Rocco Nacino inspired by two women—Lovi Poe and Nora Aunor

According to observers, Rocco Nacino is all aglow and it’s all because of Lovi Poe. “Nakukuha ko rin yung inspirasyon ko talaga sa kanya kaya ganadong-gadado akong magtrabaho,” he admits.


Inspired ngayon sa trabaho si Rocco Nacino, at hindi naman niya itinatanggi na isa sa dahilan nito ay ang rumored girlfriend niyang si Lovi Poe.

Sa Sunday All Stars (SAS) nga ay lagi silang magkadikit at kapuna-punang masaya sila kapag magkasama.

“Things are going really, really well,” nangiting sabi ni Rocco nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SAS kahapon, Linggo, June 22.

Ramdam din ng mga tao sa paligid nila kung gaano sila ka-in love sa isa’t isa.

“A, gano’n ba?” sabay tawang reaksiyon ng aktor.

“Kanina nga… this morning was another bonding expeience for us both.

"Kasi tumakbo kami para sa World Vision 2014, we ran about 21 kilometers.

"’Tapos, ayun, magkausap kami, nag-o-open up siya about things.

“Ako, I open up about stuff din, ’tapos tumatakbo kami.

"And then next thing I know, naka-ten kilometers na kami!”

Dagdag niya, “It was a bonding experience again kanina, ’tapos may medals pa kami.

“Nakakatuwa talaga! It’s something we were really proud of.

“And it’s really bonding with her.”

HAPPY COUPLE. Kahit napagod sila sa pagtakbo bago ang Sunday All Stars, high pa rin ang kanilang energy para sa show.

Parang charger nila ni Lovi ang isa’t isa?

Sagot ni Rocco, “Siguro, in a way... in a way, oo.

“Nakukuha ko rin yung inspirasyon ko talaga sa kanya kaya ganadung-gadado akong magtrabaho.”

Perfect couple ang tingin ng iba sa kanilang dalawa ni Lovi. At simula nang maging sila, laging may kakaibang glow sa kanilang mga mukha.

Si Rocco, mas gumuguwapo pang lalo habang si Lovi naman ay mas nagbu-bloom ang beauty.

Daig pa nga raw nila ang sumailalim sa anumang enhancement ng kanilang physical looks.

May pahayag nga si Lovi kamakailan na "Happy girls are the prettiest," at isa nga si Rocco sa nagpapasaya sa aktres ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting reaksiyon dito ni Rocco, “Well, I don’t know... I don’t know.

“Hindi lang naman ako. Kung sakali man, hindi lang ako.

“Maraming bagay na… a lot of things are going her way now, especially with work, with family, ang buhay niya ngayon.

“She’s really, really happy sa mga nangyayari ngayon kaya hindi lang ako.

“If I’m part of that, I’m really, really flattered.

"Pero ano nga, she’s doing really well.

“She’s optimistic. Siguro sa tingin ko, iyon ang sagot dun, e.

“She’s really positive in life ngayon kaya nakikita sa mukha niya.”

NORA AUNOR. Masasabing inspired din si Rocco sa shooting ng Cinemalaya 2014 entry na Hustisya na idinidirehe ni Joel Lamangan.

First time niyang makatrabaho rito ang Superstar na si Nora Aunor kaya gano’n na lang siya kasigasig sa bawat shooting day nila.

Pagkatapos daw ng opening number niya sa Sunday All Stars noong Linggo ay diretso na siya sa shooting.

Sabi ng Kapuso actor, "So, it’s a long day for me. We’re down to our last two days."

Marami na raw nakunang eksena na magkasama sila ng Superstar.

“Mamaya, I have seven scenes na kukunan with her.

“And working with her, kakaiba yung experience.

"Nakakatuwa na inaalalayan niya ako the whole time.

“Naging kaibigan ko siya. Ang tawag niya sa akin, anak na!” sabay tawa ni Rocco.

Dagdag niya, “Kaya nakakatuwa. Nakakataba ng puso.

“Hindi ko makakalimutan yung experience na ito, having the honor of working with Ms. Nora Aunor.

“Marami akong natutunan at medyo naging close na kami.”

IMMERSION. Sa mga nakunan nang eksena nila, ano yung maituturing niyang pinakamahirap?

Sagot ni Rocco, “Probably yung eksena na kinu-convince ko na siya na magbago na sa pananaw sa buhay at sa pag-uugali niya.

“It’s a really very long scene at four pages yung script namin for the scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, mahirap, mahirap.

“Pero Direk Joel was there, tutok na tutok siya.

“Nakaalalay siya the whole time kaya I think it came out well.”


Sa Hustisya ay gumaganap ni Rocco bilang isang abugado. Bago ang role na ito sa kanya kaya pinaghandaan niya ito nang husto.

“I started by immersing myself. Nagpunta ako sa Hall Of Justice ng Quezon City.

“Nag-explore ako. Nakinig ako ng hearing ng mga cases.

“Inobserbahan ko kung paano dumiskarte ang isang lawyer at ang isang judge.

"At ayun, gumawa ako ng isang character out of what I saw."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN