Benjamin Alves not yet desperate to have a girlfriend

Benjamin Alves on dating: “If I will start dating, it means that I’m ready to invest my time on that. Invest my time in meeting new people. Ayoko namang gawing reason na bored ako or I have nothing to do kaya nakipag-date ako. I don’t want to use that kind of reason. I will go on a date kasi gusto ko.”


Tuwing tinatanong ang Kapuso hunk na si Benjamin Alves kung may idine-date o nililigawan siya ngayon, “wala” ang palagi niyang sagot.

Mag-iisang taon na raw siyang hindi nakikipag-date, kaya naman nag-aalala na ang kanyang manager na si Jonas Gaffud, ng Mercator Models.

Ihahanap na lang daw siya ng ka-blind date para naman daw magkaroon ng inspirasyon sa trabaho si Benjamin.

Natawa na lang ang aktor sa alok ng kanyang manager na ipa-blind date siya sa mga kilalang nitong models.

Sabi ni Benjamin, “I appreciate what my Mama Jonas wants to do for me.

“He is very much concerned, not just with my career but with my personal life as well.

“Pero siyempre, parang nakakatawa na kailangan i-blind date pa niya ako.

“I mean, ganun na ba ako ka-desperate para ihanap niya ako ng makaka-date at magiging girlfriend ko?”

Dagdag niya, “Hindi ko naman tinanggihan yung offer ni Mama Jonas. Okey lang naman siguro to go on a blind date.

“I guess it’s okay to be surprised once in a while, ‘di ba?

“I told him naman that I’ve never been on a blind date before.

“Pero kung siya naman ang magse-set up, alam naman ni Mama Jonas kung ano ang type kong girl.

“There’s no harm in going on with it.

“If I find the date interesting at nagkasundo kami, we can start on something good, ‘di ba?

“Let’s just wait and see what will happen sa magiging blind date ko,” natatawang kuwento ni Benjamin sa press launch ng Dading, sa GMA Network Center, noong June 19.



NOT IN A HURRY. Ang huling na-link kay Benjamin ay ang beauty queen na si Janine Tugonon, na kasamahan din niya sa Mercator.

Inamin ng aktor na kaya hindi siya madalas makipag-date ay dahil wala siyang masyadong mga kaibigan dito sa Pilipinas. Karamihan daw ng kanyang mga kaibigan ay nasa Guam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga ang problema. You see, I don’t have a lot of friends here.

“Mga kasama mo lang sa work, mga kasama mo sa church.

“Pero iba yung mga friends na talagang kilala mo, yung kasama mo sa school, kasama mong lumaki.

“E, it’s through friends where you get to meet other girls, ‘di ba? Ipapakilala ka nila and you go on group dates.

“Kaya yun ang wala ako dito. Konti lang ang masasabi kong mga friends ko talaga dito.”

Pero hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng girlfriend, lalo na’t nagkakasunod-sunod ang kanyang trabaho ngayon.

Mahihirapan daw siyang ipagsabay ang magkaroon ng relasyon at ang kanyang trabaho sa showbiz.

Saad ni Benjamin, “I guess, I enjoy being single and available.

“Wala akong problema kundi ang sarili ko lang.

“Kung may girlfriend ka naman kasi, kasama siya sa mga iintindihin mo, ‘di ba?

“Ngayon kasi, I like being single and I get my work done at walang nade-demand ng time ko.

“Mahirap yung hindi mo ma-invest ang panahon mo sa taong ito dahil mas may priority ka.

“So, mas okey na wala muna ngayon.”



NOT CHOOSY. Hindi naman daw choosy si Benjamin pagdating sa mga babae.

Sabi niya, “I’m not choosy. May standards lang siguro tayo.

“Lahat naman tayo ay may certain standards somehow.

“There are dates naman na nagki-click kayo kaagad, ‘di ba? That’s a good sign.

“Pero there are dates na parang okey naman, pero alam mong hindi magwu-work.

“Gano’n lang naman. Pakiramdaman na lang minsan.”

Dagdag pa ni Benjamin, hindi naman siya malungkot na wala siyang girlfriend ngayon.

“Honestly, I’m very okay. I’m not depressed or anything.

“Ayoko namang makipag-date, just for the sake of masabi lang na may ka-date ako.

“If I will start dating, it means that I’m ready to invest my time on that. Invest my time in meeting new people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang gawing reason na bored ako or I have nothing to do kaya nakipag-date ako.

“I don’t want to use that kind of reason.

“I will go on a date kasi gusto ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN