Tom Rodriguez asks his fans to stop bashing other stars

Hindi raw nagpapadala si Tom Rodriguez sa pambubuyo ng fans sa kanila ni Carla Abellana. Sabi ng Kapuso actor, “Ginagawa rin nila yun sa amin ni Dennis [Trillo], e, kaya sanay na ako. Kung kay Dennis nga, hindi ako na-develop! ’Di ba, may mga tao talagang they will wish? So, instead na ma-pressure kami na kailangan maging kami kasi gusto ng tao, mahirap yung ganun. Iniisip ko na lang, it’s a compliment na, at least, nagugustuhan nila ang pairing.”


Dahil sa pagtatambal muli nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay hindi maiwasang i-link sila sa isa’t isa.

Una silang nagkasama sa phenomenal hit primetime series ng GMA Network na My Husband’s Lover at nasundan ito ng pelikula ng Regal Entertainment Inc. na So, It’s You.

Ngayon naman ay magkasama ulit ang dalawang Kapuso stars sa bagong primetime series ng GMA na My Destiny, na magsisimula na sa Lunes, June 30.

Sa grand launch ng My Destiny noong June 24, sa Plaza Ibarra, sa Timog Avenue, Quezon City, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tom kung ano ang reaksiyon niya sa usap-usapang sila na raw ni Carla in real life.

“There’s something going on, and it’s work. We’re always working together!” natawang sabi ng Kapuso heartthrob.

Wala pa silang romantic involvement o papunta na doon?

Tugon ni Tom, “Wala pa dun, e. So, ayokong isipin, ayokong puwersahin.

“It’s not in my intention, it’s not in my mind.

“Right now, I’m just enjoying kung ano ang meron, ‘eto, nag-e-enjoy kami sa trabaho.”

Kumusta ang closeness nila ni Carla ngayon?

“Actually, okay lang, pareho lang,” sagot ni Tom.

Lumalabas na silang magkasama sa labas ng trabaho?

“Actually, hindi, e. We don’t go outside of work.

“Kung ano ang trato ko sa kanya dati, ganoon pa rin.

“Makulit ako, masaya kami, nag-e-enjoy, nagtatawanan.

“Siguro, mas lumalalim na ang friendship na, at least ngayon, we can share personal things with each other.”

Marami sa netizens ang umaasang magkatuluyan sila ni Carla. Wala bang pressure sa kanya?

Ayon kay Tom, “Ginagawa rin nila yun sa amin ni Dennis, e, kaya sanay na ako.

“Kung kay Dennis nga, hindi ako na-develop!

“’Di ba, may mga tao talagang they will wish?

“So, instead na ma-pressure kami na kailangan maging kami kasi gusto ng tao, mahirap yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko na lang, it’s a compliment na, at least, nagugustuhan nila ang pairing.”

May fans sila ni Dennis at may mga fans din sila ni Carla. Pero saan siya mas nag-e-enjoy—sa TomDen o TomCarl tandem?

Sabi ni Tom, “Nae-enjoy ko pareho.

“It makes me explore more, acting-wise, different avenue rin.”



BASHERS. Inusisa rin si Tom tungkol sa pagpapahayag niya ng damdamin kamakailan tungkol sa bashers ng mga artista sa social media.

Paliwanag ng 26-year-old actor, “Dati pa, e, sa My Husband’s Lover pa lang, ayoko kasi na may ganun. Para sa akin, patas-patas kami.

“Lalo na ang mga kaibigan ko. Lahat kami, ginagawa namin ang trabaho namin para makaipon kami, makatulong sa pamilya o anuman.

“Pero parte rin dun, nagagawa namin para sa mga tao na mapasaya namin, sa mga manonood.

“Parte rin ng buhay namin, inaalay namin sa kanila.

“Siyempre, kapag nakakakita ka ng masasakit na salita, masakit yun.

“Kaya ako, yung mga katrabaho ko, naiintindihan ko sila, lalo na ang mga kaibigan ko.

“Kaya kapag may mga supporters ako na nakikita kong nagsasalita na nakakasakit sa mga katrabaho ko, ini-encourage ko na huwag na ganun.

“Kung may ayaw sila, sana huwag na nilang pansinin.”

Saan ba siya nasaktan nang husto?

“Siyempre, kapag may nagsasalita ng hindi maganda kay Dennis, lalo na kay Carla, ‘tapos nakatali sa akin ang pangalan.

“Ang hirap na pangalan mo ang nadadamay para makasabi ng masasakit sa mga kaibigan mo.

“Kasi, ako yung nahihiya sa kanila, kaya sabi ko, sana wala na lang ganun.

“Kaya naman ako, pakiusap lang.

“Kasi kung ano ang ginagawa nila sa sarili nilang account o avenues, karapatan nila yun.”

Nangba-block ba siya ng bashers sa kanyang social media accounts?

Sabi ni Tom, “Yes, ganun na lang. Kung hindi ko kontrolado ang account nila, kontrolado ko yung sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN