Kris Aquino says she will be very happy if ex-husband James Yap decides to marry Michela Cazzola

Ikinuwento ni Kris Aquino na may nagsabi sa kanyang nagpi-pictorial na sina James Yap at Michela Cazzola para sa prenup nila, kaya pasimple niyang pinaimbestigahan sa kanyang personal assistant kung totoo nga ito. At nalaman niyang ang concept na ito ay para sa photo shoot nina James at Michela sa YES! Magazine.


Hindi napigilan ni Kris Aquino na ibahagi sa publiko ang nakakatawang karanasan niya dahil sa nakarating na kuwento sa kanya tungkol sa dating asawang si James Yap.

May nagbalita raw kay Kris na nagpi-prenup pictorial na si James at ang Italian girlfriend nitong si Michela Cazzola.

Kuwento ni Kris sa The Buzz 15, kahapon, June 22, “May nagsabi sa akin na, ‘Uy, nagpi-prenup daw na pictorial si James Yap and the girlfriend.’”

Sabi naman ng co-host niyang si Toni Gonzaga, “Uy, puwedeng i-announce na nagpi-prenup na sila?”

Sagot naman ni Kris, “Hindi nga. Ganyan ang nangyayari kapag maraming tsismoso at tsismosa.

“So, sabi ko, ‘A, talaga, saang hotel?’

“Sabi, somewhere in Alabang.

“Lahat sila sinabi, ‘Are you okay?’

“’Yeah, of course! Good for them.’

“’Tapos, sabi ko, ‘At least, mukhang totoo na.’

“So, I found out, my friends from YES! Magazine was there.

“Si Alvin, pinasimple ko. Sabi ko, ‘Tawag ka, Alvin, tanungin mo.’”

Si Alvin Cagui ang personal assistant ni Kris.

“So, nakausap niya si Anna Pingol [YES! Managing editor], hindi pala totoo.

"It was a concept for the two of them to be together, but as what you would do nga kapag may pre-nup."

Ang ibig sabihin ay para sa YES! ang naturang photo shoot.

Patuloy ni Kris, “Then, after that, lahat sila tinatanong, ‘Kung magiging totoo, ano ang magiging opinyon mo?’

“And I said, ‘Swear to God, ibigay ko na ang lahat ng kayamanan ko, happy ako for them!’”

Lahat talaga ng kayamanan niya?

“Oo, kasi kung nagsisinungaling ako na hindi ako maligaya... Kasi, ang dali-daling magbigay ng kaligayahan at mag-wish ng well for others.

“Why? Because this girl [Michela] is being nice to my son.

“Yun lang yun talaga, wala na kaming anger ni James sa isa’t isa.

“And I feel that she will make an effort to welcome my son and be good to my son, and that’s all that matters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan naman ni Boy Abunda ang sinabi ni Kris na narararamdaman niyang totoo at sinserong masaya ito para kay James.

Sabi pa ni Kris, “You feel it, ‘di ba?

“But then, yun nga, when you hear a wedding talaga, it changes, e.

“Parang sasabihin mo talaga… but I said, I told them pa, ‘Make sure wala ako rito, ha, kapag ikinasal sila.’

“Kasi, baka ano ang masabi ko pa at maging wicked witch pa ako!”

Paano kung imbitahan siya nina James at Michela sa kasal nila?

Sagot ni Kris, “If I’m gonna attend the wedding at in-invite nila ako, I’ll make sure na super-guwapo yung date ko para hindi ako mukhang kawawa!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN