Jennylyn Mercado will attend ex-boyfriend Patrick Garcia’s wedding if she gets an invitation

Jennylyn Mercado on dating again: “Hindi pa ako ready, ang hirap namang mag-entertain ’tapos hindi ka pa ready. Unfair naman doon sa mga tao. So, might as well single ka na lang muna. At saka happy na ako kay Jazz.”


Hindi nakaligtas si Jennylyn Mercado sa pag-uusisa ng press tungkol sa nababalitang may non-showbiz guy na nali-link sa kanya ngayon.

“Totoo?” tila hindi makapaniwalang balik-tanong ng Kapuso star sa press.

Pero handa na ba siyang makipag-date ulit?

“Hindi pa, hindi pa ako ready,” tugon ni Jennylyn.

Bakit naman?

“Siguro parang na-feel ko lang na ang sarap palang maging single ngayon.

“Yung nakaka-focus ka sa sarili mo, sa pamilya mo, sa career mo, and doon parang umiikot yung mundo ko ngayon sa tatlong yun—sa sarili ko, sa family ko, at sa career ko.”

Pakiramdam niya ba mas sumeksi siya noong naging single siya?

“Sabi nila!” sabay tawa ni Jennylyn.

Pero marami bang nanliligaw sa kanya ngayon?

“Naba-block ko,” biro niya.

“Hindi, hindi muna. Ayoko munang mag-entertain.

“Hindi pa ako ready, ang hirap namang mag-entertain ’tapos hindi ka pa ready.

“Unfair naman doon sa mga tao.

“So, might as well single ka na lang muna.

“At saka happy na ako kay Jazz,” pagtukoy niya sa kanyang anak.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jennylyn sa presscon ng Belo Laser Lipo Arms kahapon, Hunyo 24, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.



ON GOOD TERMS WITH PATRICK. Speaking of Jazz, may pag-asa bang magkita ang anak niya at ang kapatid nitong si Chelsea sa amang si Patrick Garcia?

“Wala pa, hindi pa kami nagkikita-kita,” sabi ni Jennylyn.

Aware ba siyang naghahanda na si Patrick na magpakasal sa bago nitong non-showbiz partner na si Nikka Martinez?

“Yes.”

Alam niya ba kung iimbitahan siya sa kasal?

“Hindi ko alam, wala akong idea.”

Pero dadalo ba siya kung iimbitahan siya?

Sagot ni Jennylyn, “Why not, ‘di ba? Kung may invitation, why not?

“Wala namang masama, friends naman kami.

“Tatay niya [Jazz] si Patrick, so I think there’s nothing wrong naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda na raw ang relasyon nila ngayon ni Patrick bilang magkaibigan, lalo na pagdating sa pag-uusap tungkol sa anak nilang si Jazz.

Kung kukunin bang ring bearer si Jazz sa kasal, papayag siya?

“Walang problema,” sabi ni Jennylyn.



LUIS AND ANGEL. Samantala, ngayong nababalitang nag-iisip na rin si Luis Manzano na mag-settle down, may wish ba si Jennylyn para sa kanyang ex-boyfriend at sa nakabalikan nitong si Angel Locsin?

“Wala naman. Ayoko munang pag-usapan. Wala na ako doon!” natatawang sabi ng actress-TV host.

Pero does she still wish them the best?

“I wish him well. I wish them well,” sagot niya.



NEXT PROJECT. Ano ang susunod niyang project pagkatapos ng Rhodora X?

Ayon kay Jennylyn, “Merong nilulutong project for July, pero siyempre hindi pa ako puwedeng magsalita about it.”

Teleserye din ba ito?

“Inaayos pa.”

May gagawin ba siyang pelikula?

“Movie, wala pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN