Chynna Ortaleza inspired by Gabby Eigenmann’s success story

Chynna Ortaleza is all praises for Dading co-star Gabby Eigenmann: "You know, he has been very pursigido when it comes to putting up the good performances, plus very good with people. Yun ang pinakaimportante with Gabby for me and, yes, he’s a brilliant actor, but the way he takes care of people is fantastic... When I see him talk to people and really take time out. Kahit pagod na siya, nasa set siya, everywhere, he’s talking to utility, co-actors, people, staf


Malaking bagay sa Kapuso actress na si Chynna Ortaleza na nagkasunud-sunod ang ginawa niyang indie films ngayong 2014.

Nasimulan ito ng Dementia, na kinunan pa nila ng ilang linggo sa Batanes, kasunod ang Cinemalaya entry niya na Hustisya, at ngayon ang #Y.

Parehong si Nora Aunor ang bida sa Dementia at Hustisya.

Ayon kay Chynna, “Well, so far, the past season before I started doing Dading, I did films which helped me a lot.

“Kasi, parang na-recharge ang creativity ko.

"Yung tingin ko sa art ng pagiging actor, naiba noong pumasok ako ng pelikula.

“Kasi matagal akong hindi nagpelikula. Lahat ng ginagawa ko, telebisyon, mainstream.

"So, nag-indie ako for like three months at ang laki rin ng naitulong nun sa akin."



HAPPY FOR GABBY. Ang Dading naman ay ang bagong afternoon drama series ng GMA, kung saan lead star si Gabby Eigenmann.

Bagamat matagal nang Kapuso si Gabby, ngayon lamang siya nabigyan ng title role.

At gaya ni Gabby, loyal Kapuso rin si Chynna, kaya tinanong ng PEP ang aktres kung umaasa rin ba siyang mabigyan ng lead role ng GMA pagkatapos ng ilang taong pagganap sa supporting roles.

Tugon niya, “Of course, I’m very hopeful.

"Tinatanong nila sa akin kanina, ’Do you want to finally get a lead role?’

"Who doesn’t want to get a lead role? Who doesn’t want to get an opportunity to headline a show, especially if you’re blessed like Gabby?

“Sabi ko nga, ’Gabby, sobrang worth it yung hinintay mo. Ang ganda ng material mo, ibinigay pa sa ‘yo yung tipong pamilyang set-up ng taping na gusto mo.’

"Kaya kami naiiyak kanina.

"Sabi ko nga, noong narinig ko na kami ang magsasama, nagkakapaan talaga kami na parang, ’Guys, alam niyo na, alam niyo na.’

"Kasi, pare-pareho kami ng wavelength, pare-pareho kami ng passion sa craft namin at mahal namin ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dyusko, isang buwan pa lang yata kaming magkakasama, kanina naiiyak na si Glaiza [de Castro] kasi naiisip niyang mag-e-end ‘to.

"Sabi ko, ’Wait lang, nasa week three pa lang ako.’"

Patuloy ni Chynna, “So, ako, I’m very, very inspired by what Gabby has been through in his career.

"You know, he has been very pursigido when it comes to putting up the good performances, plus very good with people.

"Yun ang pinakaimportante with Gabby for me and, yes, he’s a brilliant actor, but the way he takes care of people is fantastic.

“Like, for me, when I see him, it really teaches me a lot as an artist, actor, celebrity, and a person, you know...

"When I see him talk to people and really take time out.

"Kahit pagod na siya, nasa set siya, everywhere, he’s talking to utility, co-actors, people, staff... He’s there, 100 percent.

"He’s there, willing to give.

"At kami, wala kaming magawa kung hindi magbigay ng same intensity sa ginagawa namin.

"When I saw the pilot week... maraming beses na akong naka-attend ng presscon, maraming beses na akong nakakita ng unang plug, alam ko ang pakiramdam kapag maganda.

“Sabi ko, iba ang pakiramdam kapag may something.”



VARIETY OF ROLES. Base sa trailer ng Dading, si Chynna ang girlfriend ni Benjamin Alves at parang tumulong dito nang iwan ang` karakter ni Glaiza de Castro.

Pero, kung pagbabasehan ang trailer, tila iniwan din siya ni Benjamin.

Kontrabida pa rin ba siya sa serye?

“Well, actually, sobrang nagulat ako. Siyempre, ine-expect ko na bibigyan nila ko ng role na kontrabida.

“Yung character ko kasi rito, more on biktima. Pareho kami ni Gabby dito na parang biktima.

"Sila naman, hindi nila mapigilan ang damdamin nila whereas kami, nandoon kami noong panahong kailangan nila kami.

“Si Ben dito sa umpisa, wala talagang goal na tao ‘yan. Pumunta siya ng America, ako ang nagbigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unfortunately, my character has flaws as well which will gonna be shown sa pilot script ko.

“So, wala, sobrang saya ko lang din dahil ang galing ng pagkasulat ng writer.”

Okey sa kanya ang role niya sa Dading?

“Oo,” nakangiting saad niya.

“First of all, first time sa akin na tumimpla ng ganoong role na parang bida-kontrabida na hindi mo maintindihan.

"Kahapon nga, palagi akong kino-call-out na, tingnan mo ‘to, panoorin mo ‘to, hindi ka kontrabida rito.

“Parang system ko na siya pagdating sa TV, so hindi ako sanay.

"Sa film, walang problema kasi iba ang character ko pero dito, babalansehin mo talaga siya. Nasa gitna siya.

“Hindi mo alam kung saan siya papunta. Nakakainis ba siya o hindi so, yun ang challenge for me as an actor.

"Parang paano ko babalansehin ang character na ito ni Celine, una sa lahat, pure english ang dialogue.

"Keri naman pero tawang-tawa kami nila Glaiza sa taping.

"Sabi nga namin, walang magdadala ng character na ito sa labas ng set.

“Si Gabby, bading na bading na talaga. Ako naman, super arte,” natawang sabi niya.

“But I’m very thankful with my management kasi I’ve been talking about this for the longest time, sa Artist Center.

"I talked to them about variety of roles, versatility.

"I don’t know what’s happening, but it’s happening now.

"I’m just very thankful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN