Sarah Lahbati’s mom vents frustration on Instagram

Idinaan ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati (in photo) sa kanyang Instagram account ang mga patama laban sa hindi pinapangalanang tao. Sinabi ni Lola Esther na tila nabalewala ang pag-aalaga niya sa kanyang apong si Baby Zion noong mga panahong itinatago pa ito sa publiko.


Hindi nagpaawat ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati sa pag-post ng mga litrato niya at ng apong si Baby Zion sa kanyang Instagram account.

Ipinapakita niya dito ang mga larawan ng bata simula noong isinilang ito hanggang sa paglaki.

Si Zion ang anak ni Sarah sa kasintahan nitong si Richard Gutierrez na bininyagan at nagdaos ng engrandeng birthday party nitong nakaraang June 15 sa Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Read: Richard Gutierrez and Sarah Lahbati celebrate first birthday of Baby Zion

View Gallery: Zion Gutierrez celebrates first birthday

Matapos nito, naglabas ng saloobin si Esther sa kanyang Instagram account na aniya’y hindi raw maganda ang trato sa kanila sa nangyaring binyagan at birthday party. Pinagmukha raw kasi siyang patay-gutom ni Anabelle.

Pero kaagad naman nitong binura sa kanyang account ang naturang post.

Read: Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party: "The whole party hindi ako pinansin ’tapos para ako patay-gutom na aalukin ng tirang pagkain.”

Na sinagot naman ng Gutierrez matriarch na mag-move on na lang daw ito at alagaan na lang ang kanilang apo.

Read: Annabelle Rama to Sarah Lahbati’s mom: “Kung ako sa ’yo, laruin mo na lang si Zion.”

“HINDI NILA KAYANG ILABAS SI ZION.” Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang post ni Esther sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Zion.

May photo-collage din siyang ibinahagi na may nakasulat na, “Kahit san kami pumunta para kami TNT. sa ITALY ito kami 3 lagi ang magkasama. so nasaan kami ngayon? balewala na.”

Ang ibig sabihin ng TNT ay tago nang tago.

May mga post pa ito kung paano daw nila ibiniyahe si Baby Zion mula Switzerland hanggang sa Los Angeles.

Caption niya sa naturang larawan, "From Switzerland to LA. kami lang lagi mag-lola sa hirap. pero ano to nangyayari no to!!!!!!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawa pa siyang larawan sa Los Angeles kasama si Baby Zion na ibinahagi din sa Instagram.

Sa unang larawan, ang caption niya ay, "In LA inside the bus. sarap ng pakiramdam na bilang simpleng tao nakakagala ka at riding in a bus. alam mo ’yon na wala kang pinangingilagan."

Kasunod nito, sinabi niyang, "In LA, almost every day we used to go for a walk."

Tila may patama rin ang ina ni Sarah kay Annabelle Rama. Sa photo-collage nito kasama ang apo, sinabi niya na siya mismo ang nagdala sa bata sa Pilipinas dahil “hindi daw nila kayang ilabas ito.”

Aniya, “I was there, too, in LA. it’s not about all the material things. iniwan din nila sa akin si Zion. nagkasakit ako ng October. bumalik ako ng Switzerland for my check up. then bumalik ako ng LA Jan. 07, 14, para madala ko na sa Phils si Zion dahil hindi nila kaya ilabas si Zion.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN