Iza Calzado definitely not getting married this year; targets having a baby by age 35

Iza Calzado unsure about wedding timetable: "I don’t really know when I do get married. I want to travel first, take some time off, so give me some time."


Bagamat ilang beses nang gumanap bilang ina, hindi pa raw handa si Iza Calzado na magkaroon ng sariling anak.

Sa ginanap na charity event sa Hospicio de San Jose ng staff ng Hawak Kamay noong June 24, sinabi ni Iza na maganda ang effect sa kanya ng bago niyang teleserye.

“I get to experience what it’s like to be a parent.”

Gayunman, sa totoong buhay raw ay hindi pa niya nakikita ang sarili bilang isang magulang.

“It’s a big responsibility. I am not yet ready to have my own,” paliwanag ni Iza.

Pero kung tatanungin daw siya kung kailan niya gusto, sabi ni Iza, “Thirty-five [years old], that’s my goal.”

Thirty-one na ngayon si Iza.

Hindi raw takot ang Kapamilya actress na maging ina.

Aniya, “Hindi pa lang ako handa [ngayon] kasi, siyempre, hindi pa ako magpapakasal this year, definitely.

"Ewan ko next year, I don’t really know when I do get married.

“I want to travel first, take some time off, so give me some time.

"I’m trying to target 35 to have a kid."

Ang boyfriend ngayon ni Iza ay ang Filipino-British na si Ben Wintle.

Sa ngayon, ine-enjoy muna ni Iza ang pakikipagtrabaho sa mga bata, lalo na sa bagong teleserye nila ni Piolo Pascual, ang Hawak Kamay.

Sabi ni Iza, “Working with the kids, sobrang galing nila. Nakaka-inspire sila.

"Ganado kami magtrabaho.”

Sa Hawak Kamay, makakatrabaho nina Iza at Piolo ang child stars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN