Tom Rodriguez speaks up about breakup with singer K-La Rivera: “Walang overlap at walang third party.”

Tom Rodriguez on moving on after breakup with K-La Rivera: “Naging mahirap noong una. Few months, mahirap. I lost a lot of weight. Hindi ako nakakatulog, hindi ako nakakakain. But now, I’m happier. I got the love and support of family, my supporters and my network, GMA, and love and support of God. With all the blessinsg that I am getting, so how can I not be happy?”


Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Tom Rodriguez tungkol sa napabalitang breakup nila ng singer-actress na si K-La Rivera, na ngayon ay kilala na bilang Kaye.

Bagamat tipid pa rin si Tom sa pagsasalita ay nagpaunlak siya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media nang tanungin tungkol sa paghihiwalay nila ni K-La.

Ito rin ang unang pagkakataon na inamin ni Tom na naging sila ni K-La.

Sabi ng Kapuso actor, “When we were together, we didn’t speak about it.

“Out of respect, mas lalo ngayon na we’re not together anymore.

“I’d rather not talk about it out of respect.”

Nakausap ng entertainment press si Tom sa grand launch ng GMA primetime series na My Destiny noong June 24.

THE HARD TIMES. Mas masaya ba siya ngayon?

Sagot ni Tom, “Mas masaya ako.

“Naging mahirap noong una. Few months, mahirap.

“I lost a lot of weight. Hindi ako nakakatulog, hindi ako nakakakain.

“But now, I’m happier.

“I got the love and support of family, my supporters and my network, GMA, and love and support of God.

“With all the blessinsg that I am getting, so how can I not be happy?”

Mas masaya siya ngayong single siya?

“Kasi, I’m really focusing on my family, my work,” paliwanag niya.

Nilinaw namin kay Tom kung ang sinasabi niyang nahirapan siya ay dahil sa breakup nila ni K-La.

“Yes, yun, mga ilang months din yun,” pag-amin niya.

Ano ang nagpagaan sa kanya sa sitwasyong iyon?

“Pamilya ko, pamilya ko talaga.

“Every day, umuuwi ako na mag-isa, malungkot.

“And my family was really my rock.

“Nasa overseas sila, nag-i-Skype sila and my supporters din.”

WHO INITIATED THE BREAKUP? Totoo ba ang balitang siya ang nag-initiate ng breakup nila?

Ayon kay Tom, “Sa lahat ng breakup, kahit may nag-initiate o hindi, it’s a relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A relationship is always two-way and I can honestly say na I did everything I could.”

Pero siya nga ba ang nakipag-break?

“Well, like I’ve said, out of respect na lang, hindi namin pinag-usapan ang relationship namin habang may relasyon kami.

"Ayoko rin sanang pag-usapan lalo na ngayon na wala na kami.

“Kung may magsasalita man, and other party would like to speak up, that’s within their right.

“But for me na lang, I’d like to give my respect na lang.”

Puwede niyang linawin ang isyung nag-overlap daw ang relasyon nila ni K-La at ang balitang relasyon nila ni Carla Abellana?

“No overlap, no third party, I swear to God,” tanggi ni Tom.

Dugtong pa niya, “That’s the one thing I can say with open heart, with honesty, na walang takot, na walang overlap at walang third party.”



DESTINY. Naniniwala ba siya sa destiny na puwede silang magkabalikan ni K-La at sila pa rin sa bandang huli?

Sagot ni Tom, “Sa akin, tadhana na yung ano, e... kasi hindi ka makakapagsalita ng tapos.

“Minsan, pilyo yung buhay. May sarili siyang… mapagbiro.

“Hindi mo masasabing, ‘Ay, hindi ko na siya kakausapin, hindi ko na makikita yun.’

“Kasi, hindi mo alam. Hindi mo alam ang mangyayari.

“Anything and everything can happen.”

Naniniwala ba siya sa destiny?

“I do,” sagot niya. “I really believe in destiny.

“Kasi, lahat ng nangyari, katulad ng sinabi ko kanina, buong buhay ko, akala ko magiging isa akong pintor.

“Never kong na-experience or never kong pinangarap na ako ay magiging isang actor o singer ako.

“So, lahat ng ginagawa ko ngayon sa trabaho ay ipinagpapasalamat ko dahil nag-e-enjoy ako nang sobra-sobra.

“So, ito, isang malaking pruweba na destiny ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN