Ogie Alcasid takes over Aga Muhlach in Let’s Ask Pilipinas: “At my age, mamimili ka pa ba?”

Wala raw problema kay Ogie Alcasid kahit pa sabihing humahalili lang siya kay Aga Muhlach sa paghu-host ng TV5 game show na Let’s Ask Pilipinas. Aniya, “Like everybody else, we see work as a blessing.”


Simula July 11, mapapanood na muli ang game show ng TV5 na Let’s Ask Pilipinas.

Ngunit hindi na si Aga Muhlach ang host nito kundi si Ogie Alcasid na.

Mula sa primetime, ililipat na rin sa 11:15 a.m. ang oras ng Let’s Ask Pilipinas.

Nagkausap na ba sila ni Aga tungkol sa pagpalit niya bilang host sa dating show nito?

Sagot ni Ogie, “Hindi, e. Hindi ko pa natatanong si Aga.”

Natanong ba niya sa management ang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Aga sa kanyang paghu-host sa show?

Medyo alangang sagot ng singer-songwriter, “Tinanong ko [ang] management, pero dapat siguro sila na lang tanungin niyo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ogie sa set visit cum presscon ng Let’s Ask Pilipinas, sa Studio A ng TV5 Broadcast Center, Novaliches, kahapon, June 25.



“AT MY AGE, MAMIMILI KA PA BA?” Dagdag pa ni Ogie, “I’m happy that I’m doing this show because I like the show.

"Nung nagti-taping kami kanina, siyempre yung first episode, medyo nangangapa-ngapa pa ako.

“Pero nung nakukuha ko na yung takbo ng show, aba, sabi ko, ‘Okey ‘to!’

“I liked it and it’s a daily show sa umaga.

"So, iba naman dahil galing ako sa Confessions of A Torpe, which went very well.

"We were very, very happy nung run nung show. In fact, they’re now talking of doing another run.”

Masaya rin daw si Ogie dahil gusto ng asawang si Regine Velasquez ang konsepto ng Let’s Ask Pilipinas.

Kuwento niya, "Ang una kong laging tinatanong ay ang asawa ko, ‘di ba, ‘Ano sa tingin mo?’"

Sagot daw ng Songbird, “Maganda ‘yan ’tsaka masaya, e. Its fun, e.”

Masasaktan ba siya sa mga magkokomentong hindi siya ang original host nito kundi hahalili lang siya sa programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Ogie, “No, not at all. Ako kasi, ang policy ko sa buhay, e, trabaho, e.

“Kung kailangan mong magbungkal ng lupa, kahit na may nauna pa sa akin dun, kailangan kong gawin.

“Like everybody else, we see work as a blessing.

"At my age, mamimili ka pa ba?

“So, no… really, parang ngayon, I am so happy that I’m still here.

"I’m very blessed that I’m still being considered to do work, other than singing, acting. Hosting naman ngayon.”



THE GIFT-WRAP. Nagpatawa naman si Ogie nang matanong tungkol sa serye niyang The Gift na nasimulan na nilang i-tape noong 2013.

Saad niyang tumatawa, “Ayun, na-gift wrap!”

Ang ibig sabihin ni Ogie ay “shelved” ang proyekto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN