PEP EXCLUSIVE. Winwyn Marquez confirms separation of Mark Anthony Fernandez and wife Melissa

Winwyn Marquez says she keeps in touch with the estranged wife of her half-brother Mark Anthony Fernandez and as far as she knows, they’re all doing well: "Okey si Ate Mel, okey si Cameron yung anak nila. Saka okey rin si Kuya Mark."


Sa States daw muna magpapahinga si Winwyn Marquez ngayong tapos na ang taping niya sa nagwakas nang serye, ang Kambal Sirena sa GMA-7.

Aalis daw siya bandang August ngayong taon at makakasama raw niya ang kanyang buong pamilya sa loob ng tatlong linggong pagliliwaliw sa U.S.

Kabilang daw sa kanyang itinerary ang pagbisita sa mga nakatatandang kapatid sa ama na sina Jayvee at Jessem.

Ang dalawang ito ay anak ng ama ni Winwyn na si Joey Marquez sa nauna nitong non-showbiz partner na matagal na ring naninirahan sa abroad.

Kahit daw malayo ang kanyang half-siblings ay napanatili nila ang pagiging malapit sa isa’t isa, gaya ng iba pa niyang mga kapatid sa ama at sa inang si Alma Moreno.

Saad pa ni Winwyn sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nong Linggo, June 22, sa Sunday All Stars GMA-7 studio, “Sabay kasi kaming lumaki sa isang bahay... Weird, ’no?”



UNDER ONE ROOF. Paliwanag ni Winwyn sa situwasyon nilang magkakapatid, “Kasi yung dad ko, yung mga anak niya na nasa kanya before, nasa Tahanan [Village, Parañaque] kami noon.

“Sina Zia, yung mga anak ni Tita Brenda [Del Rio, dating kasintahan ni Joey], na kay Tita Brenda sila.

“Si Ate Jessem, si Ate Jayvee, si Jeremy, Vandolph, and Mark Anthony [Fernandez], magkakasama kami sa iisang bahay.”

Anak ng ina niyang si Alma si Vandolph sa namayapang Hari ng Comedy na si Dolphy, habang anak Mark Anthony ay kay Rudy Fernandez naman na namayapa na rin.

Patuloy pa ni Winwyn, bago pa nagkaroon ng romantic involvement ang ama niya sa dating aktres na si Brenda Del Rio, ang ina nina Jessem at Jayvee ang unang naging kasintahan ng ama niya.

“Si Ate Jessem ang pinakamatanda sa aming lahat, she’s 30 years old na.”

TIGHT KNIT. Paglilinaw pa ni Winwyn sa pagsasama nilang magkakapatid sa ama at ina noon, “Sa Tahanan, magkakasama kami doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So sabay-sabay kaming lumaki lahat, kasama ni Mama [Alma].

“Sobrang masaya kami kasi si Daddy ayaw niyang nag-aaway.

"Magkakilala kami, nagtutulungan kami.

“’Pag may umaaway sa amin, inaaway nila… family talaga. Para talagang magkakapatid kaming buo. Ganoon ka-close.”

Ibig sabihin maganda talaga ang bonding nila?

“Ay, opo, dahil yun kay Mama at kay Papa.”

Ngayong hindi na magkasama ang mama at papa nila sa isang bahay, naaapektuhan pa rin ba silang magkakapatid?

“No, kasi kung ano yung problema nina mommy at daddy, kaming magkakapatid, buo pa rin kami, walang nabago.”

MISSING MARK. Matagal na raw hindi nakikita ni Winwyn ang kapatid niya sa ina na si Mark Anthony.

May ilang buwan nang laman ang Kapuso actor ng ilang showbiz gossip columns dahil sa diumano’y marital problem nito.

Sa pagkakaalam ni Winwyn, nakatira raw ito sa Greenhills.

Saad pa niya tungkol sa kanyang kuya, “Busy siya alam ko, may business siya, real state.

"Tumatawag lang siya, nangangamusta. ’Hi,’ ’Hello’ through my mom.”

Sa kabila ng bihira nilang pagkikita ni Mark Anthony, close pa rin daw sila nito.

“Close kami pero medyo nagkaroon lang ng gap kasi hindi na talaga kami nagkikita unlike kay Kuya Vandolph. We live in the same place kasi Parañaque rin kasi siya, e.”

SEPARATED. Aware ba si Winwyn sa pinagdadaanan ni Mark Anthony?

“Alam ko naghiwalay na sila ni Ate Mel. Actually, nalaman ko lang siya dahil sa isang reporter din.

“And okey naman kasi si Ate Mel, pareho kami ng village.

"May bago silang baby, so binisita ko rin, si Rudolf.”

Si Mel ay si Melissa Garcia, ang non-showbiz wife ni Mark Anthony na pinakasalan niya nong 2006.

Hindi pa ba niya nakakausap si Mark tungkol dito?

“No, I want to, pero space na lang siguro.”

Sinubukan ba niyang mag-reach out o damayan ang Kuya Mark niya para alamin ang situwasyon nito ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinausap ko si Ate Mel siyempre, okey naman raw sila, civil naman raw sila.

“And ayoko nang mag-dig pa kasi problema na nila yun.

"Baka mamaya sabihin nangingialam ako. Basta alam ko, okey sila.

"Okey si Ate Mel, okey si Cameron, yung anak nila. Saka okey rin si Kuya Mark.”

ACCEPTANCE. Sa kuwento ni Winwyn mukhang close sila ni Mel at mga anak niya.

“Super, isang village lang kami, so pinupuntahan ko siya, nakikita ko yung baby.

"Pogi nung baby, kamukha ni Kuya Mark.

“Usap lang kami, ganyan, hindi na namin pinag-uusapan yung sila ni Kuya Mark.”

Tanggap naman daw niya ang paghihiwalay nina Mark Anthony at Mel pero, "Sad lang, medyo matagal rin yung pinagsamahan nila."

Saad pa niya, "Siyempre, kasal sila, sayang lang yung pinagsamahan pero kung doon sila masaya...”

LEARNING FROM ELDERS. Nagkahiwalay man ang mommy at daddy niya, si Kuya Mark Anthony niya at si Mel, pati na ang Kuya Jeremy niya sa partner nito, maganda pa rin ang pananaw ni Winwyn tungkol sa pakikipagrelasyon.

Aniya, “Well, I’m learning from their mistakes, ’di ba?

"Natututo rin ako sa kanila, tignan natin.

"Hindi naman natin malalaman ’yan hangga’t wala ako doon sa situwasyon.

“Pero as much as possible ayoko,” na ang tinutukoy niya ay ang makipaghiwalay sa kung sinuman ang makakatuluyan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN