s true,” ang mabilis niyang reaksiyon.

“I don’t think that’s true. I mean, alam ko, magkaibigan si Geoff at si Kylie bilang magkasama sila sa gym.

“Kung anuman yung iniisip ng ibang tao, palagay ko nagkakamali sila.

“It’s a separate issue.

“Nakakapikon din yun! Iyon, nakakapikon din yun.”

Bilang ina ni Geoff ay nainis siya sa isyung iyon?

Sabi niya, “Nainis ako dun sa taong nagsalita! Hindi ba?

“Kasi parang hindi niya naman inisip kung ano yung sinasabi niya. Hindi ba?”

Ididirek ba niya kung sakali ang sinasabi niyang tao?

“Hindi!” bulalas niya.

Biniro namin siya kung hindi ba makaka-guest ang taong iyon sa Yagit.

“Of course not! Hindi ba, hindi ba? Ganun. Hindi ba?” natatawang sabi ni Gina.

Galit siya sa taong iyon?

“Hindi ako galit sa kanya per se. Galit ako dun sa ginawa niya.

“Kasi ni wala naman siyang pruweba, ni wala man siyang ano, ni wala naman siyang mapapatunayan, hindi ba, salita siya nang salita.

“You know, that’s… ginagawa niyang guilty ang anak ko sa harap ng maraming tao,” mariing sabi ni Gina.

Kung magso-sorry sa kanya ang taong iyon, patatawarin ba niya?

Sagot niya, “I will just cross the bridge when I get there.

“Hindi, puwede namang magpatawad, puwede namang magpatawad, pero siguro pagsasabihan ko siya.”

Ano ang sasabihin niya dito?

“Hindi, ‘tsaka na lang, baka hindi ko maulit sa kanya, e!” at muling tumawa si Gina.

So, hindi na mararanasan ng taong tinutukoy ni Gina ang kahusayan niya bilang direktor?

“A, hindi naman natin alam yung future, hindi ba?

“Lahat naman ‘yan, kapag nag-sorry ka, ‘di ba, kapag nag-sorry ka, napapatawad naman ‘yan,” sabi niya.

Hindi man direktang binanggit ni Gina ang pangalan ng taong tinutukoy niya, marami ang naniniwala na ang pinariringgan niya ay ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagsalita noon si Aljur tungkol sa diumano’y palitan ng text messages nina Kylie at Geoff.

Read: Aljur Abrenica rants about respect

Pagkalipas ng ilang linggo ay pumutok ang balitang nag-break na sina Geoff at Carla, at ‘di kalaunan ay sumunod na ring natapos ang relasyon nina Aljur at Kylie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN