Marian Rivera on clinching 3rd FHM Sexiest title: “Katulad nga po ng madalas kong sabihin, ang kagandahan, kaseksihan, walang halaga ’yan kung walang nagmamahal sa ’yo.”

Kapuso Primetime Queen Marian Rivera garnered 1.5 million votes to win FHM’s annual Sexiest Woman poll, marking her third take on the title: “Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng taong nagmamahal sa akin, sa lahat ng mga taong sumusuporta at bumuboto.”


Isang sorpresa ang naghihintay kay Marian Rivera habang nasa Sto. Tomas, Batangas, ang "Juan For All, All For Juan" segment ng Eat Bulaga! kahapon, June 27.

Dito opisyal na in-announce na sa ikatlong pagkakataon, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian ang itinanghal muli ng FHM Philippines Magazine bilang FHM #1 Sexiest Woman.

Naunang nanalo si Marian sa FHM noong 2008 at nasundan ito noong nakaraang taon, 2013, at sa magkasunod na taon nga ay si Marian muli ang paparangalang pinakaseksing babae para sa taong ito.

1.5 million ang botong nakuha ni Marian ayon na rin sa mga taga-FHM na nagbigay na ng plaque kay Marian kanina at bulaklak.

Nang tanungin ni Jose Manalo si Marian kung ano ang masasabi nito na bukod-tanging siya pa lamang ang tatlong beses na nabibigyan ng ganitong karangalan sa hanay ng mga artistang babae, sinabi ni Marian na, “Katulad nga po ng madalas kong sabihin, ang kagandahan, kaseksihan, walang halaga ‘yan kung walang nagmamahal sa ‘yo.

“Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng taong nagmamahal sa akin, sa lahat ng mga taong sumusuporta at bumuboto.”

Sa July 9, sa World Trade Center sa Pasay City gaganapin ang victory party para kay Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN