Joseph Marco admits past feelings for Empress Schuck; insists he never courted her

Joseph Marco explains his past feelings for Empress Schuck: “More of like ano... dati nagustuhan ko talaga siya. Hindi ako nanligaw, never akong nanligaw. I think hindi ko naman kailangang sabihin, nalaman naman niya.”


Sa kabila ng parehong pagtanggi nina Joseph Marco at Empress Schuck sa bali-balitang espesyal na relasyong namagitan sa kanila, marami pa rin ang naniniwala na ayaw lang aminin ng dalawa ang katotohanan.

Dahil naging magkapareha sila sa ilang serye ng Kapamilya network, may mga nagsasabi na dito nagsimula ang closeness nila na nauwi sa isang relasyon, pero nauwi rin daw sa panlalamig nang hindi na sila magkasama sa mga sumunod na ginawa nilang mga proyekto.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph nung nakaraang Huwebes, June 26 sa presscon ng seryeng Pure Love, idiniin nito na hindi niya talaga naging girlfriend si Empress pero hindi naman niya itinanggi na nagkagusto talaga siya sa young actress.

Ayon kay Joseph, “Wala talaga, kung magka-girlfriend man ako aaminin ko.

“Kasi I’ve been single for like, I think three to four years na. So ’pag nagkaroon ako ng girlfriend, gusto ko ilabas ko naman not because of my job dahil puwede namang maging discreet, ’di ba?

“But then again I just really wanna focus on my career pero siyempre minsan nami-miss ko, I wanna have a girlfriend.

“Gusto ko may nakakasama ’pag lumalabas. But siguro mas malaki yung feeling ko na gusto kong mag-focus muna talaga sa work ko.”

“May mga tsismis nga na lumalabas kasi naging close talaga kami [ni Empress]. Even sa Star Magic Ball kahit tapos na, sobra niya akong naging partner dun.

“More of like ano... dati nagustuhan ko talaga siya. Hindi ako nanligaw, never akong nanligaw.

“I think hindi ko naman kailangang sabihin. Nalaman naman niya.

“Parang naramdaman niya but then again, siguro ang lakas ng feeling na priority talaga namin ay yung mga career namin.

“Siguro I like her pero parang ganun lang.”

NOT AS CLOSE AS BEFORE. Bukas pa rin naman ang komunikasyon nila ni Empress pero hindi rin itinago ni Joseph Marco na nabawasan talaga ang closeness nila ng dating kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Kumustahan na lang like I always do sa mga nakatrabaho ko.

“Siguro nabawasan na rin kasi ’di ko na siya ka-work, unlike before na lagi ko siyang nakikita ngayon. Ngayon, we’re really good friends.”

Sa isang interview dati kay Empress ay nabanggit nito na nag-iisip siya kung lilipat siya ng ibang network dahil sa pagkakaalam niya ay walang nakalinyang trabaho na gagawin siya sa ABS-CBN.

Agad naming tinanong si Joseph kung nabanggit ba ito sa kanya ng aktres?

“Wala, wala naman kaming napag-usapan na ganun.

“I guess we’re not that close para ikuwento niya sa akin ang mga bagay na ‘yan, wala akong idea to ask her about it.

“’Di kami ganung ka-close in the sense na yung personal stuff niya kailangan niyang i-share sa akin.

“Oo, may ilan din naman siyang na-share pero ’di naman siya nagkaka-problem lately. She’s a very happy person saka blessed naman siya,” pagmamalaki niya kay Empress.

FAVORITISM ISSUE. Isa sa isyu na ipinupukol kay Joseph ay ang diumano’y pagkaaroon nito ng "kapit" na isang top executive ng Kapamilya network kung kaya’t di raw ito nawawalan ng trabaho.

Para sa aktor ay ipinagkikibit-balikat na lamang niya ito at ’di pinapansin lalo’t alam naman niya na wala itong katotohanan.

Paliwanag niya, “Nabasa ko ‘yan. Actually, paano ko ba sasabihin ito?

“Kasi after nung Sabel, natengga ako for like one year yata.

“Ang ginagawa ko lang ay guesting-guesting. After doing some guestings in MMK [Maalaala Mo Kaya], siguro nag-improve ako in a way kaya naman nung nabigyan ako ng break, sa Wag Ka Lang Mawawala.

“Ipinakita ko talaga, ’tapos nagkaroon ako ng Honesto and this time itong Pure Love.

“Siguro nagkataon lang na nalibre ako sa unit ni Sir Deo [Endrinal, ABS-CBN business unit head at Dreamscape Productions boss] ’tapos sa unit ni Ms. Ginny [Ocampo, Pure Love business unit head] naghahanap sila ng leading man, ako yung na-eye nila kaya naman I’m very thankful and grateful.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, I’m not offended. Kahit saan naman, hindi lang sa showbiz, pero sa lahat ng business or whatever, parang there’s gonna be ganung isyu, may ganung pag-uusapan.

“You know it’s normal kaya ako naman tinawanan ko na lang siya. When you know to yourself na wala naman talaga, tatawanan mo na lang.

“It’s not worth your time na, ’Okey dapat labanan ko ’to, dapat ganyan...’ or you’re starting to prove or whatever.”

“For me, okay lang kahit ano sabihin nila, kahit maya-maya, araw-araw may magsabi sa akin.

“It’s fine with me, I wouldn’t care at all. Kung happy sila sa ginagawa nila, then I’ll be happy with them na, ’Oy, happy ka diyan, I’m happy for you,’ but then again it’s not true.”

Siniguro naman sa amin ng young actor na hindi niya gagawin ang ganitong bagay lalo’t alam niya kung gaanong pagsisikap ang ginagawa niya para higit na mapagbuti ang mga trabahong ibinibigay at ipinagkakatiwala sa kanya.

Patuloy pa niya, “Number one, I have self-respect, sobrang nirerespeto ko ang sarili ko at ’pag ginawa ko yun....

"What’s the point of working hard? Kung ganun lang naman, ’wag ka nang magseryoso sa work, umasa ka na lang sa ganun.

“Okey, ’di ako magseseryoso, magpapaka-late na lang ako, mawawalan ng essence yung working hard, mawawalan siya ng thrill, for free na lang lahat, ’di ba?”

Ang pagkakasunud-sunod ng projects ang nakikitang rason ni Joseph kung bakit lumabas ang intriga na ito sa kanya.

Pag-aanalisa niya, “Siguro nga kasi nagkasunud-sunod ang projects ko, so pagkatapos ng Wag Ka Lang Mawawala, Honesto, may project uli ako, baka dahil dun.

“Usually kasi ganun, kasi ang nagiging issue sa isang artista na ’di nawawalan ng projects.”

PRESSURED WITH NEW ROLE. Kasama sa seryeng Pure Love na mapapanood na sa darating na Hulyo at papalit sa dating time slot ng Mirabella, masayang-masaya si Joseph na makasali sa nasabing serye kung saan ginagampanan niya ang karakter na nagngangalang Dave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapasalamat niya, “Of course, I’m so happy and grateful na nakasama ako sa cast na ito.

“Una pa lang naririnig ko na ito kay Arjo [Atayde] because Arjo is my best friend. Nag-Tokyo kami, sinasabi niya sa akin he’s gonna do Pure Love teleserye, everyone is talking about it, sikat na sikat siya."

Ang Pinoy remake ng Pure Love ay hango sa isang Koreanovela na naging matagumpay hindi lang sa Korea kundi maging sa Pilipinas.

“Isa ako sa huling na-cast, sabi nila I am going to be a part of it, na-excite ako and sobrang thankful na naging part ako at binigay nila sa akin yung very fragile na role as Dave.

“Ako dito si Dave, ako yung high school friend dito ni Diane [Alex Gonzaga], the way I treat her para kaming aso’t pusa...

“’Tapos along the way, isa ako sa tutulong sa kanya sa journey niya na kumuha, sa loob ng 40 days, ng luha ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Hindi tinago ni Joseph na may pressure sa buong grupo at maging sa kanya pero malaking tulong ang mga taong tumutulong sa kanila.

Pag-amin niya, “Very much pressured pero ’di ako sumusuko. I’m putting my best in everything especially tinutulungan kami ni Tito Nonie Buencamino kasi siya yung nagku-coach sa amin.

“And even Direk is so passionate with everything kaya naman alagang-alaga ang mga eksena namin, so I’m really lucky na may mga tao na involved sa team na ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN