Winwyn Marquez says no to cosmetic surgery: "Confident na ako kung ano meron ako."

“I have nothing against cosmetic surgery, pero if you feel confident, kunwari gusto mong magpalagay ng boobs. Kung confident ka doon, okey lang, keribels [walang pakialam] sa ibang tao. Wala na silang pakialam doon. Go lang. Pero ako, personally ayoko," pahayag ni Winwyn Marquez nang tanungin kung gusto rin ba niyang sumailalim ng cosmetics surgery.


Patungong U.S. si Winwyn Marquez ngayong tapos na ang taping niya sa Kambal Sirena ng GMA-7. Pero pagbalik daw niya ay mayroon na raw siyang naiisip na pagkakaabalahan.

“Actually, ang gusto kong gawin, pinaplano ko nang kunin yung masters ko," saad ng Kapuso character actress-dancer.

Tapos ng Marketing Management si Winwyn at nais niyang mag-masters sa La Salle Dasmariñas Cavite ng Education Management in Teaching.

Aniya, "Kukunin ko na dapat yun sa November, second semester. Papasok ako since wala pang gaanong ganap [TV project]."

Tungkol naman sa pagpasok niya sa beauty pageant, “Hindi ko alam kung ano ang plano nina Tita Geleen [Eugenio, manager niya] at si Tito Jonas [Gaffud of Mercator Models and Talents Management] kung matutuloy ba ako o hindi.

“So, let’s see kung ano ang plano nina Tita Geleen at Tito Jonas.

"Definitely, wala munang acting assignment for now.”

BEAUTY CONTEST. Handa naman na raw si Winwyn kung sakaling ngayong taon na siyang i-groom at i-train ng Mercator para sa paglahok niya sa mga beauty pageants.

“Very vocal naman ako sa pagsasabing gusto ko talagang sumali.

"Pero ayokong i-pressure ang sarili ko at yung mga taong nag-i-expect kasi hindi ko talaga alam kung kelan at kung mangyayari.”

Ayon kay Winwyn sa Marso hanggang Abril sa susunod na taon ang pageant season dito sa Pilipinas.

Napi-pressure ba dahil sa dami ng mga naghihintay ng pagsali niya sa beauty pageants?

“Medyo, kasi alam mo yung the fact na lahat tinatanong ako.

"Kasi nung sinabi kong gusto kong sumali, yun na lang ang tinatanong sa akin.

“Siyempre, iisipin mo paano kung sumali ako? Paano kung... my God, Lord!

“Medyo nakakatakot kasi yung dad ko ayaw rin akong pasalihin, may mga gano’ng factor," nasabi pa ng 22-year-old Kapuso artist.

PAGEANT PRESSURE. Isa rin sa nakaka-pressure kay Winwyn ay ang bali-balitang napag-iinitan at napupulitika ang mga showbiz personalities na sumasali sa pageants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganito raw kasi ang nangyari sa anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Mariel na naging runner-up lang sa Bb. Pilipinas pageant noong nakaraang taon.

Komento ni Winwyn dito, “So, kailangan talagang pag-isipan. Hindi puwedeng kahit gusto kong sumali, sasali na lang ako.

"Maraming kailangang pag-isipan, i-train yung sarili.

“Ayokong sumali na hilaw, napi-pressure lang ako sa mga taong nagsasabing ituloy ko na next year.

"Si God na lang ang bahala sa akin.”

ENHANCEMENTS. Para lang maging isang perfect candidate at beauty queen, willing ba si Winwyn na sumailalim sa isang beauty surgical enhancement procedure?

“I have nothing against cosmetic surgery, pero if you feel confident, kunwari gusto mong magpalagay ng boobs.

"Kung confident ka doon, okey lang, keribels [walang pakialam] sa ibang tao.

"Wala na silang pakialam doon. Go lang.

“Pero ako, personally ayoko, kasi confident na ako kung ano meron ako.

"Pero sa mga nagpapagano’n at masaya sila doon, walang problema.

“For myself... no talaga.”

KONTRABIDA ROLE. Napagod ba si Winwyn sa pagiging kontrabida sa Kambal Sirena?

“Napagod ako in the sense na lagi akong galit sa mundo, lagi akong nang-aapi pero masaya yung experience.”

So ayaw na ba muna niyang maging kontrabida?

“Kung ibibigay ng GMA yung pagkukontrabida, why not?

"Siyempre gusto ko naman sana iba, pero kung yun talaga ang para sa akin, go, fight!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN