Glaiza de Castro laughs off lesbian rumor: "Babae po talaga ako!"

Glaiza de Castro says a break from doing teleserye is a good time to reflect on matters outside show business: "Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng time sa pamilya ko, sa sarili ko."


Isang taon nabakante si Glaiza de Castro sa paggawa ng teleserye.

Nang matapos ang primetime series na Temptation of Wife noong 2013, ngayon lang uli nasundan ang paggawa ng proyekto ni Glaiza sa pamamagitan ng afternoon soap na Dading.

Paano siya "naka-survive" noong panahong wala siyang ginagawang teleserye?

Sagot ng Kapuso actress, “Well, by God’s grace, naka-survive ako dahil meron naman akong sitcom [Vampire ang Daddy Ko]. Meron naman akong Sunday All Stars.

"Meron naman kaming business. Hindi ko naman masasabing boom na boom, pero kahit paano, nakakatulong.

“’Tapos gumawa ako ng album and iri-release pa lang this year ng GMA Records.

"At saka, itong album na ‘to, collaborative siya, maraming taong nagtulong para mabuo ang album na ‘to.

“Kaya parang, in a way, tribute ko ‘to sa kanila, sa mga taong naging parte ng album na ‘to.”

Hindi ba siya nagtampo sa GMA Network dahil matagal bago nasundan ang huling teleserye niya?

Sabi ni Glaiza, “Well, hindi naman kasi dun nagtatapos lahat, ‘di ba?

"Minsan, kapag binibigyan ka ng time para maghintay, binibigyan ka ng time na mag-reflect.

"And to be thankful sa mga ibang bagay other than having soap or other than being the spotlight.

"‘Pag ganun, nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng time sa pamilya ko, sa sarili ko, ‘di ba?

"Na gawin ang ibang bagay na gusto ko na hindi ko magawa before dahil halos araw-araw kaming nagte-taping.

“Kasi, sa totoo lang, ang buhay, hindi naman nagre-revolve sa showbiz o sa trabaho lang.

"May ibang factor din na kailangan mong i-consider and thankful ako na mas naging open ako sa lahat ng bagay.

“Mas naging grateful ako kay Lord sa lahat ng ibinibigay Niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa presscon ng Dading noong June 19 sa GMA Network Center.



NO LOVELIFE. Sa isang banda, nagsasabi raw ng totoo si Glaiza na kahit isang taon siyang bakante sa paggawa ng teleserye, hindi pumasok ang aspeto ng lovelife sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Totoo po talaga, wala... wala, e.

“Siguro kasi, yung one year na yun, hindi rin ako masyadong naglalabas.

"Kumbaga, itinuon ko rin yun para sa pamilya ko at sa sarili ko.

“Hindi ako yung tipo ng tao, ’Hay, kailangan makahanap ako ng boyfriend!’

"So, yun, darating at darating yun.

“Ako, naniniwala akong talaga na hindi mo siya kailangang pilitin.”

Pero may mga nanliligaw naman?

“May mga dumarating, dumadaan-daan!” natawang sabi niya.

Nagdaan lang?

“Oo, e, choice ko pa rin kasi.”

Wala rin naman daw siyang nakaka-date sa ngayon.



ALL-WOMAN. Diretsuhan naming ipinarating kay Glaiza ang komento ng ilan na dahil nga wala pa rin siyang maipakilalang boyfriend, may ilang pinag-iisipan na baka raw tomboy siya.

Natawa si Glaiza at sinabing, “Well, may naririnig na akong ganyan, pero gusto ko pong sabihin na babae po talaga ako!

“Naisip ko ‘yan, e. Baka nga may mga taong nag-iisip na ganun ako.

"Na baka masyado akong na-trauma sa mga lalaki, pero hindi naman.

“Baka yun ang iniisip nila, baka yung ang perception nila kung bakit wala pa, pero choice ko kasi.

"Gusto ko, kapag na-meet ko na ang taong yun, yun na ang pakakasalan ko."

Nabasa rin daw ni Glaiza ang librong When God Writes You A Love Story at hangga’t maaari, gusto niyang hintayin ang kaloob talaga ng Diyos para sa kanya.

“Habang hinihintay mo ang tamang tao, kailangan maging maayos ang puso mo.

"Gusto kong maging maayos ang disposisyon ko bago dumating siya.

“Sabi nga sa book, hindi tayo ang hahabol. Si Lord ang magbibigay sa ‘yo ng tao. Pinagpi-pray ko yun.

“Minsan talaga, may time na naiiyak na ako, na nalulungkot ako.

"Na, ’Hindi ba ako okey? May kulang ba sa akin? Anong mali, bakit wala pa?’

"Pero naniniwala rin ako na siguro nga, inaayos ako ni Lord. Siguro, kini-keep niya lang ako from trouble.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, once na pinilit mo ang isang bagay sa sarili mong paraan, parang may balik.

"Pero kung hinihintay mo ang will Niya, lagi akong naniniwala na kapag si Lord ang gumawa, may peace ka, walang trouble.

“Never akong nagpadala."

Patuloy pa ni Glaiza, "I’m surrounded with people na love ako.

"Iba-iba naman ang love. Love galing sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko.

"Yun lang talaga ang kulang at, siguro, pini-prepare lang ako ni Lord.


“Sabi ko nga, Lord, ’Sana kapag ibinigay Mo sa akin ang taong ito, sana makasama ko siya sa mga trip ko, sa business ko.’

"Gusto ko, business-minded siya, bilang ngayon, nagbi-venture ako sa business, sana maging guide ko siya.

“Tayong mga babae, although nandoon ang pagiging caring natin sa mga mahal natin, pero ang lalaki talaga ang provider.

"Ang lalaki talaga ang magpu-push sa ‘yo to do this and maging inspiration to do better.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN