Ricky Davao impressed by Gabby Eigenmann’s acting depth and intensity

Ricky Davao lauds Gabby Eigenmann’s gay portrayal in Dading: “I want Gabby to still look straight pero kailangan maramdaman ng televiewers na bading siya sa puso’y kaluluwa. Nagawa niya at doon ako na-amaze sa performance niya.”


Nagpapasalamat ang actor-director na si Ricky Davao dahil sa sunud-sunod na mga trabaho na kanyang natatanggap ngayon.

Bukod sa pagiging direktor ng Kapuso afternoon teleserye na Dading, na pinagbibidahan ni Gabby Eigenmann, abala rin siya bilang aktor dahil tatlo ang indie films na kanyang ginagawa para sa nalalapit na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2014.

Kabilang siya sa Marquina with Mylene Dizon; The Janitor with Dennis Trillo and Richard Gomez; at Separados kasama sina Alfred Vargas at Victor Neri.

Sabi niya, “Iba-iba ang roles natin sa tatlong indies na ginagawa ko.

"Lead character ako sa Marquina. Sa The Janitor, kontrabida ako. Sa Separados, gay naman ang role ko.

“I enjoyed doing films again kasi nga sa mga roles na ibinigay sa akin. Gumana ulit ang pagiging aktor natin,” sabi ni Ricky nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Dading sa GMA Network Center last June 19.

HOOKED ON STORY’S NOVEL TWIST. Ang huling teleseryeng idinirehe Direk Ricky ay ang Adarna na pinagbidahan ni Kylie Padilla.

Matagal din daw bago ito nasundan kaya nagkaroon ng oras si Ricky na gumawa ng mga pelikula.

Kuwento niya, “Tinawagan ako at sinabing may ididirek na akong bagong teleserye at bida nga raw si Gabby Eigenmann.

"It’s titled Dading at tungkol ito sa isang gay father.

“Nagkainteres ako sa project kasi first time ko work on a material such as this, na ang topic ay tungkol sa isang gay at ang batang pinalaki niya as his own flesh and blood.

“At first, skeptical ako sa material kasi it’s been done before. Yung Tatay Kong Nanay with the late Dolphy and Niño Muhlach.

“’Tapos last year lang may movie na Bekikang na tungkol din sa gay father and a child.

“The writers assured me that it will have a different flow.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Though familiar na tayo sa story, bibigyan naman daw nila ng ibang twist."

IMPRESSED WITH GABBY’S ACTING. Ikinatutuwa ni Ricky na first time niyang maididirek si Gabby Eigenmann at hanga siya sa professionalism nito.

“Among the cast kasi, nadirek ko na si Glaiza de Castro sa Glazilda. Si Benjamin Alves naman sa Adarna. Si Gardo Versoza naman sa Mga Basang Sisiw.

“Si Gabby lang talaga ang hindi ko pa nakakatrabaho kahit as an actor sa teleserye.

“I’ve worked with his dad, Mark Gil, in many movies.

"Ganun din with his uncle Michael de Mesa and aunt Cherie Gil na nakatrabaho ko so many times sa pelikula.

“Tanging si Gabby lang ang hindi ko pa nakakatrabaho, and I had this privilege dahil ang husay niyang gampanan ang role as Carding.

“I told Gabby na gusto kong simple lang ang pagiging gay niya sa Dading.

“Hindi kasing flambouyant ng role ni Gardo as Lexi.

“I want Gabby to still look straight, pero kailangan maramdaman ng televiewers na bading siya sa puso’t kaluluwa.

“Nagawa niya, at doon ako na-amaze sa performance niya.

"Eigenmann talaga siya. He really belongs to a family of great actors,” pagpuri niya kay Gabby.

STANDOUT GAY PERFORMANCES BY LOCAL ACTORS. Bilib si Ricky sa mga straight actors na mahusay na gumanap sa mga gay roles.

Doon daw mate-test ang versatility ng isang artista kapag nagampanan nito nang maayos ang isang challenging role ng isang bading.

Ayon kay Ricky, “Through the years, we’ve seen actors portray gay roles na talagang hahangaan mo.

"One of them is Tito Dolphy and Tito Eddie Garcia.

“Ilang beses na silang gumanap na bading at napatunayan niya na it’s a role na hindi dapat katakutan ng kahit na sinong artista.

“Especially si Tito Eddie, when I saw his performance in Tubog Sa Ginto. Doon ako humanga nang husto sa kanya bilang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nandiyan din si Roderick Paulate, Mark Gil, Michael de Mesa, and Allan Paule. Nabigyan sila ng recognition for playing gay.

“Ako rin naman, I’ve portrayed gay characters in Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya, American Adobo, Bikini Open, and Mga Pusang Gala .

“Ang gay role naman, hindi siya yung iisa lang. Hindi stereotypical. Paiba-iba, which makes it more challenging for any actor.

“Ngayon, ang dami nang mga baguhan who are willing to play gay, lalo na sa mga indie films, like sina Jake Cuenca and Joem Bascom.

"Nandiyan na rin sina Dennis Trillo and Tom Rodriguez.

“Even mga veteran actors, like Tirso Cruz III and Bembol Roco, lumalabas na rin sila sa mga gay roles.

“Kaya puwede na nating maihelera doon si Gabby because he really delivered in Dading.”

NO COMPARISON TO MY HUSBAND’S LOVER. Tungkol naman sa kuwento ng Dading, malayo raw ito sa naging kuwento ng My Husband’s Lover kaya hindi ito dapat ikumpara.

“Malaki ang difference nila sa story.

“Yung My Husband’s Lover kasi it’s a love story between two gay men.

“Ang Dading is about a gay man na umako sa pagiging ama ng isang babaeng nabuntis. Siya ang tumayong ama.

"So, it’s a father-daughter story.

“’Tsaka mas light drama ito. May halong konting comedy.

"Panghapon kasi kami kaya may sinusundan tayong mga rules for televiewing sa mga ganung oras.

“Hindi ito kasing delikado at bigat ng My Husband’s Lover na pang-primetime talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN