PEP EXCLUSIVE. Dani Barretto on Claudine Barretto: "...tita ko pa rin siya. Nasaktan ako and all...Life goes on na."

May ginagawa ba si Dani Barretto at ang mga kapatid at pinsan para makatulong sa pag-aayos ng alitan nina Gretchen, Marjorie, at Claudine? Ang sabi ng dalaga, "Kung ano ang pinagkakaabalahan namin with our lives, yun na lang kami nagdu-dwell or nagpu-focus on. ’Di na lang kami nagpu-focus sa rift or away kay ganyan."


"Okay na ako. Okay na ako from what has happened from the past few weeks. I said my piece and that’s it."

Ito ang reaksiyon ni Dani Barretto nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang estado ng kanyang emosyon pagkatapos ng isyung nangyari sa kanila ng tita na si Claudine Barretto.

Tila may pag-aalinlangan ang dalaga nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi na magpa-interbyu. Pero nang pakiusapan namin siya, maayos at magalang itong pumayag.

Matatandaang nag-post si Dani sa Twitter ng kanyang saloobin tungkol sa alitan ng kanyang ina at Claudine.

Sa panayam ng dalaga sa The Buzz 15 noong June 1, sinabi ni Dani, “I did tweet something that day, but I realized that I shouldn’t, so I erased it right away but she [Claudine] saw it...

"The first time I ever tweeted, she thought that it was for her. I wasn’t attacking her.

“That’s two different things—attacking somebody and defending somebody.

“I just defended my mom.”

READ Dani Barretto denies bashing aunt Claudine Barretto; defends mom Marjorie Barretto

Naka-move on na raw si Dani sa nangyari.

Sabi ng dalaga sa exclusive interview niya sa PEP kahapon, June 19, sa event ng Plains and Prints sa Shangri-La Mall Plaza, "It will be last the time na I will talk about the issue.

"She’s my Tita, kahit ano ang mangyari, tita ko pa rin siya.

"Nasaktan ako and all.

"Nasaktan ang both parties pero marami rin kasing misunderstandings at ’di siya naayos kasi ’di napag-usapan.

"But like what I said, it’s behind me na.

"Life goes on na."

Ano ang natutunan niyang leksiyon mula sa pagkakasangkot niya sa nasabing kontrobersiya?

Aniya, "I guess ano...I guess, I have to be careful also with what I say and on what I tweet or what I post sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang kasi, nagkakaroon ka ng bad impression sa ibang tao kahit wala ka namang mini-mean na iba.

"And I guess to stand up when you fall, yun lang.

"And move on kaagad from it kasi lalo ka lang made-depress, ’di ba?"

Sa palagay ba niya ay may tuldok na ang relasyon ng kanilang pamilya sa kanyang Tita Claudine?

Mabilis na sagot ng celebrity blogger, "God’s will na lang yun.

"Sila rin ’yan, hindi ko rin masasagot.

"God’s will na lang."

Sila bang younger generation ng mga Barretto, wala ba silang ginagawang hakbang para makatulong sa pag-aayos ng gusot sa pagitan ng kanilang pamilya?

Sabi niya, "I don’t know.

"Kasi naman kami, we’ve always stayed quiet naman, e

"Wala naman kaming kinampihan ever.

"So sa amin, in our own business.

"Kung ano ang pinagkakaabalahan namin with our lives, yun na lang kami nagdu-dwell or nagpu-focus on.

"’Di na lang kami nagpu-focus sa rift or away kay ganyan.

"Kasi kung dun kami magpu-focus, walang makaka-move forward."

Meron ba siyang wish para sa dalawang tita niyang nag-aaway pati na rin sa kanyang ina?

Nag-aalangan siyang sumagot pero, "Ayaw ko nang magsalita.

"Sa Mommy ko na lang siguro.

"Strong naman ang Mommy ko, kaya niya ’yan."

Mahirap ba para sa kanya na siya ay isang "Barretto"?

Saad ng celebrity blogger, "Well, it has its perks and downsides.

"Wala naman talagang akong isyu.

"I’m proud to be one naman."

Nagbigay-pahayag din siya tungkol sa sitwasyon ng kanilang pamilya sa gitna ng still-ongoing family feud.

Saad niya, "We’re happy naman. Life goes on for us.

"Lahat naman kami, may ginagawa like ako, busy ako sa blogging and school and all those stuff.

"Si Julia naman ay busy sa kanyang work.

"May kanya-kanya kaming ginagawa so ’di na namin naiisip ang mga yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And speaking of Julia, masasabing proud sister daw siya sa tagumpay na tinatamasa ng kapatid bilang isa sa most-sought-after young stars sa panahon ngayon.

Halos mapasigaw siya sa pagsasabing, "I’m so proud of Julia!

"Kung anuman ang mapuntahan niya, she knows naman na I’m always there for her.

"Julia will be...she was born to be a star."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN