Dingdong Dantes and Marian Rivera make the best of their short time together in New York

Dingdong Dantes on trips with girlfriend Marian Rivera: “Basta, simple lang kami. Palakarin mo lang kami sa kalsadang mahaba, yun na yun. Kahit three days, hindi kami mapapagod, ganun kami kasimple.”


Halos wala pang isang araw na nagkasama, pero aminado ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na sinulit nila ng kanyang kasintahang si Marian Rivera ang maikling panahon para maging romantiko ang pagtatagpo nilang dalawa sa New York City, USA.

Dumating silang sabay ng madaling-araw kahapon, June 25, via Korean Air Lines.

Matapos makapagpahinga sandali ay dumiretso na si Dingdong sa taping ng kanyang primetime series sa GMA, Ang Dalawang Mrs. Real, sa Tivoli Royale Executive Village, sa Commonwealth, Quezon City.

Pumunta si Dingdong sa Chicago, Illinois para sa show ng Philippine Fest Piyesta 2014.

Si Marian naman ay lumipad noong June 11 para series of shows ng GMA Network sa West Coast; kabilang ang Los Angeles, San Francisco, San Diego, at Las Vegas.

Napagkasunduan ng magkasintahan na magkita sa New York City noong Linggo, June 22.

Kumalat nga sa social media ang ilang mga kuha nila sa kanilang maikling pagkikitang iyon; kasama na ang kuha nila sa pamosong luxury hotel na Waldorf Astoria at sa labas ng sikat na Serendipity restaurant.

Read: DongYan so sweet in the Big Apple



NEW YORK, NEW YORK. Excited na kuwento ni Dingdong tungkol sa kanilang pagtatagpo ni Marian sa New York, “Actually, ako’y heto’t kasalukuyang suffering from different time zones.

“Pero, okay lang naman. Alam ko namang mangyayari yun, pero sulit na sulit naman.

“Imagine, halos wala pang eighteen hours na magkasama kami dun kaya nilubos na namin kung ano ang puwedeng gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philppine Entertainment Portal) at ilang bloggers si Dingdong sa set visit ng Ang Dalawang Mrs. Real kahapon, June 25, kung saan ang mga eksena ay kinunan sa residential house ng actor-politician na si Jestoni Alarcon.

Patuloy pa niya, “Para sa akin, ang memorable talaga ay yung unang pagkikita, e.

“Yung unang pagkikita talaga namin sa may kalsada.

“First time kasi naming hindi nagkita nang ganun katagal kaya, you know, para sa akin, it’s something really different.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dalawang linggo yun,” pagtukoy niya sa tagal ng hindi nila pagkikita ni Marian.

Ano ang una nilang ginawa nang magtagpo sila sa New York?

Sabi ni Dingdong, “Nag-lunch lang kami, ‘tapos lakad-lakad.

“Yun ang mga ini-enjoy namin—yung wala lang, lakad-lakad lang, kuwentuhan.

“Siyempre, two weeks ba namang catching up, so a lot of kuwentuhan na updates sa amin.

“Around the area lang kami and it’s a sort of vacation, pero hindi rin.

“Marami kaming napag-usapan kasi ang daming nangyari sa kanya, e.

“In a span of weeks, ang daming nangyari sa kanya, ‘di ba? Ang dami niyang kuwento.

“At ako rin, yun mga kaganapan sa mga tabi-tabi.”

Dagdag pa ng aktor, “Basta, simple lang kami.

“Palakarin mo lang kami sa kalsadang mahaba, yun na yun.

“Kahit three days, hindi kami mapapagod, ganun kami kasimple.”

Dahil parang bitin ang kanilang wala pang isang araw na pagsasama sa bayan ni Uncle Sam, wala ba silang planong mangibang-bansa na silang dalawa lang?

Sagot ng Kapuso Primetime King, “This year, wala. Kasi sobrang hectic din [ang schedules].

“Like, ako, habang nag-aaraw-araw kami [sa taping], ‘tapos siya rin, yung show niyang Marian at Eat Bulaga!, tama na siguro yun.

“Anyway, our birthdays are coming soon. Usually, we have a day-off bago yun, so...”

Si Dingdong ay magdiriwang ng kanyang 34th birthday sa August 2; samantalang si Marian naman ay magti-30 sa August 12.



FUTURE PLANS. Tungkol naman sa mga plano nila sa kanilang relasyon, hindi raw gaanong pinag-usapan ito.

Ani Dingdong, “Wala naman. It’s still the same.

“Alam niyo, kapag kasama ko siya, it doesn’t matter naman kung saan.

“Ang mahalaga ay yung oras at yung atensiyon para sa isa’t isa, yung hindi kami preoccupied masyado.

“Kumbaga, mas quality yung pagsasama namin.”

Hindi ba sila nadala ng romantic atmosphere ng New York para pag-usapan na ang kanilang kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang tugon ni Dingdong, “Hindi naman… seriously, no.

“’Pag mangyari, mangyayari ‘yan, malalaman niyo naman.”

Ayon sa obserbasyon ng karamihan, matatawag na “almost perfect” daw ang kanilang relasyon na patuloy nagiging solido sa pagtakbo ng panahon.

Ano ba ang sikreto?

Sagot ni Dingdong, “Combined effort naman namin ‘yan.

“So, ‘di lang naman ako lang ‘yan, pati na rin siya.

“Grateful ako na we’re good that way and give and take kami.

“We inspire each other and, I guess, yung ibang mga kaganapan ay magiging biyaya na lang later on.

“We’re happy this way.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN