Lovi Poe on real score with Rocco Nacino: “What you see is what you get na lang siguro.”

Lovi Poe on reluctance to label relationship with Rocco Nacino: “Wala, I think that’s our prerogative naman not to talk about it. So ako, what you see is what you get na lang siguro. Sometimes, I just wanna let it be. I’m not very good with words.”


Nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Ang Dalawang Mrs. Real (ADMR) sa isang simbahan sa Del Monte, Quezon City, noong June 18, ang wedding scene nina Lovi Poe at Dingdong Dantes ang kasalukuyang kinukuhanan.

Nung Huwebes, June 26, sa episode ng ADMR, nagkita na ang karakter ni Lovi bilang si Sheila at ni Maricel bilang si Millet sa isang lugar nang may tumawag sa pangalang Mrs. Real.

Ayon kay Lovi, yun pa lang daw ang bukod-tanging eksena na nagkasama silang dalawa ni Maricel.

Pero ayon din kay Lovi, excited na raw siya kapag nagkabukuhan na nga na merong dalawang Mrs. Real.

Sabi niya, “Excited ako na magkabukuhan na kasi, parang kailangan nang mabuko.

“Parang ang sama ng mga nangyayari sa dalawang babae. I think this will show other people how bad it is to be in this kind of situation to avoid it.”

READY TO BE SLAPPED. Pero kung magkakabukuhan na nga, ang kasunod na tanong kay Lovi ay kung nakahanda na rin daw ba ito na baka masampal nang todo ni Maricel sa eksena nila?

Natawa si Lovi saka sinabing, “May mga nagtatanong nga sa akin ng ganun. But yes, I’ll wait kung ano ang mangyayari.

“Kasi ang character ko rito, mas warfreak ako. I don’t know kung paano ang magiging atake ni Ms. Maricel kasi, she’s very sophisticated. I don’t know what kind of attack she’s gonna do.

“Pero ang character ko, very warfreak, pero kay Dingdong lang ako nagiging soft kasi nga, in love ako sa kanya.”

Kung sakali at sasampalin nga siya ni Maricel, gusto niya rin ba na balikan ito ng sampal din at makaganti?

“Well, if it’s needed. Depende yun sa mga writers, director,” saad niya.

IMPROVISING WITH DINGDONG. Masaya naman daw si Lovi sa mga feedback na nakukuha niya sa primetime series nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Lovi, “Oo, happy naman kasi, ang feedback sa akin, ibang-iba yung character ko rito.

“Kumbaga, I’ve never done anything like Sheila. She’s very aggressive, siya yung humahabol. Malayo sa lahat ng ginawa ko.

“So far, it’s work anyway and you have nothing to do but to love it.”

Sila ni Dingdong, kumusta na sila?

“Okey naman, masarap siyang kaeksena because mahilig siyang mag-adlib. Kumbaga, he’s always in-character which helps me a lot because kumbaga, masarap kasi kapag nagtutulungan kayo.”

Inamin ni Lovi na may mga adlib din daw sila ni Dingdong.

Sabi pa ni Lovi, “Very intense ang mga characters namin dito because every one has their own dilemma. Pero pinaka-worse na dilemma ay yung kay Dingdong.

“Kasi, he got himself into this trouble. So, mahirap talaga.”

LOVE YOURSELF FIRST.” Madalas sabihin ni Lovi na ang karakter niya bilang si Sheila ay napakalayo sa totoong siya.

Pero kung nangyari sa totoong buhay ang situwasyon niya ngayon sa ADMR, gagawin din ba niya na maghabol?

“No, hindi ako maghahabol. You cannot fight for something who’s not fighting for you.

“So, why even bother? You can always find someone better naman,” paliwanag niya.

Parang hindi naman yata nangyari sa kanya sa totoong buhay, parang siya naman lagi ang hinahabol?

“I don’t know,” natatawang sagot niya.

Hindi niya nakikita ang sarili na darating sa puntong magagawa niyang maghabol sa isang lalaki?

“Wala sa personality ko, e,” saad niya.

Pinakamahirap ba na puwedeng mangyari sa isang babae kapag nagmahal ang maghabol?

“I guess so, mahirap yun. That’s why ako, I make sure that I don’t involve my personal relationship to only one person.

“Yung relationship ko, buong buhay ko, ibibigay ko lang sa lalaki. I was taught to have my own money. Kumbaga, you cannot have the routine with the guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It sounds selfish but you should always come first and not the other things, love yourself first because kung yung happiness mo naka-base lang sa relationship, you should learn to be happy alone,” makahulugan niyang pahayag.

Kapag nagmahal siya, ilang porsiyento lang ang ibinibigay niya sa lalaking minamahal niya?

“I cannot say—well, siguro I give a lot naman but then, there’s always a limitation. May limit lagi,” lahad pa niya.

Ganoon ba siya ngayon?

“Yeah, but sometimes you get out of ano, e,” natawang sabi niya.

MORE VACATIONS. Sa kanilang dalawa ni Rocco Nacino, may nabanggit siya na “reset” sa kanilang dalawa.

Ano ang ibig niyang sabihin dun?

“No, it’s like a reset button. Kasi ang tagal ko na sa business, pero, hindi ako nagbabakasyon.

“I never had a real vacation in seven years, so noong pumunta ako sa Europe, pagbalik ko rito, parang mas ganado ako, mas na-recharge ako,” pag-amin niya.

Inamin naman ni Lovi na may plano silang magbakasyon muli sa ibang lugar naman.

Sabi pa niya, “May plan ako to go every year or I’m so excited I wanna do it this Christmas but maybe with my family naman this time.”

ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS. Tinanong naman namin si Lovi kung ano ang nararamdaman niya kapag sinasabi ng ilan na bakit ayaw pa raw nilang umamin sa relasyon nila kahit halata naman na sila na talaga?

Nandiyang nag-abroad na nga raw silang magkasama.

Ayon kay Lovi, “Wala, I think that’s our prerogative naman not to talk about it. So ako, what you see is what you get na lang siguro.

“Sometimes, I just wanna let it be. I’m not very good with words.”

Puwede namang i-apply sa kanilang dalawa ni Rocco na, “action speaks louder than words?”

“Maybe,” nakangiting sagot niya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O kaya, Instagram photos speak louder than words?

“Maybe,” natawang sabi na niya.

Bukas naman, aalis si Lovi papuntang Toronto, Canada para raw sa GMA Pinoy TV shows niya, pero mga limang araw lang daw siyang mawawala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN