Carmi Martin on possibility of falling in love again: “Parang ayoko na, ayoko na mag-boyfriend!”

Carmi Martin on being loveless and a devout Christian: “Sabi ko, Lord, if for example yung desire to look for someone or to have sex with anyone, kung hindi naman po nararapat sa ngayon, take it away because I don’t want to dishonor you. Ibalik mo na lang kapag dumating yung tamang tao. E, kung si Boots Anson-Roa e, o say mo, ’di ba?”


“Naku, Abangan [ang susunod na Kabanata]! Dyusko, ilang…kasi ’di ba parang biglang napunta sa soap lahat?

“Nag-sandali ako sa Channel 5, nakalimutan ko na ang title,” at natawa si Carmi Martin habang binabalikan ang mga nagawa na niyang mga shows sa telebisyon mula noong kasagsagan ng kanyang showbiz career noong ’80s.

“Long-running yung Abangan, oo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi sa presscon ng Ismol Family noong June 15, sa GMA Network Center.

Wala bang inialok ang GMA sa kanya since nagkaroon naman ng mga sitcom ang Kapuso Network?

“Wala, wala naman. Siguro naka-focus dun sa mga soap,” lahad niya.

At marami na rin daw siyang nagawang drama series.

Balik-sitcom bilang si Mama A si Carmi.

Siya ang maging ina ni Majay (Carla Abellana) at biyenan ni Jingo (Ryan Agoncillo) sa Ismol Family na mapapanood simula sa Linggo ng gabi, June 22, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.

Kuwento pa ni Carmi sa pagkakaalok sa kanya ng nabanggit na proyekto...

“Tinawagan ako ni Ms. Cecille de Guzman [Ismol Family’s program manager], sitcom nga daw. Unang-una, ’di ba ang sarap gumawa ng sitcom?

“’Tapos yung the reason why, ’di ba sabi ko, progressive, parang yung pag-aano [acting] mo talaga hindi yung dun ka na lang.

“So nung sinabi nga nila na parang may pagka-cougar, ganun, at sino yung mga casting, siyempre nakakatuwa dahil mas matagal yung sitcom din, e.

“’Tsaka kumportable kasi ako sa sitcom. Iyon.”

Bilang cougar, ang gaganap na lover niya rito ay si Kevin Santos bilang si Lance.

Ano naman ang naging reaksyon niya nang nalaman niyang may edad na babae na mahilig sa mga mas batang lalaki ang karakter niya?

“E, ’di mas okay kasi minsan pag sinabing mother, ganun-ganun, parang minsan, alam mong wala, limitado, e.

“Ito, nagbebenta ng alahas, mga ganun-ganun, so alam mong mapapaglaruan [ang role],” masaya niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa tunay na buhay raw ay hindi niya naranasang maging cougar.



TWEAKING HER COMIC ROLE. So paano ang atake niya bilang si Mama A?

Pinanood ba niya ang TV series sa Amerika na Cougar Town ni Courney Cox-Arquette?

“Hindi na, kasi mas tamed pa nga iyon e,” at natawa si Carmi.

“’Di ba mas tamed?

“Kasi nga yung pag comedy, madali sa akin mag-adjust, ’di ba?

“So parang okay naman, okay naman.

“Kasi pag for example I watch even international movies, ganun, pag meron akong mga scenes na naaalala, Shirley Mclaine, mga ganun. Natatatak na sa mind ko yun.

“Like, for example, ang isang dream role ko yung sa Annie, ’di ba si Shirley Mclaine yata yun, yung alcoholic na kontrabida?

“Yun ang mga role na gusto ko, yung mga ganun na alam ko parating naka-rollers, yung unglamorous, gusto kong mag-role ng mga ganun.

“Kasi nga, ewan ko ba, somehow, wala akong inhibitions pagdating nung sa magiging ano ako, yung unglamorous pagdating dun sa comedy,” patuloy pa niya.

Sa Ismol Family ay hindi naman siya mukhang losyang.

Aniya, “Glamorous pero siyempre ’di ba minsan pag sa comedy nao-OA yung face, mga ganun.”

VOW OF CELIBACY? Sa tunay na buhay raw ay wala siyang planong umibig sa mas bata sa kanya.

“Ayoko! Ewan ko, ’tsaka right now hindi pa naman ako mukhang losyang, parang ayoko na, ayoko na mag-boyfriend!

“Parang I give my life to the Lord. I would say honestly.

“No sex life, no anything,” deklara niya.

Ilang taon na siyang loveless at sexless?

“Ayoko ng i-mention,”at tumawa si Carmi.

Pero mas masaya raw siya ngayon.

“Oo! Kasi may time talaga that I confess na I am already a Christian, may boyfriend ako. And I don’t feel good.

“I don’t feel… na para akong ipokrita, in short. Christian ’tapos may relationship naman, ganun-ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masama ba iyon?

“Hindi e ’di ba dapat kasi as a Christian, talagang magpapakasal kayo, and you would honor God? E, parang dini-dishonor ko because of that relationship.

“So right now I feel that I am blessed because I can say that I am honoring God talagang as much as I can.

“And I’m in love with my puppies!”

Apat raw ang pets niya.

“Maltese-Yorkie, mix breed.”

May mga nanliligaw naman daw sa kanya.

Dagdag niyang kuwento, “Oo, sabi ko nga sa iyo marami pa ring mga nag-i-inbox-inbox, ganun, pero alam mo parang I really pray.

“Sabi ko, Lord, if for example yung desire to look for someone or to have sex with anyone, kung hindi naman po nararapat sa ngayon, take it away because I don’t want to dishonor you.

“Ibalik mo na lang kapag dumating yung tamang tao.

“E, kung si Boots Anson-Roa e, o say mo, ’di ba?

“I am not closing my door, kaya lang ayoko lang makipag, alam mo, yung testing-testing, one-two-three.

“Iyon, iyon lang.”

INTERIOR DESIGN FIRM. Bukod sa pag-aartista ay may interior design company si Carmi, ang Martin Interiors.

Hands-on daw siya sa kanyang kumpanya na nagdidisenyo ng interiors ng mga bahay.

Isa sa mga naging kliyente na niya ay si Rufa Mae Quinto.

Nais naman daw niyang hotels ang sumunod niyang kliyente.

Hindi pa raw siya nakapag-interior design ng bahay.

Detalye niya, “Hindi pa, mga bahay, residences, commercial, right now I’m doing two and then two na tinatapos ko ng accessorizing.

“Mga bahay, condos, ganun.”

Hotel nga ang susunod niyang gustong gawin.

“Oo! Siyempre may partner na ako dun, kasi gusto ko even nabe-bless pa ako sa pag-aartista ko, gusto ko rin na huwag kong mahinto iyon kasi yun yung fallback ko,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN