Arjo Atayde remains hopeful about winning Alex Gonzaga’s heart: “I don’t mind waiting for a long time.”

Arjo Atayde on taking his time to get to know his longtime crush and Pure Love co-star Alex Gonzaga: “Happy lang ako na I get to work with her dito sa Pure Love para mas makilala namin ang isa’t isa. If it doesn’t work out [yung panliligaw ko], then I get to keep her as a friend, ’di ba?”


Noon pa man ay very vocal na si Arjo Atayde na crush niya at gusto niyang ligawan ang kanyang Pure Love leading lady ngayon na si Alex Gonzaga.

Kaya naman nang sabihin ni Alex sa presscon ng Pure Love na sarado pa ang puso niya ngayon para sa pag-ibig, hindi naman pinanghinaan ng loob si Arjo at sinabi nitong handa siyang maghintay hanggang sa magbukas ulit ang puso ng actress-TV host.

Sabi pa ni Arjo, “Yun nga dahil sinabi niyang hindi pa siya ready, ako naman I’m willing to wait.

“Of course, I have to respect her. When she’s ready, maybe then I’ll know at saka mapaalam niya sa akin, then I will go for it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Arjo sa presscon ng upcoming Kapamilya teleseryeng Pure Love noong Hunyo 26 sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Gaano katagal naman niya kayang maghintay kay Alex?

Ayon kay Arjo, “I don’t mind waiting for a long time. Kasi right now ang focus ko talaga is itong work namin ni Alex.

“Happy lang ako na I get to work with her dito sa Pure Love para mas makilala namin ang isa’t isa. If it doesn’t work out [yung panliligaw ko], then I get to keep her as a friend, ’di ba?”

Gumawa na ba ng move si Arjo para suyuin si Alex?

Mabilis niyang pag-amin, “Yes po. Of course, binibigyan ko siya ng gifts at flowers. At saka food po sa taping. When she requests something, as much as possible dinadala ko po.”

Anong food ang dinadala niya?

“Yung favorite niya, pichi-pichi at saka yung chilicon carne hotdog sandwich,” lahad niya.

GETTING TO KNOW ALEX. Ano ang impression niya kay Alex, na first time niya ring makatrabaho sa Pure Love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Arjo, “Makulit, as I see her.”

Hindi ba siya na-intimidate?

Sagot niya, “Hindi naman. Kasi sabi nga nila ano lang iyan e, weather-weather lang iyan. Iba’t ibang tao, iba’t ibang atake, iba’t ibang pagkakaibigan.”

Sa tingin niya ba swak ang personality nila ni Alex?

Sabi pa niya, “Yeah. Honestly speaking, hindi naman sa pinipilit ko pero kasi makulit ako in a way na ’pag ka-close ko. So, as of now we’re not super close, but we’re close already as friends, as co-artists.”

Sa tingin niya ba may pag-asa siya kay Alex?

“I’m not expecting of course. Hindi ko naman pinu-foresee kung ano yung mangyayari. Ayoko namang mag-expect nang todo-todo.

“So, chill lang, let’s go, let’s go. Pero honestly speaking, I’m just waiting,” saad niya.

Dahil sila ang magka-loveteam sa Pure Love, hindi ba siya nailang sa mga eksena nila together?

“Nailang din noong una. It’s a good thing professional din siya. I asked her kung puwede ko ba siyang hawakan whatever part like sa kamay o sa arms.

“I just respect her. Kasi mamaya ’pag hinawakan ko siya sa likod ma-disrepect siya. So, I try to keep the respect,” pahayag pa niya.

MEETING ALEX’S FAMILY. Nakilala na ba niya ang ina ni Alex na si Mommy Pinty?

Sagot ni Arjo, “Once, pero long time ago na, wala pa po ako sa showbiz.”

E, ang ate ni Alex na si Toni Gonzaga?

“Of course, nakilala ko na po siya. Nakatrabaho na rin siya dati ni Mommy [Sylvia Sanchez],” banggit niya.

Hindi pa ba siya dumalaw sa bahay nina Alex para manligaw at para mas makilala rin ang family ng actress-TV host?

“Once, pero wala siya, e. I was ready to surprise her sana pero wala siya sa bahay.”

MOM SYLVIA APPROVES. Alam na rin daw ng kanyang Mommy Sylvia ang pagkagusto niya kay Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang sagot, “Of course, ever since talaga.”

Ano ang reaksyon ng mommy niya?

“Go, go lang.”

So, pabor ang mommy niya kay Alex?

“Oo naman po, mabait naman si Alex,” diin pa ni Arjo.

RYAN BANG. Hindi ba siya nate-threaten kay Ryan Bang na vocal din sa pagsasabing gusto nito si Alex?

“Basta ako, chill pa po ako and I’m getting to know her. If she ends up with Ryan Bang or some other guy, I have to respect that.

“Pero as far as I’m concerned, I’m also single and I’ll try my best to get to her,” pursigido niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN