Bianca Gonzalez on being bashed for online comments about Bong Revilla: “That’s what social media is for, i-share mo yung opinion mo.”

Bianca Gonzalez on posting her opinion on social media: “gusto ko civil pa rin naman yung magiging komento ko and yeah, that’s what social media is for, i-share mo yung opinion mo.”


Nagulat si Bianca Gonzalez nang hingan siya ng detalye tungkol sa napabalitang wedding date nila ng fiancé na si JC Intal.

Pagkatapos kumalat ng proposal ni JC kay Bianca sa social media networks ilang buwan na ang nakalilipas, inaabangan ngayon ang nalalapit na pagpapakasal ng dalawang celebrities.

“Wala pa rin akong maa-update,” nakangiting bungad ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng dressing room pagkatapos niyang mag-host sa 37th Gawad Urian noong June 17.

“Balikan ninyo ako next month.

“Actually, maraming nagsasabi, ‘Huh? Bakit wala pa kayong plano,’ ganyan.

“Parang sila yung naii-stress para sa amin e kami parang chill lang kami.

“Wala pa talaga. Next month kapag tinanong ninyo ako baka may more concrete plans na ako.”

If ever, will it be a church wedding?

“We have to be church kasi Catholic kami pareho. So definitely, dapat church,” sabi ni Bianca.

Within Metro Manila or out of town?

“Hindi pa namin nade-decide nga yun, e. Ang dami kasi naming nababatong idea sa isa’t isa.

“’Tapos iba rin kami doon sa...ako mas gusto ko small and intimate, siya gusto niya malaki, maraming maiimbitang kaibigan, pamilya.

“So kailangan ’ata ngayon, mag-agree muna doon and then, makakapag-decide kami,” dagdag pa niya.

SEVEN KIDS? Nagkaayos na rin ba sila kung ilang anak ang gusto nila?

Natatawa niyang reaksyon, “Ay, anak?!

“Uhm, ako kasi, kaming magkakapatid, tatlo. ’Tapos silang magkakapatid, anim.

“Siya sanay sa big family, ako naman sa small lang. So, we will see. Ideally, sa utak ko, sana two or three, kung binigay ni God, ’di ba?

“Pero nagpahiwatig na siya dati, gusto niya, seven. Ay, seven! Teka lang! So yun.”

Ngayon pa lang ba ay nagkakaroon na sila ng pagtatalo ni JC tungkol sa mga detalye ng nalalapit na kasal nila?

“Wala pa naman. Although, sabi nila magkaka-ganoon daw talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Uhm, wala pa rin akong sign din kung siya yung tipong tinatawag nilang ‘groomzilla?’

“Yung akala mo dedma yun pala gusto lahat may say. Wala pa akong nakikitang signs.

“Siguro kapag nasa planning stage na kami or may concrete ano, ’tapos yung may details. Doon daw nagkakatalo, e. Pero ngayon, wala pa naman,” lahad niya.

MODERN TWIST TO PAMAMANHIKAN. Namanhikan na ba ang pamilya ni JC sa parents niya?

Ayon kay Bianca, “The problem with yung pamamanhikan, kasi my family, hindi dito nakatira talaga. So mommy ko at kuya ko, nasa States. Ate ko, nasa London.

“So through the phone, isa-isang tinawagan niya pala bago niya ako tanungin. So yun na yung e-pamamanhikan. Haha!”

Sinang-ayunan namin ito at saka sinabing bakit hindi? Tutal uso na rin naman ang e-burol ngayon.

Sabi ni Bianca, “True! Mismo!

“Oo, kasi, alangan naman ano, saka panahon na ngayon ng Internet and everything, mobile data. So e-pamamanhikan, pauusuhin ko ‘yan. Sa lahat ng pamilyang may OFW member, makaka-avail na kayo ng e-pamamanhikan. Taray, ‘di ba?”

May napili na ba siyang theme para sa wedding?

“Wala rin, e. Hindi rin ako yung parang noong bata ako, gusto ko ganito, kailangan ang gown ko ganito, make-up ko si ganito... Hindi ako ganoon at all,” pag-amin niya.

ON TONI GONZAGA. Hindi ba naiingit sa kanya ang best friend na si Toni Gonzaga?

“Ay, nainggit talaga? Si Paul [Soriano] andiyan, tanungin ninyo!” bulalas niya.

Sinabi naman ni Direk Paul na patungo na rin sila doon.

Ani Bianca, “Alam ninyo kung bakit nag-iba ang sagot ngayon ni Direk Paul?

“Dati kasi nung sinabi raw niya na malapit na, sabi ni Toni, ‘Anong pinagsasabi mo na malapit na?!’

“Na-ganoon daw, kaya siguro ngayon, iba na ang sagot ni Paul, haha!

“But no, si Toni naman ang nakakatawa, uhm, when I got engaged nung March, I remembered, kinuwento niya sa akin, sabi niya talaga kay Paul, ‘O, ’etong year na ’to, moment na ’to ni Bianca. Huwag mo nang agawin, ha? Huwag mo nang gayahin, ha?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya I keep on telling Paul and Toni, kapag nagku-comment ako or nakikita ko si Paul, sinasabi ko sa kanya, ‘Share na natin ‘tong year na ‘to. Okey lang sa akin talaga.’

“Talagang I’ll be happy to share this year with them.

“Pero yeah, well, si Toni naman is one year below, one year younger lang siya sa akin. So malapit na rin ‘yan talaga.”

PBB NUDE PAINTING ISSUE. Ano naman ang take ni Bianca tungkol sa nakaraang nude-painting issue sa Pinoy Big Brother All-In?



Matatandaang sinita sila ng MTRCB (Movie and Television Review Classification Board).

Pahayag niya, “Oo, okay naman. Okay naman siya, o! Hahaha!

“Well, ako kasi when I heard about the task, ‘Ah, okey.’

“Kasi ang dami na naming naging task sa past na uhm, controversial, risky, na-MTRCB din.

“Meron din nga kahit hindi task, yung ginawa ng housemate or whatever, na-MTRCB din kami.

“So, nagulat ako na this will be an issue kasi marami ’ata, nung malaman yung issue, hindi nila alam na tanong siya, ’yes or no.’

“Hindi siya para mag-pose sila nang hubad. So siyempre, as a woman, and Toni rin bilang woman, and siyempre, we have bosses and producers that are women, yung mga lalaki naman may asawa, daughter. Hindi naman nila, hindi naman sila magpapagawa ng task na alam nila na ikapapahamak, ikapapahiya ng isang housemate.

“So ayun, first and foremost, it’s a yes-or-no task. Sana yun ang malaman ng tao na free talaga yung housemate to say no. Except siguro nagka-dilemma sila kaya nag-yes muna ’tapos nag-no.

“Uh, but ’eto rin ang sinabi ng management namin, rest assured na every task naman na gawin namin, we really abide by the rules.

“Hindi nga lang ng MTRCB kundi even ang ABS-CBN. Meron naman tayong ethical standards and moral standards.”

ONLINE COMMENTS ON BONG REVILLA. Samantala, may mga nagba-bash kay Bianca sa social media sites dahil sa pananahimik niya diumano sa issue ng PBB pero very open naman siya sa pag-post ng comments tungkol kay Senator Bong Revilla Jr. dahil sa pork-barrel investigation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilang sa mga posts ni Bianca tungkol kay Bong nitong nakaraang mga araw:

Jun 19

Ganun ganun na lang ang paggamit bible quotes ngayon..

Jun 19

Reality (aka news) can really be stranger than fiction.

Jun 19

#nakakapagpabagabag

Jun 19

#Telenewserye o #Balitaserye o #Porkserye. Anong pinakamagandang magandang term para dito?

Jun 19

#porkserye RT @PhilippineStar FYI: Sen. Revilla comes with his own camera crew to film his "surrender."

Anong masasabi niya sa mga nangba-bash sa kanya sa social media?

“Oo, may nag-tweet sa akin ng ganoon. I don’t think I have an opinion except na ngayon lang ako natanong.

“Wala naman akong…hindi naman ako pupunta sa press and say ganito, ganyan. Or hindi naman ako nag-tweet only because if I do, people would say, ‘Bakit mo dini-defend?’ Parang ganoon, ‘di ba?

“If I don’t say anything, I’m quiet. If I say naman something, bakit mo dini-defend hindi ka naman tinatanong ng tao.

“So yeah. I’ve always...ito lang, in another interview recently, tinanong ako about the PBB issue. So, happy ako to share my thoughts,” depensa niya.

Would she like to react naman sa pangsasawsaw daw niya on pork-barrel issue kay Bong?

Sagot ni Bianca, “Taray, alin yun?

“Bina-bash ako dahil nakikisawsaw daw ako sa issue? Ah, siguro i-backread nila lahat ng tweets ko for the past three years, kapag may mga ganyan namang issue, nagpu-post din talaga ako.

“And to be perfectly honest, ang dami pang mas malalang, masasakit na salita na post ng ibang tao and ako, as much as possible, I want to share my opinion pero responsible pa rin ako sa words ko.

“Hindi yung parang grabe na mga salita. I’m sure nakikita niya sa timeline niya yung mga lait ng tao, ‘di ba?

“I tried not to be like that kasi gusto ko civil pa rin naman yung magiging komento ko and yeah, that’s what social media is for, i-share mo yung opinion mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya pinagsisisihan ang mga nakaraang pinost niya tungkol sa senador?

“No, no, definitely, not. May mga words pa siguro ako na na-post in the past na siyempre alam ko may family sila na nasaktan sa whatever bashing na makuha ng family member nila.

“Pero part, I guess, yun ng public life at saka part din yun ng... wala, social media is there, e. Magpu-post talaga yung mga tao ng opinion nila.”

Sa kabila ng pagkakaroon ng ganitong bashers, ipagpapatuloy pa rin ba niya ang pagpu-post ng mga comments o opinyon niya on social media?

“Oo, ita-try natin siyempre. Not because para kang nakikisawsaw or lahat na lang may say.

“Uhm, sa issue kasi ng... especially this issue-issue ng kaban ng bayan, taxpayers, every one naman talaga is concerned,” pagtatapos ni Bianca.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN