Alessandra de Rossi not afraid of ending up an old maid: "Posible siyang mangyari sa akin."

Alessandra de Rossi enjoys hosting her morning show but finds it harder to present herself as herself than when she is acting a role: "Kailangang tunay na tunay na nakikita yung… kahit malungkot ka, kailangang masaya ka. Nakaka-drain siya."


Matagal nang single si Alessandra de Rossi at hindi raw kakulangan sa buhay niya kung wala man siyang lovelife ngayon.

“No. Never!

“For seven years,” patungkol niya sa tagal nang wala siyang boyfriend.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Basta I’m happy kung nasaan ako. Wala akong hinihingi kay God.”

Twenty-nine years old na ngayon si Alessandra. Hindi ba siya takot na baka maging old maid siya?

Sagot niya, “Hindi ako magugulat kung mangyayari ‘yon.

"Pero hindi ako natatakot. Wala naman sa lahi namin ang pagiging old maid.

"Pero posible siyang mangyari sa akin dahil nangyayari sa paligid. Ang dami kong kilalang ganyan.

“So, parang… sino ka para maging exempt sa ganyang klase ng buhay.”

O baka kapag tumagal na hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend ulit, isipin ng iba na baka tomboy siya?

“E, di hanap na tayo ng babae! Panindigan na natin!” natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra sa lobby ng GMA Studios noong Linggo, June 22.

LIKE A SWITCH. Pagkatapos ng Magkano Ba Ang Pag-ibig, five months na walang ginawang soap si Alessandra sa Kapuso network.

Hindi ba siya nanibago na sumabak ulit sa drama ngayong kasama siya sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real?

“Hindi naman kasi ako… I’m a natural actress! Charot!” natawang biro ng aktres.

Patuloy niya, “Ang mga artista, iba-iba talaga ng atake.

"Ako, parang kahit anong mangyari, isalang mo ako.

“Sabi nga nila, parang switch daw ako, tsuk, ’tapos parang walang nangyari, gano’n.”

MARICEL SORIANO. Sa Ang Dalawang Mrs. Real, first time makatrabaho ni Alessandra ang Diamond Star na si Maricel Soriano. At agad-agad ay okey naman daw ang kanilang working relationship.

Paglalarawan ni Alex kay Maricel: “Malikot. Makulit. Maingay.”

Nakahanap siya ng katapat sa kakulitan, kaingayan, at kadaldalan?

Sagot niya, “Ay, anong katapat?

"Wala akong sinabi sa kanya, huminhin nga ako sa tabi niya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero masaya siyang kasama kasi talagang… wala, patatawanin ka lang niya nang patatawanin.

“’Tapos sasabihin niya, ’Kinakabag ka na naman, ano?’

“Gusto ko yung pagiging matsika niya.

"Hindi naman kami close nung umpisa, alam mo ‘yon? Yung nag-o-open up siya sa akin.

“Yung parang hindi naman niya pinapa-feel sa akin na, ’Ako si Maricel at si Alessandra ka lang.’

"Alam mo yung gano’n? She’s very welcoming, gano’n.

“At saka mapagbigay siya. Like, minsan, tinuturuan niya akong umakting.”

Naging tatak na ni Maricel ang pagiging Taray Queen. Hindi ba siya na-intimidate sa umpisa dahil dito?

Sagot ni Alex, “Hindi ko naman siya nakitang ganun, e. Hindi ko siya nakita as Taray Queen.

“Same as… like ako, ang daming nagsasabing mataray ako and all.

"Pero kapag nakasama mo naman ako, parang wala namang bahid ng pagkataray.

“If ever na may masabi akong hindi mo ini-expect, iyon ay dahil siguro sa sobrang tino ko.

"Gusto ko rin ay matino ang lahat ng tao sa paligid, lalo na when it comes to work.

"Pero sa tunay na buhay, yung mga simpleng pagkakamali ng mga tao o ugali, wala kang maririnig sa akin.”



NOT FOR HER. Sa Ang Dalawang Mrs. Real, kababata at ex-girlfriend ni Dingdong Dantes ang role na ginagampanan ni Alessandra.

Sa istorya ay may pagtingin pa rin siya kay Dingdong kaya kinaibigan niya ang first wife nito, portrayed by Maricel, sa kagustuhan niyang maipagpatuloy ang pagmamahal niya rito.

"Pero in real life, hindi ko kayang gawin ‘yon. Kahit mahal na mahal ko pa yung lalaki,” sabi ni Alessandra.

Sensitibo ang tema ng nasabing primetime series na tumatalakay sa istorya ng isang lalaking dalawang babae ang pinakasalan.

Sa pahayag ni Alessandra, tila malayong mangyari na magkaroon siya ng relasyon sa ganitong tipo ng lalaki.

“Hindi naman ako affected sa mga nakikita ko sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In all fairness naman to me, mas inspired ako kasi sa TV, puro kalokohan yung napapanood natin!

“Pero sa tunay na buhay, napakaraming inspiring na kuwento.

“Kaya mas nagpu-focus ako doon.”



PROJECTS. Ayon kay Alessandra, mayroon siyang naka-lineup na pelikulang gagawin para sa Metro Manila Film Festival.

"Drama siya pero wala pang title."

Hindi pa raw sila nagwu-workshop at hindi rin daw niya alam kung sino ang mga artistang makakasama niya.

“Pero alam ko na kung ano ang magiging role ko.

“Pero kakaibang role na naman ang ipu-portray ko, Bisaya ako.”

Tungkol naman sa first time niyang paghu-host para sa morning show na Everyday Happy, ganun pa rin daw siya ka-excited tuwing nagti-taping siya para rito.

“Mas masaya pang lalo kasi mas may tema na kami.

“Mas may sistema na kami. So, mas madali na for us.

“Kasi noong una, parang hindi mo alam kung ano ang gusto nilang mangyari.

"Parang ano ba, kantahan ba o lutuan ba?

"Ano ba, parang hindi ko ma-gets?

“Pero ngayon, mas maayos na. So, mas madali na sa amin na mag-adjust at saka umadlib.”

SAPPED. Saan siya mas ganadong mag-taping—sa teleserye o talk show?

Sagot ni Alessandra, “Sa totoo lang, mas gusto ko yung talk show.

"Ang problema lang, since after live, may dalawa akong taping, wala na talaga akong energy after.

“Alam mo yung feeling na after ng show, parang…

"Normally, kapag may show ka na MWF ang taping, pagdating ng Saturday at Sunday, okey ka.

“Itong sa Everyday Happy, pagkatapos, wala na. Gusto mo nang magpahinga.

“Gusto mo yung weekend mo, walang gagalaw, yung ganun.

"Ubos na ubos yung energy mo siguro dahil ang ipini-present mo sa show, as Alessandra de Rossi, hindi as a character.

“So, talagang mas mahirap siya.

"Kailangang tunay na tunay na nakikita yung… kahit malungkot ka, kailangang masaya ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakaka-drain siya.

“Pero sa ngayon, wala naman akong panahon para malungkot, e.

"Kasi nasa akin naman lahat ng kailangan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN