Dani Barretto moves on after issue with aunt Claudine; hopes reconciliation will come soon in her family

Dani Barretto on sister Julia Barretto: "I’m really, really proud of her. Kapag nakikita ko yung mga billboards niya sa EDSA, nakaka-proud yung feeling. Yung napapangiti ka lang na parang, ’Oh, my God, kapatid ko ’yan!’"


Nakangiting humarap si Dani Barretto sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press nang makapanayam ito sa Preview Ball nitong Biyernes, June 27, sa Hyve Superclub, Bonifacio Global City.

Unang tinanong press kung kamusta na nga ba si Dani matapos ang naging isyu nila ng kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.

Nakangiting sinabi ni Dani, "It’s okay! We’re all okay."

Matatandaang nagkaroon ng ’di pagkakaunawaan ang dalawa nang i-bash daw ni Dani si Claudine sa Twitter.

READ MORE: Dani Barretto denies bashing aunt Claudine Barretto; defends mom Marjorie Barretto

Nang tanungin naman kung tuluyan na nga ba silang nagkaayos, sagot ng dalaga: "No, not the perfect time yet."

Hindi pa raw nagkakausap si Dani at ang kanyang Tita Claudine tungkol sa isyung ito ngunit umaasa si Dani na magkakaayos din sila sa tamang panahon.

Sabi ni Dani, "No, e. Not. We haven’t spoken.

"But then it’s okay, yung timing naman is everything.

"I guess, it’s just really not the perfect time."

Wala rin daw kinikimkim na galit si Dani sa kanyang tiyahin dahil sa nangyari ngunit inamin nito na nasaktan siya para sa kanyang ina na si Marjorie Barretto.

Ani Dani, "To begin with naman, I never felt any anger, more of nasaktan lang naman ako sa mga nangyari.

"But right now, thankfully, really, really thankfully, I’m fine. I’m really, really fine.

"Parang it’s behind me na. Parang whatever kung ano nangyari sa akin in the past few months or few weeks, okey na.

"I’ve moved on, it’s fine."

May gumagawa ba ng paraan upang magkaayos na sila ni Claudine?

Tugon ng celebrity fashion blogger, "Well, I think effort has to go both ways.

"So, I really can’t tell what’s going to happen in the future but in God’s perfect time. Yun na lang, I guess."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas din daw ang kanyang pinto kung sakaling si Claudine na ang gumwa ng paraan upang magkaayos silang dalawa.

"Yeah, I mean, pinalaki ako nang maayos ng mommy [Marjorie Barretto] ko.

"Pinalaki naman niya kami to be open to those kinds of things and she’s family."

BARRETTO FAMILY. Hiling ni Dani na sana muling maiba na ang tingin ng mga tao sa tuwing mababanggit ang apelyidong "Barretto."

Aniya, "Well, I guess, mag-iba naman ulit yung tingin ng tao sa family namin na when they hear the name Barretto, sana naman good things na yung lumabas.

"Sana si Julia na lang, puro achievements ni Julia na lang lumabas.

"Huwag na lang yung ibang controversies."

Umaasa kaya siyang magtatapos din ang ’di pagkakaunawaan sa pagitan nina Marjorie, Gretchen, at Claudine?

Sagot ng dalaga, "Oo naman, oo naman.

"We were once naman din a happy family. So of course, it crosses my mind. Siyempre sa amin din lahat, ganun din.

"I mean pamilya kayo, e. It’s not naman din... you don’t wish bad things to happen in your family.

"So, yes of course, I think about that."

Dagdag pa ni Dani, "I guess right now, wala namang ’key.’

"I guess time lang talaga, e. Timing lang talaga ’yan.

"Kasi no one in our family can really tell or hindi naman namin mape-predict na, ’Okey, magkakaayos tomorrow or next year,’ ’di ba?

"Ipagdasal na lang, pagdasal na lang na sana soon."

Nami-miss na ba niya ang kanilang family reunion?

Tugon niya, "Siyempre naman, ’no, sino naman hindi makaka-miss?

"Nakita n’yo naman lahat how close we are before. So siyempre naman nakaka-miss."

JULIA BARRETTO. Samantala, proud na proud si Dani sa kapatid niyang si Julia Barretto, lalo pa’t matatapos na ang launching drama series nito na MiraBella.

Kuwento ni Dani, "Kung mapapansin n’yo, I’m really, really a super proud ate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As in yung Instagram ko, kulang na lang ipaglantaran ko yung pagmamahal ko kay Julia.

"But I’m really, really proud of her and she’s about to end MiraBella and more projects are coming sa kanya, ’di ba?

"And a lot of endorsements. I’m really, really proud of her.

"Kapag nakikita ko yung mga billboards niya sa EDSA, nakaka-proud yung feeling.

"Yung napapangiti ka lang na parang, ’Oh, my God, kapatid ko yan!’

"As in gusto mo na isigaw."

Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon upang makuha ang komento ni Dani sa lumabas na isyu kamakailan na diumano’y kagustuhan ni Julia na tuluyan nang maging Barretto ang apelyido mula sa pagiging Badivia mula sa tunay na apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla.

Magkaiba ng ama sina Dani at Julia. Si Dani ay anak ni Marjorie sa dating aktor na si Kier Legaspi.

Ani Dani, "Ewan ko, no comment na lang.

"Kasi I mean, ’wag na lang din gawan ng malisya, ’wag na laang din gawan ng issue.

"Maraming bagay na kailangan pagtuunan ng pansin. ’Wag na lang gawan ng issue."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN