Thea Tolentino to learn how to slap harder for co-star

“Pag-aaralan ko pang bigatan talaga," says Thea Tolentino after relating how her The Half Sister co-star Barbie Forteza told her: "...magaan yung kamay ko."


Isa si Thea Tolentino sa itinanghal ng GMA Artist Center na "new breed of contravidas" at hindi raw niya ito ikinagulat.

Parang ikinatutuwa pa niya ang bagong development na ito sa kanyang career gayong ang pagpasok niya sa showbiz ay bilang leading lady.

Saad niya, “Hindi naman po ako nagulat, kasi ’ayun, kontrabida ako sa The Half Sisters.

"And okey lang sa akin na ma-line-up sa pagiging kontrabida kasi feeling ko mas marami akong matututunan.”

At bilang kontrabida nga ay kasama siya sa pina-interview noong Martes, June 24, sa Max’s Restaurant para sa presscon ng mga new breed of female contravidas ng GMA Artist Center.

Kinabibilangan ito nina Vaness del Moral, Chynna Ortaleza, LJ Reyes, Rich Asuncion, Joanna Marie Tan, Charee Pineda, at ni Thea nga.

Kahit na pareho sila ni Barbie Forteza na lead stars sa The Half Sisters si Thea naman ang gaganap bilang bida-kontrabida sa naturang drama series.

“Iyon po yung challenge dun, and puro mababait yung roles ko dati ’tapos ngayon kontrabida," ani Thea tungkol sa kanyang role.

"Madami po akong matututunan kasi napapagsabay ko yung ano... Before mag-start, nag-workshop ako, ’tapos ang dami kong natutunan this year.

"And ginagamit ko siya para mas maging maganda yung kalalabasan ng scenes namin sa pagkokontrabida ko.”

Naging bida na si Thea sa Pyra, Ang Babaeng Apoy at nagkontrabida naman sa Annakarenina, at ngayon nga’y sa The Half Sisters.

Alin ang mas gusto niya, yung siya ang inaapi o siya ang mataray?

“Ah, mas gusto ko naman maging mataray kasi mas malalaro ko.

"’Tsaka sa totoong buhay e ang bait-bait [ko], ganun. Maiba naman,” natatawang sabi ni Thea.

DERBIE FANS. Sa The Half Sisters ay hindi pa alam ni Thea kung sino ang makakatuluyan niya sa ending—kung si Derrick Monasterio o si Andre Paras.

Pero dahil matatag na ang lovetam nina Barbie at Derrick ay malamang si Andre ang mapunta kay Thea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa po alam pero kasi ako parang nang-aagaw lang ako, parang inaagaw ko lang si Andre.

"Si Andre at Derrick may gusto sila kay Barbie.”

Pero tiyak na sa huli ay isa sa dalawang male stars ang mapupunta kay Barbie kaya malamang na ang isa ay kay Thea.

Kahit sino raw ang ibigay sa kanyang leading man ay okey lang kay Thea, “Pero siyempre naisip ko yung DerBie [Derrick at Barbie].

"So parang yung mga fans, ‘Ay! Derbie’”

Gusto niya rin ba na si Andre ang mapunta sa kanya?

“Okey lang din po, si Ashley [Thea’s character in The Half Sister] gusto naman niya talaga si Andre—si Bradley.”



BEST EFFORT. Pangalawang beses nang nakatrabaho ni Thea si Barbie, una ay sa Annakarenina. Wala ba silang sapawan o talbugan sa mga eksena?

“Nung umpisa kinakabahan ako, kasi siyempre si Barbie ilang years na [sa showbiz]. Marami na siyang na-experience, nagkaroon na siya ng movies and magaling umarte si Barbie.

“So nung eksena namin, siyempre si Barbie hindi naman siya nangsasapaw, ginagawa lang niya talaga yung best niya.

"So kailangan ko ding tapatan yung best niya para maging maganda ang eksena.”

Nagkaroon na sila ng eksena ng sabunutan pero hindi naman raw sila nagkasakitan nang totohanan.

“Hindi naman po. Sabi ni Barbie kasi magaan yung kamay ko,” at natawa si Thea.

“Pag-aaralan ko pang bigatan talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN