Sam Milby picky about finding the right girl: "Love is something you should never settle for.”

The idea of settling down has crossed his mind, but Sam Milby does not even have a girlfriend, and the field he is scouting for the right prospect is outside showbiz: "I just feel like it would be easier, mas tahimik yung buhay."


Aminado si Sam Milby na sumasagi na rin sa isip niya ang pagpapakasal ngayong marami sa kapwa-artista niya ang ikinasal na, katulad nina Jericho Rosales at Karylle.

Ngunit tila matatagalan pa raw iyon dahil wala pa siyang girlfriend sa ngayon.

“Si Yeng [Constantino] engaged na, si Echo [Jericho] kasal na, si Gab [Valenciano] engaged na, si Karylle just got married din.

“It’s not dahil sila kasal na or engaged na sila.

"Nararamdaman ko rin na, at 30, excited na ako magkaroon ng sariling pamilya, excited na ako magkaroon ng anak.

“Pero it’s not like I’m pressuring myself.

“I believe in God’s time. Everything has a perfect time,” pahayag ni Sam.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa Demablend Meet and Greet na ginanap sa Fisher Mall activity center noong Linggo, June 22.

NON-SHOWBIZ. Kung siya ang masusunod ay mas gusto niya sanang magkaroon ng non-showbiz girlfriend.

Aniya, “Kung pipili ako, I‘d rather have non-showbiz.

"I just feel like it would be easier, mas tahimik yung buhay.

“Ang hirap kasi may taping lagi. So, yung mga taong nakakasama ko lagi, puro mga artista.”

PICKY. Tinanong din ng PEP kung may mga pagkakataong sine-set-up siya ng best friend niyang si John Prats sa mga kaibigan nitong babae.

Sagot ni Sam, “It’s not that I haven’t dated, I will say I’m picky.

“I think, pagdating sa love, you have to be. Love is something you should never settle for.”

Ganunpaman, nilinaw ni Sam na hindi siya naghahanap ng “perfect woman.”

“It’s not like that. Marami rin akong pagkukulang.

"Kung nakikita at nararamdaman ko na may future, sige, go for it.

“Pero if I feel there’s not gonna be a future with that person, ‘wag na lang.”

HAPPY FOR JOHN. Binibigyan ba siya ng love advice ni John?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sam, “Wala naman. Kilala niya ako.

“It’s funny because naging best friends kami dahil parehas kami ng pinagdadaanan dati.

“Sila, kaka-break pa lang ni Shaina [Magdayao], ’tapos kaka-break pa lang namin ni Anne [Curtis] noon.

"Dun kami naging best friends.”

Single man siya ngayon, masaya raw si Sam para kay John na tila going strong ang pakikipagrelasyon kay Isabel Oli.

“I think he has really found his match talaga. It makes me excited.

“I just have faith that in the right time, it will come.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN