Priscilla Meirelles admits stronger relationship with husband John Estrada despite cultural differences: “Especially, Brazilian ako and siya Pilipino, so kailangan talaga mag-adjust.”

Priscilla Meirelles on how she strengthens relationship with husband John Estrada: “’Pag may magandang babaeng passing by, he’ll really look. So, ang gagawin ko, ‘Ay, ganda talaga niya, ’no, babe? O, looking lang, no touching.’ You know, you need to play along kasi ganun siya, e. Pero siyempre kung touching na, iba na yung reaksyon ko.”


Excited na si Priscilla Meirelles dahil ngayong gabi na, Hunyo 28, ipapalabas sa TV5 ang grand finals ng sinalihan niyang Celebrity Dance Battle.

Kalaban niya sa final showdown ng naturang dance show ang showbiz personalities na sina Ciara Sotto, Iwa Moto, Rafa Siguion-Reyna, at ang basketball player na si Gary David.

Sabi nga ni Priscilla, “Binigay ko yung todo-todo para sa sayaw, para sa show, and pray lang kay Lord.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Priscilla sa presscon ng Celebrity Dance Battle noong Hunyo 24 sa Tao Yuan restaurant sa Resorts World Manila.

Malaking honor nga sa dating beauty queen na napabilang siya sa limang grand finalists dahil hindi naman daw talaga siya experienced dancer.

Pag-amin niya, “Hindi po [talaga ako dancer]…

“Kasi ’di ba, kung makikita ng lahat ng tao isang Latina, yung pinaka-impression na pumapasok sa isip ay sigurado magaling sumayaw, ’di ba?

“Pero sa totoo lang Brazilian ako, kaya ko nang konti na sumayaw, especially during our festivities katulad ng Carnival, ganun. Pero hindi ako dancer—pretending to be, trying hard.

“Actually, underdog ako lagi. Akala ko noong una wala na ako, pero nandoon pa rin ako.

“Sabi ko, ’Thank you, Lord!’

“’Tapos nung pangalawa, akala ko wala na rin ako, pero nandiyan pa rin ako.

“Sabi ko ulit, ’Thank you, Lord!’ Hanggang sa makaabot nga ako ng grand finals.

“So sabi ko, ’Okay, I guess I have to do something about it...’ kasi surviving ako.

“Sa totoo, wala akong expectations. Basta ako ibibigay ko ang best ko talaga, nag-practice talaga ako. I’m just enjoying.”

SUPPORTIVE HUSBAND. Natutuwa rin si Priscilla na todo ang suporta ng kanyang asawang aktor na si John Estrada sa pagsali niya sa Celebrity Dance Battle.

Dagdag pa niya, “Siyempre sobrang proud siya.

“Sabi niya kanina, ’Kiss mo ako. Huwag kang umalis na hindi mo ko na-kiss, ha? Goodluck baby. I’m so proud of you. Huwag kang mag-alala, whatever happens I’m proud of you.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit busy sa preparations at practice para sa grand finals, sinigurado naman daw ni Priscilla na hindi niya napapabayaan ang kanyang asawa at ang baby nilang si Sammanta Anechka.

Patuloy pa niya, “Of course, you know, I’m a mother na, wife, so meron akong ibang priorities.

“Pero during my free time I made sure that I’m practicing, I was learning yung mga dance steps and moves na hindi ko talaga alam.

“So, I really give my heart and my all. I’m just very happy na very supportive ang asawa ko.”

MOTHERHOOD. Kumusta naman ang pagiging ina niya?

“Ay, ang sarap, sobra! Pagod paminsan pero sobrang sarap talaga yung feeling na meron kang isang baby.

“Two years old po siya. So, sobra akong masaya and blessed sa baby ko,” pagmamalaki niya.

May balak na ba sila ni John na sundan si Anechka?

“Hindi pa po ngayon. Siguro sa future.

“Pero ngayon kasi meron ako ibang plano na gusto kong i-achieve for my career. Maybe after that, you know, in God’s time.

“Kasi now meron akong magaling na manager, so puwede siguro mag-umpisa ulit ng career in acting and hosting.

“So, sana I can achieve that within one year or two. So, siguro after that I can have another baby,” saad niya.

STRONGER RELATIONSHIP. Samantala, taliwas sa mga tsismis na diumano’y maghihiwalay na sila ni John, ipinagmalaki ni Priscilla na maayos ang pagsasama nila at mas nagiging matatag pa.

Ayon kay Priscilla, “Okey siya, of course, we’ve been married for three years and there are a lot of adjustments during those three years.

“Especially, Brazilian ako and siya Pilipino, so kailangan talaga mag-adjust. Kasi meron talagang cultural differences.

“Pero ’ayun, we’re making the necessary adjustments, so okey ang marriage namin and our relationship is going stronger pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga naghinala kasi dati na hindi sila okey ni John dahil sa tila malulungkot na posts niya sa Facebook at Instagram.

Paliwanag ni Priscilla, “Well, all marriages have problems.

“Of course, yung mga Instagram at Facebook posts ko minsan nilalabas ko lang yung pakiramdam ko.

“Siguro na-misunderstood lang ng iba yung posts ko. It’s not naman na maghihiwalay kami.

“Of course, sa relationship you’re discovering each other, ’di ba? Pero when you’re married to the person, you have to compromise, you try to work things out for the best.

“And yun ang ginagawa namin ni John.”

Ano ang ginagawa niya ’pag nali-link si John sa ibang babae?

Biro niya, “Well, meron akong isang gun, joke! Kung may malaman kayo, please sabihin n’yo sa akin.”

“Actually, malambing yung asawa ko talaga at saka friendly. Well, kasi lumaki siya sa showbiz, ’di ba?

“’Tapos lalaking-lalaki siya. And then ’pag may magandang babaeng passing by, he’ll really look.

“So, ang gagawin ko, ‘Ay, ganda talaga niya, ’no, babe? O, looking lang, no touching.’

“You know, you need to play along kasi ganun siya, e. Pero siyempre kung touching na, iba na yung reaksyon ko.

“Pero kung looking lang hindi ako nagseselos.

“Minsan lang sasabihin ko, ‘Hoy, hoy, enough na masyado na matagal yung tingin. Baka akala niya gusto mo siya. Baka isipin niya mas maganda siya sa akin.’”

Ano ang natutunan niya sa relationship nila ni John?

Lahad niya, “Siguro bilang isang babae, be patient. Patience and understanding kailangan talaga dahil galing siya sa showbiz.

“Most of the time I really tried to understand as much as I can, sometimes it’s hard but I’m trying my best, hanggang kaya ko gawin. Pero kung hindi ko na kaya, sasabihin ko sa kanya, yun lang.”

NO PROBLEM WITH JANICE. Wala rin daw problema si Priscilla sa unang asawa ni John na si Janice de Belen. Maganda rin daw ang relasyon niya sa mga anak ni John kay Janice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag pa niya, “Wala akong problema kay Janice. Actually, yung kids ni John they’re very well educated, they’re nice kids."

“They are so blessed with the kids. You know, I have a good relationship with the kids, they’re so kind and so nice to everyone. So, hindi kami nagkakaroon ng problema.

“Of course, si Janice ay isang ex ni John, ’di ba? Pero whatever problems they had, out ako.

“Wala ako diyan kasi nung pumasok ako sa buhay ni John, matagal nang wala si Janice, more than ten years.

“Pero I respect Janice kasi may anak si John sa kanya and makikita naman na maganda naging pagpapalaki niya sa mga anak nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN