Liza Soberano admits she has a crush on Enrique Gil

Liza Soberano on Enrique Gil: "It’s not hard to like him. He’s handsome. He’s nice. He’s talented. So, why not?" says the 16-year-old Star Magic artist in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) yesterday, June 25.


“Meron naman po. Paghanga.”

Ito ang sagot ni Liza Soberano nang tanungin kung si Enrique Gil ang tinutukoy niyang secret crush mula sa showbiz.

Ayon sa 16-year-old Fil-Am Kapamilya actress, hindi mahirap magkagusto kay Enrique dahil marami itong magagandang katangian.

Aniya, “He’s handsome. He’s nice. He’s talented. So, why not?”

Minsan nang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Liza tungkol sa kanyang celebrity crush sa presscon ng teleseryeng Got To Believe noong Pebrero.

Ngunit tumanggi si Liza na sabihin ito on cam, dahil ayaw niya sanang malaman ng tinutukoy niyang lalaki na may gusto siya rito.

“Sabi ng tita ko po kasi, kapag may crush ka ‘wag mong sasabihin. Para hindi malaman ng crush ko na may crush po ako sa kanya.”

WATCH: Liza Soberano says her crush is also a Kapamilya actor

Ganunpaman, nilinaw ni Liza na hanggang paghanga lang ang nararamdaman niya para kay Enrique.

Bukod sa wala pa siya sa tamang edad para magpaligaw at pumasok sa isang relasyon, iniiwasan niyang mawalan ng konsentrasyon pagdating sa trabaho.

“Yung focus k, hindi naman sa iniisip ng ibang tao. My focus is on my career and to get better in acting,” paliwanag ng teen actress.

Nakapanayam ng PEP si Liza pagkatapos ng story conference ng The Bet, kahapon, June 25.

Isa itong pelikula sa ilalim ng produksiyon ng Star Cinema na pagtatambalan nila ni Enrique.

Aminado si Liza na kung minsan ay nako-conscious pa rin siya sa tuwing mapapatitig sa kanya si Enrique.

Ngunit excited na rin siyang magsimula ang kanilang shooting, lalo pa’t minsan na silang nagkatrabaho ng young actor sa pelikulang She’s The One (2013), na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Dingdong Dantes.

“It’s fun to work with him. There’s no dull moment in the set.

"Kahit pagod ka na sa taping, he finds ways to make you happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, when I found out that we’ll be paired with each other, oh yeah, game!"

Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat ni Liza sa Star Cinema dahil binigyan siya agad ng lead role sa isang pelikula kahit na baguhan pa lang siya sa showbiz.

“Hindi ko alam kung first time, pero parang ngayon lang mangyayari na hindi nauna mag-topbill sa teleserye bago yung movie.

“I’m nervous because it’s different when it’s a movie.

"People expect too much and they have to pay to watch it so dapat sulit.

“I really have to step up my game in acting and to be more fluent in Tagalog,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN