Tom Rodriguez on possibility of falling for Carla Abellana: “’Pag ’andun na siguro, dun ko na puproblemahin.”

Tom Rodriguez reiterates that work remains his primary focus, but doesn’t discount the possibility of falling for My Destiny leading lady Carla Abellana: “Pero gaya ng nasagot ko rin dati, ’pag may love naman na dumating sa buhay mo, kahit gaano mo pilitin na hindi pansinin, hindi mo naman mapipigil yun, e.”


Sa bagong drama series ng GMA-7 na My Destiny ay isang tunay na lalaki ang gagampanan ni Tom Rodriguez bilang Lucas Matthew Andrada.

Bago ang My Destiny ay umalagwa nang husto ang career ni Tom sa mapangahas niyang pagganap bilang closet gay sa Kapuso teleserye na My Husband’s Lover.

Kaya tinanong namin si Tom kung nag-exert ba siya ng extra effort para mailayo nang husto ang karakter ni Matthew sa dating pagganap niya bilang Vincent.

“Sa lahat naman ng ginagawa ko I really try to, pero siyempre baguhan lang ako.

“Kung anuman, bale yung natuklasan ko pa lang ngayon sa sining ng pag-arte e bale tip of the iceberg pa lang.

“So I’m hoping na sa bawat project na mapasama ako, sa bawat tao na mga makakatrabaho ko, kasi dun ako nakakahugot ng mas maraming aral, e. Sa mga nakakatrabaho ko.

“Kasi pinapalad ako na yung mga nakakatrabaho ko ay napakagagaling. Napakagaling nila.

“From the beginning of my career, and I’ve learned so much from them, not just in acting but from singing.

“Kaya sana mas lumawak pa yung tools ko na magagamit in my craft, kasi sa ngayon talaga I have limited tools, e. And I’m trying to do the best that I can with it.

“And I really try to differentiate my characters,” paliwanag niya.

May bago raw na makikita ang televiewers kay Tom sa My Destiny.

Saad niya, “Siguro yung a lot more playfulness kasi Matthew’s a really... he has a really playful side to him, e.”

Hindi kaya siya mahirapan dahil nakatatak pa rin sa utak ng publiko si Vincent?

“Of course mahirap, pero what can I do?

“I mean, the only thing that I can do is really try to do the best sa trabahong ginagawa ko.

“And although constructive criticism really helps, a lot of the times din you have to... yung mga comments na hindi naman constructive or parang pagpuri lang din, sometimes kailangan i-filter out mo rin para hindi rin makaapekto rin sa trabaho mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, you have to be objective din in your work na, minsan kahit masakit kung constructive naman e kailangan pakinggan mo para din sa pag-improve mo,” lahad pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tom sa grand press launch ng My Destiny noong Martes, June 24 sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City.

Sa My Destiny ay kapareha ni Tom si Carla Abellana bilang si Grace dela Rosa.

Gaganap naman dito bilang si Joy dela Rosa si Rhian Ramos.

Nasa cast din ng My Destiny sina Sid Lucero bilang si Jacob Perez, Miss Kuh Ledesma bilang si Selena Andrada, Al Tantay bilang Arnold dela Rosa, Ayen Munji-Laurel bilang Ruth Perez, Dennis Roldan bilang Mateo Andrada at si Miss Lorna Tolentino bilang si Agnes dela Rosa.

Kasama rin dito sina Ruru Madrid bilang si Paul Andrada, Ashley Ortega bilang Alex Martinez, at Gabrielle Garcia bilang Nicole Perez.

Sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, ipapalabas na ang My Destiny sa Lunes, June 30 pagkatapos ng Niño.

REPRISING GAY ROLE? Kung sakaling alukin si Tom ng gay role na mas flamboyant, na hindi na closet gay kundi ladlad na gay na talaga, tatanggapin ba niya?

“Ako, if it’s really a good material... kasi when me and Popoy [Caritativo, Tom’s manager], nung nandun kami sa New York para sa GMA International, nakanood kami ng show na Kinky Boots.

“Bumilib ako sobra sa actor na yun, yung role na Lola ni Billy Porter, sabi ko, ’Wow! Feeling ko hindi ko kayang gawin yan!’

“Pero kung mabigyan ng chance na magawa yun dito sa Pilipinas, mag-o-audition ako dahil it’s a really challenging role for someone like me.

“I would try, kasi ibang klaseng challenge, e. Katulad nung MHL [My Husband’s Lover], yung Vincent character na hindi ko ma-picture na kaya kong gawin dati pero naging isang malaking challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito rin, nung napanood ko yung Kinky Boots sabi ko hindi ko ma-picture yung sarili ko na makakagawa nun, e. Pero andun yung challenge,” pahayag niya.

Kaya niya?

Sabi niya, “Hindi ko alam. Pero I’m willing to take on the challenge.”

FLATTERED. Hiningan naman namin ng reaksyon si Tom tungkol sa kababaihan at young female showbiz newcomers na crush siya o siya ang nais na maging unang leading man kapag nabigyan na ng launching projects.

“Ha? Talaga? Wow! Hindi ko alam yun.

“It’s very, very flattering, parang, ‘Wow!’

“Kasi siyempre nung bago pa lang ako dito [sa GMA] wala namang nakakakilala sa akin. ’Pag may tinatanong, usually yung mga ano, sila Dennis [Trillo], sila Dingdong [Dantes], yun lagi, sila Richard [Gutierrez].

“Kaya for them to say that now, wow! Wala akong masabi, sobrang napa-flatter ako. Wow!” ang natatatawang reaksyon ni Tom.

ON CARLA ABELLANA. Sa pagsasama nila ni Carla sa My Destiny ay tiyak na mas lalong iingay ang isyu ng pagkaka-link nilang dalawa.

“I can’t let it affect my work, kasi kung seseryosohin ko, masyado kong pansinin e baka mas maapektuhan pa yung trabaho ko.

“E, ’yon yung binibigyan ko talaga ng importansiya at pansin, e.

“Kaya for me na lang siguro ’pag ganun, ipi-filter ko na, you take it with a grain of salt...

“Na you take it in a way na parang it’s a flattering thing na, ibig sabihin yung tandem namin, nagwo-work kasi naniniwala sila, kumakagat sila dun,” banggit niya.

Hindi ba puwedeng mauwi sa totohanan ang tambalan nila ni Carla?

Aniya, “Posible naman, e. Hindi naman ako ang makakasagot nun.

“Hindi naman natin masasagot nang patapos. Siguro titingnan natin kung ano ang mangyayari.

"Pero sa ngayon I can honestly say na wala dun yung intensyon at yung pakay ko at focus ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda si Carla.

“Of course siyempre maganda, pero kakagaling ko lang din sa isang relationship at sa ngayon yung trabaho ko, dito sa show business, sa industriyang ito ang daming talented...

“Ang daming magaganda ang ’itsura. E, bihira lang yung nabibigyan ng ganitong klaseng oportunidad at maraming deserving at bihira lang yung nabibigyan.

“Kasi ngayon na pinalad ako na nabigyan ako ng ganitong klaseng oportunidad, ayokong sayangin,

“So habang nandito, gusto kong ibigay yung buong atensyon ko dito. Pero gaya ng nasagot ko rin dati, ’pag may love naman na dumating sa buhay mo, kahit gaano mo pilitin na hindi pansinin, hindi mo naman mapipigil yun, e.”

“Hindi mo naman makokontrol.

“So ’pag ’andun na siguro, dun ko na puproblemahin. Pero sa ngayon na wala pa naman e focus muna ako sa trabaho, kung ano yung nandiyan,” detalye niyang paliwanag.

GETTING BACK IN SHAPE. Napadako naman ang usapan sa daring at seksing pictorial ni Tom para sa isang underwear line.

Kaya ba niyang higitan pa ang pagpapaseksing ginawa niya sa naturang pictorial?

“We’ll see, we’ll see. Kaya naman siguro.

“Sa ngayon medyo nawala lang ako sa focus sa workout ko kasi yun nga kasi may pinagdaanan ako the past few months [his break-up with his girlfriend, K-La Rivera], medyo nahirapan lang ako ng konti, bumagsak yung katawan ko.

“Yung pinaghirapan ko sa gym, medyo nawala kaya ngayon uli ako nagpupursigeng ibalik,” balita rin niya.

Payag din si Tom na rumampa na naka-briefs lang.

“Oo! Iyon yung goal ko, iyon yung gusto kong gawin. Kaya sana, sana ngayon makabalik ako sa proper training, sa disiplina, para iyon yung ma-achieve ko.

“So isang malaking challenge din yun sa akin na ipagsabay yung pagwu-workout at everyday na taping halos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN