Nikki Gil is now “healed” after breakup with Billy Crawford

Nikki Gil on not talking about previous relationship: "For me, closure is stop talking about it."


“Kapag gusto, magagawan ng paraan ‘yan. Kapag gusto, mahahanapan ng oras.”

Ito ang nakangiting sagot ni Nikki Gil nang kumustahin ng entertainment press ang kanyang personal life.

Naging matipid ang Kapamilya actress-TV host sa pagsasalita tungkol sa kanyang lovelife.

Pero inamin niyang “exclusively dating” pa rin sila ng non-showbiz guy na nabanggit niya noon sa Kris TV.

Read: Nikki Gil admits dating non-showbiz guy

“It’s happening. Kasalukuyan siyang ano… I’m very happy with where I’m at.

“I try to keep it as private as I can but, yeah, I’m enjoying myself, I’m okay,” saad ni Nikki sa interbyu sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media matapos ang charity event na inihanda ng staff ng Hawak Kamay sa Hospicio de San Jose kahapon, June 24.

Ang Hawak Kamay ay ang upcoming primetime series ng ABS-CBN na kinabibilangan ni Nikki; kasama sina Piolo Pascual, Iza Calzado, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Yesha Camille, at Andrea Brillantes.

Ang pakikipag-date ni Nikki ay senyales na naka-move on na siya mula sa breakup nila ni Billy Crawford noong nakaraang taon.

Ayon sa Kapamilya star, sapat na panahon na ang halos isang taon para rito.

“I really appreciate those who are concern pero nakaisang taon na rin tayo, in fairness.

“I think that’s enough time na rin to be healed. Okay na ‘yon.

“Kapag iniisip ko rin, parang ang tagal na.

“Ganun lang talaga ang buhay, you move on from things like this, and it will feel like it never happened sometimes.

“You know, that’s the grace of God.”

Dagdag pa niya tungkol sa pagmu-move on, “People deal with this kind of challenges in different ways.

“I just chose not to dwell on it and feel pity and open windows for making other interpretations, kasi ako rin naman ang dadaan doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin naman ang nag-struggle with it, so it’s only fair na to keep it to myself.”

Sa ngayon, nais ni Nikki na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating boyfriend.

Sabi pa niya, “For me, closure is stop talking about it.

“I appreciate that sometimes how people hindi na nila masyadong inuungkat kahit alam kong gusto nilang ungkatin.

“Pero naa-appreciate ko na hindi na nila masyadong uungkatin, kasi ‘yon talaga ang nakakatulong to get past this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN