Ricky Davao says he has no issue with Judy Ann Santos

Ricky Davao says the gay-themed Dading, the teleserye he is directing for GMA Network, is differently nuanced from the still popular My Husband’s Lover: “Unang-una, light kami, e. Very light yung attack namin."


Pinabulaanan ng actor-director na si Ricky Davao na sumama ang loob niya sa aktres na si Judy Ann Santos.

Ito ay kaugnay sa balitang nag-backout daw si Judy Ann sa Cinemalaya 2014 entry na Mariquina nang nalamang pinalitan ni Ricky si Joel Torre, na gaganap sanang ama ng aktres sa pelikula.

Read: Judy Ann Santos pulled out from Cinemalaya entry Mariquina

May nakuha na bang kapalit ni Judy Ann?

Ayon kay Ricky, “Hindi ko alam kasi nag-stop kami, isang day na lang ako.

"Isa lang naman ang eksena ko sa kanya dun sa character na para kay Judy Ann.”

Pero ano ang naramdaman niya sa pagba-backout ni Judy Ann?

“Well, sayang, because we were all very excited that it was Judy Ann.

"Pero siyempre, baka naman may iba siyang gagawin o ano.

“Okay lang, nagpasabi naman siya sa aming lahat na hindi siya puwede.”

Kinausap ba siya nang diretso ni Judy Ann?

“Hindi, pero meron siyang emissary na nagsabi.

"So, okay naman, siyempre we all understand na…”

May balita namang schedule daw ang naging problema ni Judy Ann kaya hindi ito natuloy sa pelikula.

May usap-usapan ding hindi tungkol sa pagkakapalit kay Joel ang naging isyu ni Judy Ann, kundi sana man lang daw ay ipinaalam sa kanya na magkakaroon ng palitan ng cast.

Ano ang masasabi ni Ricky dito?

Sabi ng actor-director, “Well, of course, it’s her right to feel that way na ano... kasi baka talagang na-excite na sila lahat.

“And then, actually, ang producer namin, si Paul Soriano, he was in the U.S. when we started shooting.

"And pagbalik niya, at saka niya sinabi... Kinakausap yata si...

"I’m not really sure about yung mga nangyari, pero parang ganun.

“Nung sinabi niya, nakapag-shooting na.”

Kahit konti raw ay walang sama ng loob si Ricky kay Judy Ann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala! Okay lang.”


Kung sa mga darating na panahon ay may project na si Judy Ann ang makakasama niya ay tatanggapin daw niya.

Sabi ni Ricky, “Oo naman! Naidirek ko na si Judy Ann, hindi ko lang maalala kung umarte na kami together.”

Naidirek na niya dati si Judy Ann sa Esperanza.


“I took over mga two, three weeks.

"Meron pang iba, sa mga Star Drama, MMK, naidirek ko na siya.

"Pero as an actress, actor, hindi pa.

"Sayang, sayang... marami pa naman ’yan, I’m sure."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ricky sa taping ng upcoming GMA afternoon soap na Dading, sa Marikina City, noong June 11.

Si Ricky ang direktor ng nasabing programa.

GAY FATHER. Tungkol sa bakla na tumayong ama sa isang bata ang kuwento ng Dading, kaya ang tanong kay Direk Ricky ay kung ano ang gagawin niya para huwag maikumpara sa My Husband’s Lover ang kanyang idinidirek na serye.

Sagot niya, “Unang-una, light kami, e. Very light yung attack namin.

"At saka ang concentration naman namin, e, not on the gay relationship.

"Dun sa relationship ng magiging father, daughter, pagiging mabuting ama sa bata, iyon.

“’Tsaka pagiging mabuting kaibigan, sa former girlfriend.”

Challenge ba sa kanya na paartehin si Gabby Eigenmann bilang isang bading?

“E, magaling naman ’yan e, Eigenmann ’yan, ano? Nasa dugo.

“Mga macho at mga bakla talaga sila, ’di ba?” natawang sabi ni Direk Ricky.

Dagdag niya, “Lahat sila, ang gagaling nila, so walang problema.

"Actually, I’m very lucky to have all these actors with me now na katrabaho ko, kasi lahat okay, e, lahat magagaling.

“Si Glaiza [de Castro], si Benjamin [Alves], Shamaine [Buencamino].”

CBCP. Hindi ba siya nangangamba na pag-initan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang Dading katulad ng naranasan dati ng My Husband’s Lover?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ricky, “That I cannot say, depende na kung ano ang magiging... pero we’re very careful about it.

"At saka ang sa amin naman, e, sa totoo lang, kung tatanggalin mo yung gender, it’s just about relationships.

“So, dun ang ano, yun ang attack namin.

"Hindi kami nagko-concentrate dun sa... although, siyempre, the main character is gay.

"Maingay na gay, so meron talaga, pero hindi kami nagko-concentrate dun sa kabaklaan na ano, ganun.”

Mahirap bang lagyan ng komedya ang ganitong tema?

“Hindi naman. Actually, kaya nila-lighten namin kasi maano rin, masakit din siya, e.

"May mga moments din na madrama rin. Ang ibig kong sabihin, may pain din ’pag pinanood mo at magulang ka.

"O nagmahal ka ng isang bata na hindi mo talaga anak, ’tapos kukunin sa iyo, masakit yun, ’di ba?”

DOING MOVIES. May napabalita noon na pina-pirate siya ng ibang TV networks. Totoo ba iyon?

“Hindi naman, usap-usap lang, ganun.

“I’m very, very happy with GMA naman.

"’Tsaka nakita ninyo naman, jingle lang ang pahinga!

“Nami-miss ko lang umarte.

“Kaya iyon, nailabas ko naman yun nung nagpahinga kami ng konti after Adarna, nakagawa ako ng a few films for Cinemalaya.

“Sa New Breed, yung Mariquina at saka Separados. ’Tapos sa Director’s Showcase, yung Janitor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN