Kylie Padilla nixes possibility of reconciling with Aljur Abrenica: “Move on na.”

Kylie Padilla on never ever getting back together with Aljur Abrenica: “Hindi na po ako babalik dun kasi tapos na ako dun. Ayoko ng... may natutunan na ako, move on na. Move on na.”


Live na nag-guest si Kylie Padilla sa “Lolit’s So-List” segment ng Startalk kahapon, Sabado, June 21.

Sa naturang segment ay may listahan ng mga pangalan na may kaugnayan sa buhay ni Kylie. Ipinakita ang listahan sa aktres at bawat isa ay pinag-comment si Kylie ng Startalk host na si Lolit Solis.

Ang nasa number six ay pangalan ni Geoff Eigenmann.

Tinanong ni Lolit si Kylie kung ano ang totoong nangyari at tila si Geoff ang pinagsimulan diumano ng gulo sa pagitan nina Kylie at Aljur Abrenica.

“Naging close talaga kami, sinabi ko na ito dati, naging kaibigan ko talaga si Geoff and nilagyan ng malisya at nagulo na.

“Iyon na nga, yun lang yun. Walang nangyari,” paliwanag ni Kylie.

At sinabi ni Lolit na pagkatapos no’n ay nag-break sina Geoff at Carla Abellana.

“Wala akong kinalaman dun,” ang natatawang depensa ni Kylie.

NO REGRETS. Ang pangalan naman ni Derrick Monasterio ang sumunod na ipinakita kay Kylie.

Napabalitang nagka-interes dati ang young male star kay Kylie.

Tinanong ni Lolit si Kylie na sa palagay nito, kung hindi siya niligawan ni Aljur ay naging sila kaya ni Derrick?

Hindi ba ito nanghinayang?

Sagot ni Kylie, “Hala! Manghihinayang pa?”

Baka sakaling mas naging mabait na boyfriend si Derrick, tanong pa ni Lolit.

“Hindi, ano po actually, I think... hindi, hindi po ako nanghihinayan kasi kung talagang kaming dalawa para sa isa’t isa ni Derrick e, ’di sana nangyari. Hindi, e.

“So friends lang kami,” rason niya.

UNCLE TITA. Nasa number four naman ng listahan si BB Gandanghari na “tiyahin” ni Kylie.

Natanggap ba agad ni Kylie nang umamin na bading si BB?

“Actually, honestly, nagulat po ako.

“Kasi siya yung, hindi naman, pero pinakaguwapo. So nung umamin siya, lahat kami nagulat.

“And then for me, akala ko yung ginawa niya is a brave thing, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi siya talaga yun e, hindi naman lahat maipapakita kung sino talaga sila, so…”

KYLIE’S SECRET FOREVER. Si Aljur naman ang nasa number three ng listahan.

Hindi agad nag-react si Kylie at napansin ito ni Lolit.

“Iniingatan ko po kasi… yun lang,” at tumawa si Kylie.

Binanggit ni Lolit na may sinabi dati si Kylie na kapag ni-reveal ng dalaga ang tunay na dahilan ng break-up nila ay magagalit ang tao kay Aljur.

Kaya tinanong ni Lolit si Kylie kung ano ang tinutukoy niyang tunay na dahilan.

“Iyon ay mananatiling secret forever,” bulalas ni Kylie.

Bakit?

“Iyon na nga, iniingatan ko. Please, ayokong may magalit sa akin, or sa kanya.

“Iniingatan ko lang kasi minahal ko na rin yung family ni AJ and everyone on his side so tahimik na lang po ako.”

Dito sumundot ng biro si Lolit kay Kylie at tinanong siyang, "Palagay mo talagang naging mahilig lang sa isda si Aljur kaya nag-break kayo?"

“Ayoko, hindi ko alam,” ang tumatawang reaksyon ni Kylie.

Muling tinanong si Kylie kung sa palagay nito ay dapat manghinayan si Aljur dahil “mas maganda ka kaysa dun sa isda?”

“Hindi ko alam. Hindi ko po talaga alam kung paano sumagot. I just… Meow!”

Naka-headband kasi si Kylie ng tila mga tenga ng pusa.

Kaya biniro itong muli ni Lolit na, “Oo nga, dahil kumakain ka ng isda!”

“Ay puwede! Joke!” ang tumatawang reaksyon ni Kylie.

May balitang binalikan siya ni Aljur, tatanggapin ba niya?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi po.”

Hindi siya binabalikan?

“Hindi, I mean, maybe. Maybe, okay. But hindi na po ako babalik dun kasi tapos na ako dun. Ayoko ng... may natutunan na ako, move on na.

“Move on na,” deklara niya.

Ano ang natutunan niya? Na dapat ay mas magaling siyang lumangoy?

“Hindi!

“Na dapat mahalin ko ang sarili ko. Hindi lang puro ibigay mo lahat dun sa taong minamahal mo,” saad ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Akala ko magka-kambal sirena ka rin e,” ang sumunod na binitiwang linya ni Lolit kay Kylie.

DADDY’S GIRL. Pangalan naman ng ama niyang si Robin Padilla ang sumunod na ipinakita kay Kylie.

Masiglang bati ni Kylie, “I love you, Pa! Belated Happy Father’s Day!”

Tinanong ni Lolit si Kylie kung hindi ba raw naisip ni Robin na gulpihin si Aljur?

“Secret ulit ang sagot ko diyan,” ang tumatawang sagot ni Kylie.

Ano ang pangaral na ibinigay ni Robin kay Kylie?

“Actually, natuwa ako kay Papa, kasi sabi niya naman, nung nangyari, kakabalik ko lang ng Australia, ‘Anak nasa ’yo ’yan kung mahal mo pa rin.’

“So hindi niya sinabing, ‘Iwanan mo na ’yan, anak!’

“Sabi niya, ‘Nasa sa iyo ’yan. Pili ka ng kung anong gusto mong mangyari.’

“So, hinayaan niya ako.”

Pero hindi sinabi ni Robin na susuntukin nito si Aljur?

“Secret,” at muling tumawa si Kylie.

MOM’S ADVICE. Ang ina naman ni Kylie na si Liezl Sicangco ang nasa number one sa listahan.

Muling bati ni Kylie, “Hi Ma, I love you, I miss you!”

Sinabi ni Lolit na mas maganda si Liezl kay Kylie.

“Actually, totoo yun, ang daming nagsasabi,” pagsang-ayon ni Kylie.

“Mas maputi pa sa akin!”

Ano ang naging payo naman ni Liezl kay Kylie nang nakita nitong umiiyak si Kylie?

Sa telepono lang ba talaga siya binreyk ni Aljur?

“Nasa Australia po ako nun. So iyon na yung sagot ko!

“Anyway, sabi po ni Mama, nangyari na kasi sa kanya, sabi niya, ‘Tama na! Huwag mo nang balikan.’

“Si Mama nagsabi nun.”

Iyon ang nagpatatag ng loob niya?

“Siyempre nung una, hindi po. Inisip ko muna lahat kasi mahal ko yung tao, e, tsaka ang layo ko, tapos nangyari yun so medyo matagal yung mga realizations and…”

Tinanong naman ni Lolit si Kylie na kapag nagkaroon ito ng anak na babae ay kung papangalan niya ito ng “Louise.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meow, meow, meow,” ang tumatawang reaksyon ni Kylie.

KYLIE’S NEW ALBUM. Pinag-promote naman ni Lolit si Kylie dahil may ginawa itong album.

“Yes meron po akong album, Seasons, it’s now available on iTunes, mada-download n’yo na po, mabibili n’yo na.

“It’s eight tracks, five po sa tracks dun, ako nagsulat, ako gumawa ng melody so pakinggan n’yo.”

May kanta ba dun para kay Aljur?

“Ay naku po, ang dami! Wow, nag-promote talaga! Lahat.

“Joke!”

Sa anim na pangalan sa listahan, ang pinakagusto raw ni Kylie ay ang Mama at Papa niya.

Sa tanong naman kung kanino sa listahan siya pinaka-nasaktan…

“Aljur Abrenica!”

Pero mahal pa ba niya si Aljur?

“Tapos na nga po ako diyan!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN