Gabby Eigenmann vows to protect family honor: “I’ll defend hanggang sa alam kong tama.”

Gabby Eigenmann says he will defend and speak up for showbiz relatives involved in controversial issues: “May mga instances na kapag kailangang magsalita, magsasalita. Hindi naman kami celebrity family o showbiz family na konting kibot ng isa, comment si ganito, kanya-kanyang opinyon. We keep it to ourselves unless kailangan nang magsalita.”


Aminado si Gabby Eigenmann na sa kauna-unahang title role niya sa telebisyon—ang Dading na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes ng hapon sa Kapuso network—ang mismong karakter niya bilang isang bading ang kauna-unahang “pressure” na hinaharap niya.

Inamin ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Dading sa 17th Floor ng GMA-7 noong June 19, “Actually, yun nga ang medyo naging pressure for me kasi, as much as possible, I want it to be real.

Panimula niyang saad, “E, hindi naman ako gay to begin with.

“Pero since marami na akong kaibigan [na gay] and the fact na I know their story, yung kanya-kanyang story nila sa buhay, yung kinalakihan nila, para sa akin, logically, I try to learn and absorb.

“Kumbaga, kung saan sila nanggagaling. Kung anong emosyon ang gagamitin.”

Hindi naman daw literal na “peg” lang ang kailangan dahil nandiyan na raw yun. Yung emosyon daw talaga ang dapat niyang gayahin.

Paliwanag pa niya, “Kasi, kahit ipitik ko ang daliri ko, leeg ko, balikat ko, kahit anong gawin ko, physicalities lang ‘yan, yung emotion ang kailangan.

“Before I do a scene, bago ko i-arte, hinahanap ko ang tamang emosyon.

“Paano ba sila? Kapag lalaki, magalit ka, umiyak ka... alam mong lalaki. Kapag bading, paano ba?”

AFFINITY WITH GAYS. Kahit na isa siyang ganap na lalaki, meron din bang siyang “gay side?”

Balik-tanong niya, “Paanong gay side?

“I mean, feeling ko kasi, that’s why I always say, marami akong kaibigan na... hindi sa lapitin ako sa bading dahil liligawan ako, hindi, e.

“It’s because I jive with them. Madali ko silang pakibagayan. Siguro, laking mommy kasi ako growing up. My tita used to own a parlor sa mom’s side ko.

“Laki ako na puro babae nasa paligid ko, but it was never a question kung anong gender ko. I know that I was born a man. Lalaki ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun nga, siguro dala ng pagka-Piscean ako, sensitive, nararamdaman ko sila, napi-feel ko sila.”

GAYS IN THE FAMILY? Inamin naman ni Gabby na noong nagsisimula pa lang daw siyang mag-artista, may bading na nagtangkang manligaw sa kanya.

Saad niya, “May nag-attempt na umakyat ng ligaw. I said, ’I’m not interested. I can be a friend to you but I’m not into that.’

“Wala na after that.”

Sa pamilya ng Eigenmann, masasabi ba niyang wala talagang bading sa kanila?

“Sa Eigenmann side, wala. Although, I still have two brothers sa mom’s side ko.

“I don’t know if I’m at liberty to say, but I have a youngest brother sa mom’s side ko who is gay.

“It took time for me to accept [this],” lahad niya.

FIRST STARRING ROLE. Una raw nabalitaan ni Gabby ang tungkol sa Dading habang nagbabakasyon sa Japan kasama si Geoff at ang pamilya niya.

Lahad niya, “E, ako naman bago ako umalis, gusto kong malaman kung may bago ba akong gagawin so I know how long I will stay in Japan.

“Sabi nila, meron ‘yan, meron ‘yan. And the last two days namin sa Japan, I received a text from Perry [Lansigan, his manager] na may trabaho na ako.

“Excited ako kasi, trabaho. Pagbalik ko, hindi ko akalain na it’s Dading and people started texting me, tweeting me.

“Maging si Paolo Contis at iba pang kaibigan ko sa industriya.

“So for me, I don’t know if it’s gonna be a big deal. Sa akin, trabaho lang.”

Masaya ba siya dahil ang tagal niya rin naghintay sa pagkakataong ito?

“Oo. Actually, hindi naman hinintay. I’ve been patient for the longest time. It’s not patient without doing anything. Patient ako, pero nagwu-work ako.

“Kung nakita niyong maganda ang ginawa ko, e, ‘di sige.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful ako, pero sabi nga nila, I’ve been in the business, 17, 18 years, pero hindi ko naman hinangad, basta sa akin, trabaho lang,” sabi pa niya.

LIKE LIFE. Sa Dading, ang papel ni Gabby ay bilang ama sa anak ni Glaiza de Castro kay Benjamin Alves.

Ayon kay Gabby, madali siyang naka-relate sa kaniyang karakter.

“Oo naman, siyempre, nakaka-relate [ako] in a sense na siyempre, my wife, when I met her, she has two kids already. I was a bachelor when she came into my life.

“We had our own babies. Pero sabi ko nga, so what, they are mine now,” pagmamalaki niya.

WELL-DESERVED BREAK. Masasabi ba niyang masaya siya sa posisyon niya sa buhay?

“Oh yes, sabi ko nga, I am content, but there’s no such thing as being satisfied. Kasi, I never really aimed high, pero sa ngayon, overwhelming talaga.

“Hindi ko akalain na ganito ang tiwala ng GMA sa akin, totoo talaga,” pagpapasalamat niya.

Sulit ang paghihintay niya at Dading pa ang naibigay sa kanya?

Sagot niya, “Oo, sabi ko naman, even when I won my first award, sabi ko, ang tagal kong hinintay.”

Ngayong bida siya sa panghapong serye, sa primetime na ba ang kasunod?

Natatawang sabi niya, “Sabi ko nga, feeling ko, audition ito sa primetime. Siyempre, they wanna try you sa afternoon.

“Pero siyempre, you’re only good as your last show. Kung anuman ang performance ko rito or sa previous show na nagawa ko, ito yung naging bunga.

“Ibig sabihin nabibigyan ka ng opportunity.”

ON DAD’S HEALTH. Sa naturang presscon, naitanong rin kay Gabby kung ano kalagayan ngayon ng ama niyang si Mark Gil.

May mga naisulat at may ilang blind items din na parang ang daddy na niya ang tinutukoy na diumano’y may malubhang sakit.

Kumusta na nga ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Deklara niya, “The only thing that I can say is, he’s okay. Yun lang. If you wanna read between the lines, if you wanna put meaning, kayo na ang bahala ro’n.

“Pero kung sa akin manggagaling at kahit tanungin niyo kay Andi [Eigenmann], they would always say, he’s okay.

“Kung meron man na kailangang i-announce o sabihin, sa daddy ko na.”

Pero, dinadalaw naman nila ang daddy niya?

“Yes,” sabi ni Gabby.

“Actually, ‘eto nga, hindi kami nakapag-celebrate ng Father’s Day together. Ang gusto kasi naming gawin, lahat kaming magkakapatid, is to treat him out sana.

“E, ang problema, lahat kami may ginagawa, busy kami. Sabi namin, i-move na lang natin.

“At least, we will still have time to celebrate Father’s Day. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kami nagkikita—kaming magkakapatid.

“Kaya sabi ko, ’Hoy, mahiya naman kayo.’”

Nasa bansa lang ang daddy niya?

Sagot ni Gab, “Yes, nandito lang naman siya. Katatapos lang niyang gawin yung The Legal Wife sa kabila.

“And I think, he’s itching to come back sa GMA. So, sabi ko, kung may offer, go. Halos nandito na kaming lahat, si Tito Mike [Michael de Mesa], si Sid [Lucero].”

DIREK GINA-ALJUR ISSUE. Pinangunahan na namin si Gabby sa pagsabing alam namin, hangga’t maaari, iniiwasan niyang magbigay ng komento o pahayag kapag isyu na ng mga kamag-anak o kapatid niya ang pag-uusapan.

Pero kailan lang kasi, nagbitiw ng pahayag si Direk Gina Alajar na “hindi” raw nito ididirek si Aljur Abrenica.

May kaugnayan ang pagtanggi ni Direk Gina na idirek si Aljur sa ngayon dahil sa ginawa ni Aljur sa anak ni Gina na si Geoff Eigenmann.

Si Geoff ay pinsan ni Gab.

Kung siya ang tatanungin, papayag ba siyang makasama si Aljur sa isang project?

Ayon kay Gabby, “Sa akin, pag trabaho, trabaho. Hindi naman ako namemersonal, e. Pero mahabang usapan yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-uusap kami, kasi kapag namemersonal ka kasi, napakaliit ng showbiz.

“One way or another, you’ll always cross paths. Kumbaga, hindi mo maiiwasan yun, ang liit-liit lang ng industriyang ito lalo na nasa GMA pareho.

“Pero may kanya-kanya ‘yan. Halimbawa bigyan ako ng opportunity to work [with Aljur] mag-uusap muna kami.”

DEFENDING THE FAMILY. Ang pamilya Eigenmann ang isa sa pinakamalaking clan sa local showbiz.

“Na active,” pagtatama naman ni Gabby.

Sila ba yung tipo na kapag nakanti ang isa sa kanila o may nagawan ng hindi maganda, nandoon ang pagsasama o suporta rito?

“Oo, kaya nga may mga instances na we just keep quiet. May mga instances na kapag kailangang magsalita, magsasalita.

“Hindi naman kami celebrity family o showbiz family na konting kibot ng isa, comment si ganito, kanya-kanyang opinyon. We keep it to ourselves unless kailangan nang magsalita.”

Pero ngayon, nagsasalita ba sila?

“Kami, but not because it’s connected to me. It’s about someone else. Yung walang kamatayang Geoff and Carla [Abellana] break-up. Yung Andi-Jake [Ejercito] na relasyon.

“Sabi ko nga, ililihis ko lang ha, itong Dading very thankful ako. At least, may pag-uusapan naman tungkol sa akin.

“Pero yun nga ang sabi ko, kapag may problema ang bawat isa sa amin, we made a vow to protect each other.

“Ako naman kasi, sa sarili ko lang, I’ve done my part and I’m still doing my part as brother, cousin, son, or nephew. I’ll defend hanggang sa alam kong tama,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN