Annabelle Rama tells Esther Lahbati to shut up: “Huwag mo ako hamunin, hindi ako natatakot sa ’yo! Tumigil ka na, tama na ‘yan!”

Galit si Annabelle Rama sa ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati dahil sa posts nito sa Instagram na wala naman daw katotohanan. Kung hindi raw ito titigil, may ibubulgar daw si Annabelle sa kanyang Twitter account.


Maganda ang mood ni Annabelle Rama nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang online media sa birthday treat ng anak niyang si Ruffa Gutierrez, sa Beauty and Butter, Megamall, Mandaluyong City, kaninang hapon, June 23.

Mataas daw kasi ang rating ng kanilang show na It Takes GUTZ To Be A Gutierrez sa episode nito kagabi, June 22.

Magkakaroon na rin daw ng second season ang show na ito na napapanood sa E!, at puno rin daw ito ng commercials.

Pero nag-iba ang tono ni Annabelle nang mapag-usapan ang kontrobersiyang likha ng Instagram posts ni Esther Lahbati.

Si Esther ang ina ni Sarah Lahbati, na kasintahan naman ng anak ng talent manager na si Richard Gutierrez.

Matatandaang noong Lunes, June 16, nag-post si Esther sa kanyang Instagram account tungkol sa diumano’y hindi magandang trato ni Annabelle sa kanya sa binyag at birthday party ng apo nilang si Zion, anak ni Sarah kay Richard.

Read: Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party: "The whole party hindi ako pinansin ’tapos para ako patay-gutom na aalukin ng tirang pagkain.”



“UHAW SA PUBLICITY…” Sabi ni Annabelle sa panayam niya kanina, “Alam mo, hindi ko talaga maintindihan na may isyung lumabas.

“Unang-una, lahat naman ng tao, witness sa party, lahat kami masaya.

"Ako, busing-busy, nag-iikot sa mga bisita, sa mga siyempre… sa laki ng venue, hindi mo alam kung sino nandun, ‘di ba?"

Ang binyag at birthday party ni Zion ay ginanap sa Wack Wack Golf and Country Club, Mandaluyong City.

Patuloy niya, “’Tapos, ang akin lang kasi, hindi naman siya bisita, hindi siya guest, siya’y part of the family.

"Lola siya ni Zion at nanay siya ni Sarah.

"Dapat, siya, matuto siyang maging ano... mag-party na maging sosyal ka rin na mag-ikot ka rin sa mga lamesa at magpakilala na, ‘I’m the mother of Sarah.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat ganun, e, kasi family siya, e.

“Ang gusto niya mangyari, hilahin siya ni Sarah sa table niya, iikutin niya lahat mga ninong-ninang, magpapa-picture siya.

"Hindi naman kayang gawin ni Sarah, kasi si Sarah ang most of the time karga-karga si Zion.

“Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng isyung ganun.

“Basta kami, nagsaya sa party.

"Nakita ko naman siya, akyat siya sa stage, nagpi-pictorial siya dun. Nakita ko siya, masaya naman siya doon."



TAKEOUT ISSUE. Sinagot din ni Annabelle ang tungkol sa isyu ng diumano’y tirang pagkain.

Saad niya, "Yung pag-alok ko ng pagkain sa kanya, hindi naman masama yun.

"Kasi, number one, kung ginagawa yun... lahat ng party, ’pag pumupunta ako, lagi akong may baong tupperware.

“Kasi, gusto ko talaga, lechon.

"So, sabi ko sa kanya… hindi ko naman muna sinasabi, kundi sa ibang bisita.

"Sabi ko, ‘Maraming mga tira sa catering, masarap pa yung ulam. Gusto niyo mag-takeout?’

“Lahat dun natutuwa, kanya-kanyang takeout.

"Nakasalubong ko ngayon si Esther, sabi ko, ‘Esther, maraming natirang pagkain na ano sa catering, gusto mo mag-takeout? Masarap yung ano, chicken, ganyan-ganyan.’

“Hindi siya kumibo. Hindi ko alam na masama na pala ang loob niya.

"’Tapos naman, hindi tira-tira ang kinakain ko, tira-tira sa catering.

"Sabi ko, ‘Ba’t siya magagalit, e, normal naman sa ating mga Pilipino ganun, na mag-takeout naman talaga kung may matira, ‘di ba?

“At saka hindi ko akalain na masama ang loob niya, kasi after that party, tumuloy pa siya sa bahay nina Richard.

"Andun kami lahat, nag-abang pa kami sa palabas ng aming reality show.

“Wala naman siyang… hindi ko napansin na galit siya sa akin kasi kumain pa siya sa bahay, e.

"Kumain pa siya sa bahay. Kasi si Ruffa, marami in-order na food. Marami kasing tao sa bahay after the party.

“So, nakikain din siya. Meron siyang kasamang dalawang bisita, taga-Geneva [Switzerland].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kaming naramdaman buong pamilya na may galit siya sa amin.

“So, nagulat kami nung the next day, Monday, imbes ma-headline yung apo niya, siya nagpa-headline.

"Siguro nga, uhaw siya sa publicity.

"Bayaan mo na siya, nakatikim na siya ng headline, nakatikim na siya ng frontpage, nakatikim na siya ng mga ano sa mga tao.

"Pero dapat hindi niya ginagamit ang apo niya, kasi araw ni Zion yun, e.

“Dapat hindi siya nakikisawsaw sa gulo. Kasi dapat, ang araw na yun, araw ng apo niya."

Dagdag ni Annabelle, “Ang alam ko lang diyan, hindi lang matanggap ni Esther na si Sarah ay wala na sa kanya, na kay Richard na.

"Tanggapin mo na, ’Day. Ako, tinanggap ko na, e, na si Sarah, na kay Richard.

"Ba’t ‘di mo matanggap na wala na sa ’yo ang anak mo?

"Gusto matulog ni Sarah sa bahay mo, sinong katabi niya, ikaw? Papa’no naman si Richard, walang katabi."

Hindi na rin napigilan ni Annabelle na maglabas ng kanyang hinaing laban kay Esther.

Saad niya, “Tigilan mo na ’yang arte-arte mo, Esther. Ako ay naiinis na sa ‘yo.

“Huwag mo ako hamunin, hindi ako natatakot sa ’yo!

"Tumigil ka na, tama na ‘yan!

"Sobra ka na, wala naman kasalanan pamilya namin, tinitira mo kami.

“Masyado ka maarte, ’Day, wala ka nga ma-appreciate. Wala ka nga donation dun sa party ni Zion.

"Dapat mag-enjoy ka na sa buhay mo. Tama na ’yang kaartehan mo."

“MAG-POST KA NANG MAG-POST…” Nitong mga nagdaang araw, patuloy pa rin ang pagpu-post ni Esther sa Instagram ng kanyang hinanakit laban kay Annabelle.

Read: Sarah Lahbati’s mom vents frustration on Instagram

Buwelta naman ni Annabelle, “Mag-post ka nang mag-post, ’pag hindi ako makatiis, yung tini-text ko sa ‘yo kahapon, ilalabas ko sa Twitter yun.

"Tingnan ko lang!”

Ilan sa mga hinaing ng ina ni Sarah ay ang diumano’y nabalewala nilang pag-aalaga kay Baby Zion noong hindi pa ito ipinakikilala sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Annabelle, “Bakit ako makikisawsaw diyan sa alaga?

"Kung mahal niya ang apo niya, dapat huwag na siya magsisi.

"Kasi ang isinisisi lagi niya kay Sarah, bakit nabuntis.

"Hindi ka ba happy, may Zion ka na? Ba’t mo isisi kung bakit siya nabuntis?

"Hanggang ngayon, lagi niyang sinasabi sa anak niya, ’Bakit ka nabuntis?’

“Ako’y naawa kay Sarah. Super-awa ako kay Sarah.

"Umiyak sa akin sa telepono, tumatawag sa akin alas-onse ng gabi, nagsusumbong sa akin.

“Parang anak ko na rin si Sarah. Nung umiyak siya, umiyak na rin ako.

"Sabi ko, ‘Day, sabihin mo sa nanay mo, tanggapin na niyang wala ka na sa kanya. Ba’t ’di niya matanggap yun? Ako, natanggap ko nga, si Richard wala sa akin, nasa iyo.’

“Well, sabi ko, mahal ko naman si Zion, kinalimutan ko na lahat.

"Dapat siya [Esther], kalimutan na rin lahat ang mga problemang ganyan."

May nagbabawal ba sa nanay ni Sarah na dumalaw kay Zion sa bahay nina Richard?

Tanggi ni Annabelle, “Wala, natutulog siya sa bahay ni Richard kaya!

"Pero once a week lang kaya hindi siya mahal ng bata. Nakikita siya ng once a week lang.

“Ako kasi, every day ako nakikita.

"At niluluto ko pa siya ng pagkain, ako pa ang nagsusubo sa bata.

"Kaya yung pag-alaga ko sa mga anak ko… yun din ang ginawa ko kay Zion.”

Ano ang mensahe niya kay Esther?

Pahayag ni Annabelle, “Nagulat ako sa ’yo, ’Day!

"Kahapon, sinabi mo pina-stop mo yung interview ng asawa mo dahil gusto mo kausapin na lang ang pamilya para matapos na.

“Tapusin mo sarili mo.

"Hindi naman ako nakipag-away sa ’yo, e.

"At ang pamilya ko, tahimik, wala kaming gulo.

"Happy kami kay Zion, happy kami sa party.

“Ano’ng ikakausap mo sa akin?

"Kaya gusto mo akong mag-sorry... sabi mo sa text mo na para matigil ka, mag-sorry ako sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Day, wala akong ipagso-sorry sa ’yo. Wala. Wala akong kasalanan.

"Minahal ko anak mo, minahal ko apo mo, inalagaan ko silang dalawa.

"Anong sorry ang gusto mong malaman sa akin? Wala.

“Kaya huwag ka nang maghintay ng sorry, wala kang maririnig sa bunganga ko na magso-sorry ako sa ‘yo na wala akong ginagawa.

"Ikaw ang tumahimik na.

"Huwag na masyadong… nakatikim ka na ng publicity, ‘di ba?

"Tama na ‘yan. Sobra na ‘yan."

Bukas ang PEP sa panig ni Mrs. Esther Lahbati sa mga pahayag na ito ni Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN