Valerie Concepcion is happy with new boyfriend; says he pushes her to finish schooling

Valerie Concepcion is motivated to finish a course in Marketing: "Kasi gusto kong maging parang ma-proud sa akin yung anak ko... may pangarap, may goal sa buhay, so gusto kong maging inspiration kay Fiona."


Sa unang pagkakataon ay umamin si Valerie Concepcion na mayroon na siyang bagong kasintahan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa presscon ng My BFF kagabi, June 17.

Kapansin-pansin na blooming ngayon si Valerie.

Paliwanag niya, “A, siguro dahil fit na ako ngayon, nagko-crossfit po ako.

"Sabi nila, it adds glow pagka nag-e-exercise, siguro isa po yun sa mga rason."

Hindi na ba sila ng basketball player na si Dondon Hontiveros?

“Wala na po, matagal na po, matagal na po. Two years na po kaming hiwalay,” sagot ng aktres.

NEW BOYFRIEND. Kumusta ang personal life niya ngayon? Saan siya kumukuha ng inspirasyon?

“Kay Dr. Love... kay Dr. Love!” natatawang sagot ni Valerie.

Noong kasi ay nabanggit ni Valerie na may dine-date siyang medical student.

Pero pagbabalita ng aktres, “Ngayon, after one and a half years of dating, finally, I felt na ready na ako for a commitment ulit.

"So, iyon, pero bago pa lang po kami. Four months.”

Bakit niya nagustuhan ang naturang lalaki?

“Kasi dun sa one and a half years na nagde-date kami, parang napi-feel ko sa sarili ko na hindi pa ako ready mag-commit ulit after the four-year relationship with the basketball player.

“’Tapos siyempre, dahil ang tagal ninyo, nandun yung naglalaban yung loob mo kung mahal mo pa ba o hindi na.

“Pero sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa panahon na yun, nandun siya, e. Hindi niya ako iniwan,” pagtukoy ni Valerie sa boyfriend niya ngayon.

Dagdag niya, “And I was even honest to tell him na hindi pa ako ready mag-commit ulit.

"Parang feeling ko, kakagaling ko lang sa isang relationship na matindi-tindi rin naman yung pinagdaanan.

“So, sabi ko, hindi pa ako ready for a new one.

"And iyon, nagtiyaga siya, e. He waited, e.

“’Tsaka ang nakakatuwa sa kanya, may mga ibang nanliligaw sa akin, hindi niya ako pinipigilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang hinahayaan niya ako to explore my options.

“And yun nga, in fairness naman, at the end of the day, siya naman talaga yung natirang matibay.”



DAUGHTER FIONA. Close daw ang kasalukuyan boyfriend ni Valerie sa nine-year-old daughter ng aktres na si Heather Fiona. "Tito" raw ang tawag ng anak sa kanyang kasintahan.

“Pero naglolokohan kasi sila nung Father’s Day, dahil nag-church kami, ’tapos parang niloloko siya nung dyowa ko na parang, ‘O, batiin mo na yung papa mo ng Happy Father’s Day!’

“Parang ganyan, ’tapos ’tinuro niya [Fiona], ‘Ikaw, Papa?’

“Ganun siya. ’Tapos nagtatawanan sila, ganun sila, e.

"Yung relationship nila, it’s more of parang mas friends sila.

"Yung comfortable si Fiona na sumama sa kanya, na kahit silang dalawa lang yung mag-mall, ganun.”

Nakatakda raw kumuha ng board exam this year ang boyfriend ni Valerie.

“Gusto po niyang mag-anaesthesiologist,” sabi pa ng aktres.



FEARS. Excited ba siya na future doctor ang boyfriend niya or future husband niya? Parehong busy ang artista at doktor, hindi ba siya nag-aalala na mahihirapan sila sa kani-kanilang schedule kung sakali?

"Iyon, fear ko yun!" pag-amin ni Valerie.

"Kasi siyempre, nasanay ako na nung clerkship niya ’tsaka nung intership niya, nagdi-date pa lang kami, marami siyang oras.

“Kasi nga clerkship pa lang, ’di ba?

"Pero once na mag-residency siya, hindi na daw puwedeng mag-leave.

“Parang bini-brief na niya ako na, in a year, isang linggo lang yung puwede nilang ibakasyon.

"So, parang ako, parang ready na ba ako sa ganun? Parang natatakot ako.

"Iyon yung biggest fear ko, kasi nga, hindi ko pa na-experience na ganun siya ka-busy, e.

“’Tapos iniisip mo, wala kang kilala dun sa ospital, wala kang koneksiyon, hindi mo alam kung nambababae or ano!” at tumawa si Valerie.

Patuloy niya, “Kaya ayoko pang isipin na magkakatuluyan na kami agad-agad, kasi four months pa lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Though sana, ’di ba, sana siya na, pero…”

Paano kapag nagyaya na itong magpakasal?

“Agad-agad? Di ba, pagka ganun, engagement lang naman muna?” at muling tumawa si Valerie.

Dagdag niya, “Sa ngayon, hindi pa.

“Next two to three years siguro.

“Happy pa ako sa pinaggagawa ko sa buhay ko.

"And, at the same time, I feel like gusto kong tapusin yung pag-aaral ko bago ako magpakasal talaga."

SCHOOLING. Twenty-six years old si Valerie ngayon at first year college sa kursong Marketing sa AMA sa Project 8.

May factor ba ang pagkakaroon ng kasintahang nagdodoktor kaya itinuloy ni Valerie ang kanyang pag-aaral?

Tugon niya, “Well, kasi gusto kong maging parang ma-proud sa akin yung anak ko.

"Na parang, ’Uy, mom ko nag-aaral ulit! Gustong makatapos.’

“’Di ba, kumbaga, may pangarap, may goal sa buhay, so gusto kong maging inspiration kay Fiona.

“Pangalawa, iyon, it helps na yung boyfriend ko... na hindi yung sa doktor, parang ayaw mong mapag-iwanan.

"Kasi for sure, ang mga kaibigan niya, mga tapos [sa pag-aaral].

“Ayoko na mamaliitin ako, even the family. Iba pa rin siyempre yung nakapag-aral ka.

“’Tsaka iyon, siya yung nag-push din sa akin na nung nalaman niyang may plano akong mag-aral, sabi niya, ‘Sige, sige lang ituloy mo.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN