Kris Aquino on Derek Ramsay: "Any girl would be the most blessed girl to have him as a best friend, a boyfriend, a husband or whatever."

Bagamat napapadalas ang paglabas at pagbisita nila sa isa’t isa sa trabaho, iginiit nina Kris Aquino at Derek Ramsay na magkaibigan lamang sila. Ang larawang ito ay kuha pagkatapos manood nina Kris at Derek, kasama ang mga anak ni Kris na sina Joshua at Bimby, ng The Fault In Our Stars noong June 14.


Matapos ang movie date nina Kris Aquino at Derek Ramsay noong June 14, kasama sina Josh at Bimby, dinalaw naman ng aktor ang TV host-actress sa set ng hinu-host nitong Kris TV kahapon ng umaga, June 23.

Ikinatuwa naman ito ni Kris at niyaya niya pa si Derek na mag-on cam kahit hindi niya sigurado kung puwede ito dahil na rin sa nangyaring kontrobersiya noon kaugnay ng paglipat ng aktor sa TV5 mula sa ABS-CBN.

Sabi nga ni Kris, “Puwede ko ba siya papasukin? Papasukin na natin, puwede, para lang maka-thank you ako.

“Kasi kapag malungkot ako, siya talaga ang nagpapasaya sa akin.

“Pasok ka na, Derek. Say hi lang. Welcome back from Palawan.

“Naghe-hello lang, kapitbahay natin siya.

“Baka kasi mapagalitan siya sa kabila [TV5] at mapagalitan ako dito [ABS-CBN], so nandiyan siya sa likod, okay na ’yan.”

Bago natapos ang programa, nag-dedicate pa ng kanta si Kris para kay Derek, ang “Dreaming Of You.”

Sabi ni Kris, “Derek, para sa iyo ‘yan. Bakit? We have democracy. It’s a free country. We can express ourselves.”



NICE GESTURE. Kinagabihan naman sa Aquino & Abunda Tonight ay binati ni Boy Abunda si Kris na kapag Lunes talaga, may mga babaeng dalawin.

Natanong din ni Boy ang tungkol sa kantang “Dreaming Of You,” na on cue namang tumugtog.

Hindi man binanggit ni Kris ang pangalan ni Derek, malalamang para sa aktor ang sumunod na mga pahayag ng TV host-actress.

Ani Kris, “I think, it was really just a nice gesture from a friend who cares, who knew that I wasn’t feeling great over the weekend.

“Kapitbahay nung 19 East [Muntinlupa], kung saan siya nakatira.

“So, dumaan lang siya on his way to play golf.

“See, napag-usapan nating lahat na hindi natin binanggit ang pangalan. Ang bongga!”

Patuloy pang papuri ni Kris, “He’s a wonderful person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Any girl would be the most blessed girl to have him as a best friend, a boyfriend, a husband or whatever.

“Charming, mabait at maaasahan. Matiyaga… kahit iyak ako nang iyak, pinagtitiyagaan niya yung iyak ko.

“Kahit hindi siya yung iniiyakan ko, nagtitiyaga siya.”

Nang sabihin ni Boy na, “Talaga? That must me love?” ay nagkatawanan na lang sila ni Kris.

Matagal nang nali-link sina Kris at Derek, pero lagi naman nilang sinasabing magkaibigan lang sila.

Kay Derek din daw humihingi ng mga payo si Kris.

Sa kanyang Instagram account, nag-post noon si Kris ng isang quote: “For every girl with a broken heart, there’s always a boy with glue gun.”

Kasama nito ang caption na: “THANK YOU because God must love me to give me someone like you to lean on & count on. Bahala na kayo sa interpretation but @ramsayderek11 deserves a shout out. THANK YOU! (love, love, love).”

Dahil nga sa post na ito ay inakala ng marami na si Derek na ang bagong pag-ibig ni Kris matapos ma-brokenhearted kay Quezon City Mayor Herbert Bautista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN