Thea Tolentino happy for Jeric Gonzales who gets to work with Nora Aunor

Thea Tolentino does not mind being typecast in kontrabida roles: “Okay lang naman sa akin, kasi feeling ko talaga, mas marami akong matutunan sa pagiging kontrabida.”


Nakakapagod pero masaya.

Ito ang nararamdaman ng Kapuso talent na si Thea Tolentino pagdating sa kanyang showbiz career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa style challenge na inorganisa ng GMA Artist Center at Pd&Co by Paperdolls, isang clothing brand, nito lamang Martes, June 24, sa Robinsons Galleria.

Naroon din sa event sina Krystal Reyes, Rita de Guzman, Julienne Lee, at ang upcoming Kapuso star na si Gabrielle Garcia.

Dumating si Thea sa event pagkatapos lamang ng dalawang oras na tulog dahil kagagaling lang niya sa taping ng GMA afternoon series pinagbibidahan nila ni Barbie Forteza, ang The Half Sisters.

Pagkatapos naman ng nasabing style challenge, mayroon pang isang presscon na pupuntahan si Thea.

Kaya nga raw kapag may libre siyang oras, “tulog hangga’t kaya, hangga’t puwede” ang ginagawa niya.

TEAM-UP WITH JERIC. Sa The Half Sisters, hindi na si Jeric Gonzales ang kapareha ni Thea.

Sina Thea at Jeric ang idineklarang winners ng artista search ng GMA na Protégé noong 2012 at nagkapareha sa ilang proyekto.

Sa isang panayam kay Jeric, sinabi nitong magkahalo ang naramdaman niya sa paghihiwalay nila ni Thea bilang loveteam.

Masaya raw siya para sa bagong proyekto ng dating leading lady, pero malungkot dahil hindi na sila magkatrabaho.

Read: Jeric Gonzales says goodbye to loveteam partner Thea Tolentino

“Malungkot din,” sagot ni Thea nang tanungin kung ano ang pakiramdam ng pagkakabuwag ng team-up nila ni Jeric.

Dagdag ng dalaga, “Kasi Teen Gen [2012], Love and Lies [2013], Pyra: Ang Babaeng Apoy [2013], close na rin kami ni Jeric.

"Bihira na rin kami magkita."

Sa text messages na lang daw sila nagkakausap.

Naikukuwento naman daw ni Jeric kay Thea ang tungkol sa dalawang pelikula niya kasama ang Superstar na si Nora Aunor—Hustisya at Dementia.

Sabi ni Thea, “Siyempre, happy naman ako kasi may indie film siya. New experience ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkukuwento naman siya. Excited kasi pinaitim siya dun, pina-dark ang color ng skin niya, kasi masyado siyang maputi.”

Dugtong pa ng 17-year-old Kapuso actress, “Gusto ko rin ma-experience.”

Sino namang beteranong aktor ang gusto niyang makatrabaho kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon?

“Hindi naman ako mapili, kahit sino namang beteranong artista, may matututunan ako sa kanya,” sagot ni Thea.

Sa kasalukuyan, marami raw siyang napupulot na acting tips sa co-stars niya sa The Half Sisters na sina Jean Garcia, Ryan Eigenmann, Gladys Reyes, at Angelu de Leon.

ROOTING FOR KONTRABIDA ROLES. Pagkumpirma ni Thea, base sa mga reaksiyon sa social media, may mga fans na naiinis na sa kanyang role bilang Ashley sa The Half Sisters.

Masaya naman ang young actress dahil ibig sabihin ay epektibo siya sa kanyang role.

Kahit ilang beses na siyang nagbida, mas gusto pa rin ni Thea ang kontrabida roles.

Hindi rin isyu sa kanya kung sakaling ma-typecast siya sa ganitong mga papel.

“Okay lang naman sa akin, kasi feeling ko talaga, mas marami akong matutunan sa pagiging kontrabida.”

May naiisip ba siyang dream kontrabida role na gusto niyang gampanan?

“Di ko pa naiisip. Gusto ko lang maging magaling sa pagiging kontrabida and more workshops para mas matuto pa,” sagot niya.

THE DEBUTANTE. Magde-debut na si Thea sa August 13 kaya tinanong namin siya kung ano kanyang birthday wish.

Tugon niya, “More projects and marami namang blessings na dumadating sa akin. Kuntento naman ako.

“Ang gusto ko, makahanap ng place dito sa Manila para puwede mag-stay ang mga magulang ko, kasi nasa Laguna sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN