Sarah Geronimo feels blessed because of relationship with boyfriend Matteo Guidicelli

Matteo Guidicelli on relationship with Sarah Geronimo: “Let’s face it, guys, you know, I’m 24, she’s 25. We’re young adults. She can make her own decision and I can make my own decision also, ‘di ba? She deserves it, she deserves all the happiness.”


Ginawa ni Sarah Geronimo ang pag-amin na “boyfriend” na niya ang actor-TV host na si Matteo Guidicelli sa thanksgiving party ng Star Cinema movie nila ni Coco Martin na Maybe This Time noong June 19.

“Mahal” ang term of endearment nina Sarah at Matteo.

Read: Sarah Geronimo finally admits Matteo Guidicelli is her boyfriend!

Alam daw kasi ni Sarah na sinasabi ng karamihan na paliguy-ligoy pa sila tuwing tinatanong sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kaya inamin na niyang boyfriend nga niya si Matteo.

Sa naturang thanksgiving party, nakapanayam din si Sarah ng co-star niya sa Maybe This Time na si Ogie Diaz para naman sa The Buzz 15, na ipinalabas kahapon, June 22.

Sabi ng Popstar Princess, “Siyempre, thankful naman tayo sa Diyos. Everything that’s happening, you know...

“Kumbaga, bliness din ako ng ganitong klaseng relationship, ganitong klaseng relasyon.

“Kasi, mabait na tao naman si Matteo. At saka, matiyaga.”

Inamin din ni Sarah na nakilala na niya ang pamilya ni Matteo.

“Okey naman po. Okey naman pong lahat. Napakabait na tao ni Matteo.”

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Matteo para sa isang event ng The Filipino Channel (TFC).

Ngunit bago pa ang ginawang pag-amin ni Sarah sa kanilang relasyon, nakausap ng The Buzz 15 at iba pang miyembro ng media si Matteo tungkol naman sa pagsang-ayon ng mga magulang ni Sarah—sina Divine at Delfin Geronimo—sa kanilang relasyon.

Saad ni Matteo, “Let’s face it, guys, you know, I’m 24, she’s 25. We’re young adults.

“She can make her own decision and I can make my own decision also, ‘di ba?

“She deserves it, she deserves all the happiness.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN