Thea Tolentino thrilled that Dennis Trillo follows her on Instagram: "Kinilig ako!"

Thea Tolentino also finds Tom Rodriguez "cute" and wants a chance to work with him even as a sister in a project. She reasons, "Kasi nagha-hug naman ang magkapatid, e.”


Malapit nang mag-eighteen ang Kapuso young actress na si Thea Tolentino.

Aniya, wala raw nanliligaw sa kanya, na parang imposible yata dahil maganda naman siya.

"Posible po yun! Wala po talaga!" natatawang giit ni Thea.

Bakit wala?

“Hindi ko po alam.”

Mahigpit ba ang parents niya?

“Hindi naman po.”

Depende raw kung kasundo at kilala ng mga magulang niya ang manliligaw sa kanya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea noong Martes, June 24, sa presscon ng new breed of Kapuso female contravidas.



CRUSHES. May anak na ang crush niyang si Richard Gutierrez.

“Cute naman yung anak nila ni Sarah Lahbati,” bulalas ni Thea.

Baka mawalan na siya ng chance na maging leading man si Richard?

“Okay lang. Bakit si Lauren naging leading man si Richard?”

Sina Richard at Lauren Young ang magkapareha sa GMA Films offering na Overtime.

Hindi na niya crush si Dennis Trillo?

“Kay Barbie [Forteza] na siya!

"Pero kinilig ako nung nalaman kong pina-follow ako ni Dennis sa Instagram,” sambit ni Thea.

Gusto rin daw niyang maging leading man balang-araw si Tom Rodriguez.

“Cute siya, e! Kahit hindi leading man, kahit kapatid ko siya, okay lang sa akin."

Biro pa niya, "Kasi nagha-hug naman ang magkapatid, e."



DEBUT Sa August 13 ang 18th birthday ni Thea at nakaplano na raw ang kanyang debut party, na gaganapin sa isang resort sa hometown niya sa Calamba, Laguna.

Mas marami raw kasi siyang mga kamag-anak doon.

At kahit uso sa ibang nagde-debut ang humihiling na lang ng kotse o mamahaling gadgets o trip abroad, kapalit ng party, si Thea ay mas gusto ang tradisyonal na debut party.

Paliwanag niya, “Kasi kung gusto ko man ng phone, iyon na lang yung gift sa akin ng nanay ko.

"’Tapos ang gift na lang sa akin ng iba, kahit wala man silang gift, inaabangan ko talaga yung magiging message nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pansarili, gusto ko ng iPhone!” at muling tumawa si Thea.

EIGHTEEN ROSES. Kasama raw sa 18 Roses ni Thea ang mga kasamahan niya noon sa youth-oriented show na Teen Gen—sina Juancho Triviño, Jeric Gonzales, Mikoy Morales, Abel Estanislao, at Seth Isay.

Hindi ba kasali si Dennis sa 18 Roses niya? Iimbitahan ba niya ang aktor?

“Hindi naman kami nagkakausap nun, e. Nkakagulat naman kung bigla kong ano.”

Si Tom?

“Gusto ko kung puwede.”

Si Richard?

"Kung puwede.”

Imbitado rin daw siyempre sina Derrick Monasterio at Andre Paras at lahat ng kasama niya sa The Half Sisters at sa Pyra.

Ang escort daw niya sa kanyang debut ay ang kanyang ama.

“Siya yung last dance ko dun sa 18 Roses.

"First dance ko po yung kapatid ng nanay ko, yung tito ko na three years lang ang tanda sa akin.”

Choice niya iyon?

“Opo, kasi minsan lang yung makasayaw mo yung tatay mo, ’tapos special day pa.

"Siyempre, makakasayaw mo sa ibang occasions, pero special ’pag birthday mo, ’tapos debut."

Ang gowns daw niya ay regalo sa kanya ni Herbert Chavez, ang tinaguriang Pinoy Superman na ilang beses ng nagpaayos ng mukha para maging kamukha ng nabanggit na superhero.

“Family friend namin siya, siya yung gagawa ng dalawang gowns,” sabi ni Thea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN