Carla Abellana has no problem with Kylie Padilla: "Babatiin ko siya... Wala naman siyang kinalaman sa pinagdaanan ko."

Carla Abellana says religion was not the deciding factor of her split from Geoff Eigenmann. She says, "We practice different faith, but that’s not naman the main reason. Ang religion, nagagawan naman ng paraan ’yan. At the end of the day, pare-pareho lang tayo ng pinaniniwalaan. It’s one of the reasons, pero I wouldn’t say na hindi naman siya deciding factor."


Umaasa si Carla Abellana na magiging maayos uli ang pakikitungo nila sa isa’t isa ng kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Sabi ng Kapuso actress, “Oo naman, hangga’t may paraan para maging civil, maging maayos… oo naman.”

Yung maging magkaibigan?

“Of course, of course... If I can be friends with the rest of his family, why not naman sa kanya, ’di ba?”

Papunta na ba sila doon sa pagiging magkaibigan?

Sagot ni Carla, “Siguro konting time pa para mag-heal.

"’Tapos, eventually, mag-usap uli para maging maayos. Maging civil kami.”

Ibig sabihin, hindi pa sila nakakapag-usap pagkatapos ng kanilang breakup?

"Hindi pa talaga," pag-amin ni Carla.

"Kasi ako, I’ve been very busy with work. Siya naman, he’s been very quiet lang.

"Meron naman siyang work recently, pero wala pang chance na magkita kami or mag-usap talaga."

Kahit magkumustahan lang sa text?

“Wala, walang nagti-text sa amin sa isa’t isa.”

Mahirap ba sa puntong ito na magkausap silang muli?

Sabi ng aktres, “Hindi naman mahirap, kasi kung wala namang unfinished business, hindi mahirap.

"Kung meron, yun, mahirap yun. Maayos naman kaming nag-part ways.

"Kasi kung maraming hindi pa tapos, hindi puwedeng iwan yun.

"Ang hirap ng aalis ka, ’tapos babalikan mo.

“Dapat kung aalis ka man, naayos mo nang lahat, naplantsa mo nang lahat.

"Mahirap yung unfinished business.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa press launch ng GMA primetime sries na My Destiny noong June 24, Martes, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.

SEPARATION FACTORS. Sa hiwalay na panayam ng PEP sa ina ni Geoff na si Gina Alajar, sinabi nitong ang pagkakaiba ng relihiyon ng kanyang anak at ni Carla ang isang malaking dahilan ng breakup ng dalawa.

Si Carla ay Katoliko, habang si Geoff naman ay Born-Again Christian.

Read: Gina Alajar cites religion as one major reason for Geoff Eigenmann-Carla Abellana breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Relihiyon nga ba ang isang dahilan ng breakup nila?

Matamang nag-isip muna si Carla bago nagsalita.

Pahayag niya, “I wouldn’t say it’s religion... it’s one of the factors.

"Totoo naman. Christian siya, ako Roman Catholic.

"We practice different faith, but that’s not naman the main reason.

“Ang religion, nagagawan naman ng paraan ’yan.

"At the end of the day, pare-pareho lang tayo ng pinaniniwalaan.

“It’s one of the reasons, pero I wouldn’t say na hindi naman siya deciding factor.”

May lumabas ding balita na ang kawalan diumano ni Geoff ng plano para sa kanilang dalawa ang isa sa mga dahilan ng kanilang breakup.

Sabi ni Carla tungkol dito, “Puwede... puwede, isa rin yun sa mga reason.”

KYLIE PADILLA. Samantala, ayaw na raw sumawsaw ni Carla sa isyu kina Kylie Padilla, Aljur Abrenica, Louise delos Reyes, at Enzo Pineda.

Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sina Geoff at Aljur, dahil diumano sa pagpapadala ng text messages ni Geoff kay Kylie, na girlfriend pa ni Aljur noon.

Si Aljur naman ay na-link sa kanyang co-star sa Kambal Sirena na si Louise, na noon ay karelasyon pa si Enzo.

Halos magkakasunod ang balitang nag-break na sina Carla at Geoff, sina Kylie at Aljur, at sina Louise at Enzo.

Ayon kay Carla, wala pang pagkakataong magkita at magkausap uli sila ni Kylie kahit pareho silang mainstays ng musical-variety show na Sunday All Stars.

“Uy, puwede naman... I haven’t really seen her.

"Pareho kaming MSC endorser, my gosh!

"Pero hindi pa kami nagkakasabay ng shoot, kasi the last time na nag-shoot kami ng MSC, out of the country pa siya."

Diin ni Carla, “Pero okay... Kylie and I are okey.

"Hindi pa kami nagkikita talaga recently, hindi pa kami nagkakasalubong.

“Kung anuman, oo naman, babatiin ko siya.”

Ayaw na rin daw niyang makialam sa nangyari kina Kylie at Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I honestly don’t know kung ano ang nangyari sa kanya, kung ano ang pinagdaanan nila, kung ano ang story niya, her side of that.

“Pero babatiin ko siya. Oo naman.

"Wala naman siyang kinalaman sa pinagdaanan ko."



PATIENT ABOUT WORK. Mukhang masaya at parang hindi nagdaanan sa heartbreak si Carla.

Palagay ba niya, kung hindi dumating ang sunud-sunod na suwerte sa career niya ay mas naging matindi pa ang epekto sa kanya ng paghihiwalay nila ni Geoff?

Tugon ng Kapuso actress, “Hindi naman.

"I wouldn’t be depressed, in a way, kasi may faith rin ako kay Lord.

"Bibigyan Niya ako ng work, number one.

"Bibigyan Niya ako ng work na deserving ko.

“Minsan, sa show business, patience lang ’yan kung kailan ka magkakaroon ng project.

"Kasi mahirap naman talaga sa dami ng artista.

"Mahirap ang trabaho ng network na bibigyan ka ng magandang project.

“Hindi naman ako madi-depress, I will be very patient.

"Kaya ko namang maghintay sa magandang project kaysa yung basta-basta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN