Ruffa Gutierrez on rift between mom Annabelle Rama and Esther Lahbati: "Hopefully, before the issue gets bigger, it will die a natural death."

Hindi umiwas si Ruffa Gutierrez na magkomento tungkol sa bangayan ng kanyang inang is Annabelle Rama at ni Esther Lahbati, ang ina ni Sarah na kasintahan ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez. Sinabi rin ni Ruffa na walang perpektong pamilya kaya nagkakaroon talaga ng banggaan minsan ang mga ito.


Ngayong araw, June 24, ang 40th birthday ni Ruffa Gutierrez.

Pero bago nito, may mga maliliit na raw siyang selebrasyon kasama ang mga kaibigan.

Kahapon, June 23, nagkaroon ng spa birthday treat si Ruffa sa kanyang inang si Annabelle Rama at ilang online media sa Bread and Butter, SM Megamall, Mandaluyong City.

Ano naman kaya ang birthday wish niya?

Sabi ni Ruffa, “Well, birthday wish? Sana tuluy-tuloy ang success ng It Takes GUTZ To Be A Gutierrez.

"We have a big announcement this week na dapat niyong abangan.

"’Tapos, more projects, that the family continue to be happy and healthy, and wala nang away-away, wala nang gulo-gulo, and positive lahat.”

Tungkol naman sa kanilang reality show, masaya raw sila sa naging takbo nito at tagumpay.

Ani Ruffa, “Actually, Episode 4 surpassed 1, 2, and 3... and it’s the highest ratings ever.

"So, I’m so happy na, you know, na talagang tumututok yung mga tao, and natutuwa sila and they want more of it.

"So, hopefully we can give them more and very soon... and also our second season.

"And natutuwa ako sa success ng show."

Sa July raw sisimulang i-tape ang kanilang second season.

May local channel partner na rin ang kanilang show na kasalukuyang umeere sa E! Channel.

Kagabi ay lumabas sa PEP Alerts na simula July 5, ieere na ang It Takes GUTZ To Be A Gutierrez sa TV5.



ANNABELLE-ESTHER WORD WAR. Noong nakaraang linggo, naging mainit na usap-usapan ang diumano’y hindi magandang pagtrato ng kanyang inang si Annabelle Rama kay Esther Lahbati sa binyagan cum birthday party ng apo nilang si Baby Zion.

Si Esther ang ina ni Sarah Lahbati, na kasintahan naman ng kapatid ni Ruffa na si Gutierrez.

Diumano’y pinagmukha raw patay-gutom ng kanyang ina si Esther sa naturang party.

Read: Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party: "The whole party hindi ako pinansin ’tapos para ako patay-gutom na aalukin ng tirang pagkain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa sagot ni Annabelle kahapon, mariin niyang pinabulaanan ang mga paratang ni Esther na inilabas nito sa kanyang Instagram account.

Hinamon pa ni Annabelle si Esther na may ibubunyag ito sa kanyang Twitter account kapag hindi pa tumigil ang ina ni Sarah sa kaka-post sa social media.

Read: Annabelle Rama tells Esther Lahbati to shut up: “Huwag mo ako hamunin, hindi ako natatakot sa ’yo! Tumigil ka na, tama na ‘yan!”

Reaksiyon naman dito ni Ruffa, “My take on the issue is I hope that everything will be settled soon and I hope positivity will rule.

"Hindi naman lahat ng pamilya, perfect.

"There are families that really go through disagreements, miscommunication, and our family is no different.

"Just because we’re celebrities doesn’t mean we don’t have any problems and life is perfect.

“So, for me, sana maayos privately.

"And sana, kung may hinanakit man si Tita Esther, huwag na niyang i-social media.

"I’m actually proud of my mom because she’s been very quiet about this dahil na rin sa request ni Richard.

"You know, when Chard speaks, my mom listens.

"Hopefully, before the issue gets bigger, it will die a natural death."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN