Dingdong Dantes says there’s never been an issue with Richard Gutierrez

Dingdong Dantes on Richard Gutierrez: "Siguro wala lang din chance before to interact and now that there’s the opportunity, wala namang problema. I’m happy that it’s happening."


“Magulo! Magulo, grabe,” ang nakangiting pahayag ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang tanungin kung ano nga ba ang pakiramdam na meron siyang dalawang babae.

Kasal na siya dun sa isa, at yung isa naman, kailangan niyang pakasalan dahil nabuntis niya.

Ang karakter niya sa Ang Dalawang Mrs. Real ang isa sa mga naging topics namin nang makapanayam siya ngPEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa taping nito sa Del Monte, Quezon City, noong June 18.

Ayon pa kay Dingdong, “Magulo, grabe, hindi mo alam kung gusto mo na lang mawala sa mundo o kainin ka ng lupa.”

In a way, may konting pagkakatulad ang sitwasyon ng karakter niya kung ihahalintulad sa totoong buhay niya.

“Feeling ko, nakaka-relate ako dahil sa mga sabihin na nating ginagawa ko sa buhay...dahil meron akong trabaho rito sa showbiz, meron din akong commitment sa gobyerno.

“Parang in a way, binabalanse ko rin ang sarili ko. Yung hirap na pinagdadaanan ni Anthony, doon ko siya nare-relate.

“Pero hindi naman sa pagsasabay ng dalawang relationship,” paglinaw nito.

LIFE IMITATING ART? Naiisip niya ba ang mga posibilidad kung sakaling mangyari rin sa kanya sa totoong buhay yun?

“Ay, hindi puwede talaga,” saad niya.

Tao lang din naman daw lahat at posibleng madaling matukso, lalo na sa estado niya.

Pero paano nga ba kung babae na ang lumalapit?

Patuloy pa ni Dingdong, “Friendly naman po tayo, friendly na may hangganan. Mahirap din naman po kapag nandiyan na.”

Kung sakali at mangyayari sa kanya sa totoong buhay, pakakasalan din ba niya ang ikalawang babae kung mabubuntis niya?

Paliwanag niya, “Depende ho...depende kasi, iba ang pinanggagalingan ni Anthony. Kung ako, hindi ko talaga masasabi hangga’t wala ka ro’n.

“Bilang audience, sinasabi ko kay Anthony, bakit mo gagawin yun, ’di ba?”

VICTIM ROLES? Sina Maricel Soriano at Lovi Poe ay puwedeng sabihing mga “biktima.” Pero yung karakter niya, kung tatanungin siya, maituturing din ba niyang biktima?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-aanalisa ni Dingdong, “Sa palagay ko, siyempre, ano rin naman, lahat din naman kami. Well, ako rin naman magsasakripisyo para kay Sheila.

“Kung hindi rin naman mangyayari yun, itatakwil siya ng magulang niya. Masisira ang buhay niya.

“Hindi lang yun, pati ang buhay ng batang isisilang. So meron akong isa-sacrifice. Ang isa-sacrifice ko ro’n, yung pagiging loyal ko sa aking asawa.

“May mga sacrifices akong kailangan gawin para rin sa ibang tao. Parang si Millet [Maricel], gayundin sa kanya. Wala naman siyang kasalanan dito, so far...so far, ha.”

Sabi pa ni Dingdong, “Minsan, kailangan mo rin gumanap ng ganoong role, yung hindi ka masyadong mabait.

“Kung puro mabait, hindi uusod ang kuwento at hindi magkakaroon ng interesting angle.”

MARICEL AND LOVI. Kumusta ang dalawang Mrs. Real sa set?

“Literal na—well, unit 1 and unit 2. Kapag nasa unit 1 ako, inaakting ko talaga na asawa ko si unit 1. Kapag nasa unit 2, ganoon din.

“Pati wedding ring kung papaano ko suotin. Ginawa ko nang ang wedding ring, pareho na para hindi magkamali, at idea lahat ni Marc Abaya ‘to.

“Siya ang aking kunsensiya,” natawang lahad ni Dingdong.

Wala na siguro ang ilangan ngayon tulad ng pahayag niya noong mga unang araw ng taping nila na nandoon pa yung pagka-ilang niya lalo na kay Maricel.

Pagpapasalamat niya, “Well, siguro I can say na it’s get better and better everyday. Ganoon naman talaga, kahit sa anong trabaho naman talaga.

“So far, nagpapasalamat ako na walang nagiging problema. Umaga man o gabi.”

INGGIT FACTOR.” Kasalukuyang nasa Chicago si Dingdong ngayon kasama ang kanyang manager na si Perry Lansigan para sa GMA Pinoy TV show niya.

Bukas ay magkikita naman sila ng girlfriend na si Marian Rivera sa New York City.

Nabanggit daw ni Marian na puwede na itong magkaanak kasi raw, naiinggit daw siya kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah talaga, buti pa siya alam niya,” natatawang sagot naman ni Dingdong.

Pero totoo nga bang nae-engganyo siyang magkaroon na ng sariling baby?

“Dati pa naman, dati pa...lahat naman yun. Kaya nga natutuwa ako sa lahat ng kaibigan kong nagkakaroon ng anak because it’s really a blessing.

“Nowadays, hindi naman na siya guarantee if you’re kasal or in a relationship, ‘di ba? Binibigay lang talaga ‘yan ng Panginoon.

“That’s why, I’m sincerely happy lalo na sa mga bagong silang. Kasi, sa kabila ng mga nangyayari sa atin, sila ang mga bagong pag-asa,” saad niya.

Ideally, mas gusto pa rin ba niyang mauna pa rin ang kasal bago ang anak?

Aniya, “Ayokong magsalita ng tapos. So basta ako, kung ano’ng blessing, yun yun.”

READY TO BE A DAD? Kung sakali man, nakahanda na ba siyang maging daddy?

“Matagal na at saka nasa ano rin naman ‘yan, kung paano mo mapapanindigan at kung paano mo ginawa,” sabi pa niya.

Noong nakita niya si Zion, ang baby nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ano ang naramdaman niya, parang gusto na rin niyang magka-baby?

“Dati pa naman,” nakangiting pahayag ni Dingdong.

“Pero sobrang nakakaaliw, ang cute! Ang galing. Actually, parang kinilabutan pa nga ako.”

NO ISSUE WITH RICHARD. Napapadalas nga na nakikita silang magkasama ngayon ni Richard, dahil na rin sa parehong hilig nila na pagmu-motor.

Noong binyag at first birthday ni baby Zion ay nandoon siya.

Marami naman ang natuwa na nakikita silang magkasama dahil ang ibig sabihin nito, wala talaga silang away o isyu.

“Wala naman po talaga. Actually, wala talaga to begin with,” diin ni Dingdong.

May nang-iintriga lang talaga sa kanila?

“Wala rin naman. Siguro wala lang din chance before to interact and now that there’s the opportunity, wala namang problema. I’m happy that it’s happening,” pagklaro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN