(UPDATED) Ramon Ang reportedly paid P15.3 billion for minority stake in GMA Network

News of Ramon Ang’s acquisition of GMA minority shares saw immediate rise in the TV network’s value in the stock market.


Kasabay ng anunisyo sa pagpayag ng GMA Network major shareholders na ibenta ang minority shares ng kumpanya kay San Miguel President and Chief Operating Officer Ramon Ang, tumaas din ang presyo ng GMA shares sa stock market.

Bago magsara ang trading sa Philippine Stock Exchange (PSE) kahapon, June 24, tumaas ng 24 centavos o 3.24 percent ang halaga ng GMA shares kada isang share.

Mula P7.41 noong Lunes, June 23, ay naging P7.65 ang halaga nito sa stock exchange.

Sa www.bloomberg.com ngayong umaga, June 25, ang nakatalang presyo ng GMA shares kada isa, nang magbukas ang stock exchange, ay P8.01.

Maituturing itong positive development, lalo pa’t ayon sa ulat ng Reuters Online, 9.6 percent ang ibinaba ng halaga ng GMA shares ngayong taon, bago lumabas ang disclosure tungkol sa kasunduan ng Kapuso network at ni Ang.

Noong May 5, inihayag ng GMA top executives na bumagsak ng 46 percent o halos kalahati ang net income ng TV network para sa first quarter ng 2014.

Mula P601 million noong 2013 ay naging P325 million ang net income nito, dahil sa kawalan ng kita mula sa political advertisements noong 2013 mid-term elections.



MONEY TALKS. Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong araw, June 25, umabot daw sa P15.3 billion ang binayaran ni Ang para sa pagbili ng 30 percent shares ng GMA.

Kinumpirma umano ni Ang na ang binili niyang “30 percent” minority stake ay may presyong P10.60 kada share—mas mataas kaysa sa naitalang halaga ng GMA shares sa stock market.

Base sa presyong binayaran ni Ang kada share, at ang kabuuang bilang na 4.86 billion common shares ng GMA, tinatayang P51 billion ang “enterprise value” ng Kapuso network ngayon.

Ayon pa sa sources ng PDI, matagal nang nagbigay ng “downpayment” si Ang sa GMA upang tiyaking matuloy ang transaksiyong ito.

Kasama rin umano sa kasunduan ng GMA major shareholders at ni Ang na maaaring bumili ng additional shares ang San Miguel president sa susunod na pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Base sa May 6 disclosure notice ng San Miguel Corporation sa PSE, “personal investment” ni Ang ang pakikipagnegosasyon nito sa major shareholders ng GMA.

NO FINANCIAL DETAILS FROM GMA. Sa opisyal na pahayag ni Atty. Felipe L. Gozon, chairman at CEO ng GMA, kinumpirma nito ang pagbili ni Ang ng minority shares ng Kapuso network, ngunit hindi ito nagbigay ng detalye tungkol sa napagkasunduan nilang presyo.

Aniya, “What we can confirm right now is that the Jimenez, Gozon, and Duavit groups of stockholders have decided to sell a minority stake to Mr. Ramon Ang.

“Details of the transaction will be disclosed once we have finalized everything.”

Samantala, pinabulaanan ng GMA sa pamamagitan ng isang statement na P10.60 ang halaga ng bawat share na binayaran ni Ang sa 30% outstanding capital stock ng network.

Sa ngayon, ang may hawak ng controlling shares ng GMA ay sina Gozon, Gilberto Duavit Jr., at Menardo Jimenez.

Read: Ramon Ang buys minority stake in GMA Network


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN