Sarah Lahbati on feud between her mom Esther and Annabelle Rama: "We’re fixing it internally."

Proud na proud si Sarah Lahbati sa anak nila ni Richard Gutierrez na si si Zion. Pahayag ni Sarah, “He’s super smart. As in, he’s like a spotter. When you teach him something, he’s so quick to memorize what you taught him. He’s so smart and sobrang happy baby siya. Hindi siya iyakin or laging bugnutin or sad. He’s such a smart and happy baby. We’re very blessed talaga.”


Masaya si Sarah Lahbati sa naging outcome ng pinagsamang binyag at first birthday celebration ng anak nila ni Richard Gutierrez na si Zion, noong June 15, sa Wack Wack Golf and Country Club.

Ayon kay Sarah, nagkaroon sila ng pagkakataon ni Richard na makilala pa ang ibang miyembro ng kani-kanilang pamilya at mga kaibigan nila.

Iyon nga lang, nabahiran ng kontrobersiya ang kasiyahang ito dahil sa isyu sa pagitan ng ina ni Sarah na si Esther Lahbati at sa ina ni Richard na si Annabelle Rama.

Nagsimula ito nang maglabas ng kanyang saloobin si Esther sa Instagram tungkol sa diumano’y hindi magandang pagtrato sa kanya ni Annabelle sa binyag at birthday party ni Zion.

Read: Sarah Lahbati’s mom cries foul over unfair treatment at Baby Zion’s party: "The whole party hindi ako pinansin ’tapos para ako patay-gutom na aalukin ng tirang pagkain.”

Mariin naman itong pinabulaanan ni Annabelle sa panayam niya na lumabas dito sa PEP kahapon, June 23.

Read: Annabelle Rama tells Esther Lahbati to shut up: “Huwag mo ako hamunin, hindi ako natatakot sa ’yo! Tumigil ka na, tama na ‘yan!”

Ano ang nararamdaman ni Sarah na sa gitna ng masayang okasyon ng kanyang anak ay may mga isyung sumulpot sa pagitan ng kanilang mga ina ni Richard?

Kalmado at nakangiting sagot ni Sarah, “I don’t really wanna talk about it.

“We’re fixing it internally.

“Ayokong parang lahat na lang ng buhay ko, isi-share ko sa lahat ng tao.

“May mga bagay rin na gusto kong i-keep sa sarili ko.

“We’re fixing it internally.”

Paano niya nagagawang matatag sa kabila ng mga nangyayari?

Sabi ni Sarah, “I keep on praying. Of course, matatag ako for Zion.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah noong Linggo, June 22, sa dressing room niya sa Sunday All Stars, sa GMA Studios

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST-TIME MOM. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na inilihim nina Sarah at Richard sa publiko ang pagbubuntis ng Kapuso young actress noong nakaraang taon.

Matatandaan pa ngang sa kabila ng mga haka-haka at kumpirmasyon na rin ng ilang sources tungkol sa tunay na kalagayan ni Sarah ay patuloy nilang itinatanggi o iniiwasan noon ang tungkol sa balitang pagbubuntis at panganganak niya.

Ngunit ilang linggo pa lamang ang nakalilipas ay umamin na rin sa wakas sina Sarah at Richard tungkol sa pagkakaroon nila ng anak.

Read: Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

Ano ang nararamdaman niyang kasiyahan sa pagiging isang first-time mom?

Sagot ng Kapuso young actress, “Everything is an amazing experience.

“It’s a blessing na nangyari ito sa akin even at a young age.

“I’m grateful and I don’t have any regret dahil matagal na itong ginusto ko na magka-family.

“And it’s always been my dream.

“And everything na nangyari sa akin is a blessing at magagandang bagay.”

Ikinuwento ni Sarah ang naranasan niya habang nasa sinapupunan pa lamang niya si Zion.

“Yung nine months na pregnancy kasi talagang ang hirap, e. Sobrang nahirapan ako.

“Naglihi ako, I was so moody, and then… talagang mahirap yung pregnancy ko.

“I really took care of myself and my baby.

“So, I’m grateful that he’s a healthy baby. Masayahin siya.”



BABY ZION. Ano yung mga nakikita niyang development o progress kay Zion na nakakapagbigay sa kanila ng walang kaparis na kasiyahan?

Saad ni Sarah, “He’s super smart. As in, he’s like a spotter.

“When you teach him something, he’s so quick to memorize what you taught him.

“He’s so smart and sobrang happy baby siya.

“Hindi siya iyakin or laging bugnutin or sad. He’s such a smart and happy baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re very blessed talaga.”

Bukas ba sila sa posibilidad na lumabas sila ni Zion sa TV commercial o maging endorser ng baby products?

Sagot ni Sarah, “It depends. As long as he’s safe, hindi siya… as long he’s protected and safe.

“Our mind is open about it naman.

“Pero sa ngayon, I take care of him, pinapalaki ko muna siya.

“Ayoko munang masyadong… agad-agad, you know what I mean?

“But, yeah, I have an open mind naman.”



CHANGES. Mayroon bang pagbabago ngayong isa na siyang ina?

Sagot ni Sarah, “Siyempre, ang pagbabago ngayon, iba na ang priorities ko.

“You know, when I come home from work, gusto ko na siya agad makita.

“Kung puwede nga lang hindi mag-work para makasama ko siya araw-araw.

“But, of course, I have to work at mahal ko pa rin naman ang trabaho ko.

“Iba na yung reason why you live. I live for my son now.”

May restrictions na ba siya sa oras ng trabaho o sa pagtanggap ng mga role ngayong isa na siyang ina?

Sabi ni Sarah, “Ganun pa rin naman, for as long as may lalim yung character at natsa-challenge ako, okey sa akin.

“Ang restrictions ko lang sa sarili ko na not to work so hard to the point na wala na akong time for my family.

“Gusto ko maging balance yung personal life ko at yung worklife ko.

“Ayoko na wala na akong time para sa kanila.”

Mayroon ba siyang bagong project maliban sa Sunday All Stars?

“Ay, wala pa. Kasi sunud-sunod yung launching [ng bagong shows] ng network.

“So, wala pa as of now. Sunday All Stars pa lang and guestings.”



RICHARD AS A A DAD. Kumusta naman si Richard bilang ama?

Ayon kay Sarah, “He’s doing an amazing job.

“Talagang nag-e-effort si Chard, like, learn how to change a diaper, feed him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, Chard is an amazing dad.”

Paano sila nagkakaroon ng moment ni Richard ngayong may Baby Zion na sila?

Sabi ni Sarah, “We still find time to go on dinner, watch a movie para may bond pa rin kami.

“May time na nagdi-dinner pa rin kaming dalawa lang… kahit puyat.”

May plano na bang sundan si Zion?

“My gosh!” sabay tawa ni Sarah.

Maganda ang naging produkto ng pinagsanib na dugo nila ni Richard. Sayang naman kung hanggang isa lang ang magiging bunga?

Ayon kay Sarah, “Mahirap naman… gusto namin kambal.

“Sinasabi ko ito, pero alam kong mahihirapan talaga ako.

“Nahirapan talaga ako with one baby boy. Diyusko, kambal pa kaya!

“Pero not naman siguro next year, matagal-tagal pa.

“Gusto ko munang mag-focus kay Baby.

“Siguro ‘pag nakakasalita na siya… siguro mga two or three [years] after pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN