Luis Manzano and Angel Locsin discuss marriage but not wedding date

Luis Manzano poised to enter the 2016 political fray.


Tila nakakasa na talagang si Kris Aquino ang isa sa tatayong ninang kapag ikinasal sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Nang mag-guest nang live si Luis sa The Buzz 15 kahapon, June 22, biniro siya ni Kris na nag-iipon na raw ang TV host-actor at kung kailan ba talaga ang kasal.

Sabi naman ni Luis, “In terms of us tying the knot and settling down, it’s still a long journey.

“But definitely, I’m holding her hands every step of the way.”

Ang tanong: Kaya ba niyang si Angel ang kasama habambuhay dahil “morning person” si Luis.

Sagot ng TV host-actor, “Yes, maaga akong magising.

"Sabihin na natin na 11 a.m., marami na akong nagawa.

"Eleven a.m., pasarap pa lang ang tulog niya nun.”

Paano kung katulad nung nagbiyahe sila sa Japan, kung saan panay ang tulog ni Angel?

Sagot ni Luis, “Ako, for me, it’s always the small thing.

"For example, mas late siyang nagising ng konti.

“There was this one morning na medyo masarap ang tulog niya.

"Naglakad akong mag-isa pababa. Binilhan ko siya ng breakfast.

“Para at least, paggising niya, may pagkain na nakahanda para sa kanya.

"Even if matulog siya nang masarap, I’ll still find a way to do something for her.”

Sino ang nag-empake?

“Siya!” natawang pag-amin ni Luis.

“Hindi talaga ako marunong mag-pack.”



O.C. Obsessive-compulsive daw si Angel, ayon kay Kris.

Ilang biyahe na raw niyang nakasama si Angel sa pamamahagi ng relief goods, at lahat ay naka-zip lock at may compartment.

Biro naman ni Luis, “Kulang na lang, paghiwa-hiwalayin niya ang 3-in-1 na kape, ganun ka-O.C. ‘yan.”

Nasa Tokyo raw sila ni Angel ng tatlong araw at nakasama nila doon ang ilang kaibigan. Isang gabi naman daw sila sa Kobe.

Masaya?

“Relaxing, hindi siya party-party. Relaxing lang.

"Last few days, yun ang Universal [Studios].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nabitin lang ng konti kasi they are opening the new Harry Potter ride this July 15 kung hindi ako nagkakamali.

“And she’s a very big fan of Harry Potter.

"Hopefully, one day, I’ll get to take her again and let her enjoy everything about Harry Potter."

ADJUSTMENT. Base sa obserbasyon ni Kris, mukhang nakapag-adjust na sina Luis at Angel sa isa’t isa.

Nabanggit daw ni Angel na ang suwerte nito dahil iniintindi talaga ni Luis ang work hours niya.

Sabi naman ni Luis, “You know, time was never an issue.

"I fully understand how it is to have a significant other in showbiz.

“Kung alam niyo po kung paano magtrabaho ang isang artista, ang nakikita niyo lang po, ang glitz and glamour.

"Pero, every hour, bawat teleserye, grabe ang pagod sa likod ng camera.

“So, for me, I fully understood.

"Pero siguro, in general, we’re both mature.

"Like what I said in previous interview, it may be a rekindling of romance or love, but it’s a whole new Angel and a whole new Luis.”

NEW PERSON. Ano ang bagong Luis?

Sagot ng 33-year-old TV host-actor, “Mabait na ako.

"Medyo there are couple of times pa rin naman na medyo I have to get to the right path.

"But besides that, realizing everything that has been given to you, the biggest blessing is standing in front of you and saying I love you.”

Nasabi nga raw ni Angel na ang pakikipagbalikan kay Luis ang pinakamatapang na desisyong ginawa nito sa buhay.

Paano nga ba niya napamahal muli si Angel?

Biro ni Luis, “Well, hindi nakakagulat, considering my looks.

"Kaguwapuhan ko talaga, kahit bato, ibibigay sa akin."

Pero seryoso na niyang sabi, “Well, siguro it’s more on communication lang talaga.

"I don’t wanna say na unfinished business because we had our significant others din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it would be very unfair to them to say unfinished business.

“Pero nagkataon lang talaga na we got to talk, we got to hang out.

"We realized na we value each other, the second chapter of our love story."



PAST ISSUE. Ipinaalala ni Kris kay Luis na siya ang tumapos ng relasyon nila ni Angel noon at ang katotohanang ito ay masakit para sa isang babae.

Pero si Luis din naman ang bumalik. Bakit siya bumalik?

Saad niya, “Sabi ko nga, it started with a simple text, simple greeting lang.

"Sabi ko nga, I got to hear from her, halos December [2013] na.

“And then, you realized that one simple reply is so magical to you.

"Something very casual lang, but the fact na sumagot siya, four years of no communication, nothing at all...

“Sinabi ko na ‘to, sa four years na hindi kami nagkita, no text, no see, nothing at all, finally to receive a reply, surreal.”

Ano ang reply ni Angel?

“’Okay lang, Ikaw?’”

Nang magkabalikan sila, naniniwala ba siya sila na ang magkakatuluyan?

Sagot ni Luis, “It was God and destiny shaking hands.”

February 27 ang monthsary nila ni Angel.



PROGRESS REPORT. Ano ang puwede niyang i-share kung nasaan na ang relasyon nila ni Angel ngayon?

Pag-amin ni Luis, “We were talking about settling down, I think, first date night pa namin yun.”


Napag-usapan na nila ni Angel ang kasal sa unang date pa lang nila?

Sabi ni Luis, “We were in a simple restaurant in Makati, in Yabu, ’tapos we were talking, we were eating.

"And then, napag-usapan, ’In a few years, ito ang gusto natin, bahay, dito tayo titira.”

Saan sila titira?

“Puwedeng sa Meadows or sa bahay niya or pagawa kami ng bago.

“After, we were back to eating, ’tapos sabi niya, ’Alam mo ba, noong first chapter ng relationship natin, we never talked about these things?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos sabi ko, ’Okay, the fact that we’re talking about these things, we’re here to stay.’”

Ipinaalala ni Kris na ang Darna ay sa 2015 pa. At sa pahayag ni Kris, tila kinumpirma niyang si Angel muli ang gaganap bilang Darna sa paglipat nito sa Kapamilya network.

Pero nangangahulugan din ba ito na sa 2016 pa ang kasal o ide-delay muna ang "Little Angel" at "Little Luis"?

Sagot ni Luis, “Yes, puwede naman, puwede namang i-delay.

"Sabi rin naman namin, once we get married, gusto muna naming i-explore what the world has to offer.

“Kapag mag-asawa na kami, travel, relax... I want to relax.”

OPEN TO POLITICS. Paano magre-relax si Angel kung magiging politician wife ito? Balita kasing papasukin na ni Luis ang pulitika.

Sabi ni Luis, “Wow, I’m guessing, it’s a bit more laid back considering what she’s doing now.”

Sa 2016, bukas ba talaga ang pintuan sa Batangas pagdating sa pulitika?

Sagot niya, “Bukas, bukas talaga ang pintuan.

"Pinag-usapan na namin, with my mom [Batangas Governor Vilma Santos], Tito Ralph [Recto, Vilma’s husband], with Angel, we talked already over dinner.

“They are not influencing, gusto kong linawin ‘yan.

"They are not telling me to run, it’s more of what do you want.”

Ano ang gusto niya?

“Sabi ko, in two months, I’ll decide, hopefully.

"I’ll be praying on it, I’ll be thinking on it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN