Director Wenn Deramas on Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli admitting their relationship: “Natutuwa ako kasi liberating para sa kanilang pareho.”

Direk Wenn Deramas admits he knew about Matteo Guidicelli’s "love confessions" from the very start: “Yes, alam ko from day one. Pero, siyempre, respeto doon sa tao kapag nagku-confide sa ’yo ng kung anu-ano, ’di ba? So, hindi mo ilalabas. Until lumabas yung tamang panahon.”


Ilang araw bago umamin si Sarah Geronimo na boyfriend niya si Matteo Guidicelli ay nabulgar muna ang sikretong tawagan nila sa isa’t isa dahil sa Facebook post ng direktor na si Wenn Deramas.

Ipinost ni Direk Wenn sa kanyang Facebook account ang litrato ng kanyang cellphone screen. Dito ay may palitan sila ng text messages ni Matteo, kung saan nakalagay ang pagbati ng male star at car racer ng ‘Good morning mahal’ sa box-office director.

Ngunit hindi pala para kay Direk Wenn ang mensahe kundi para kay Sarah, at hindi raw sinasadya ni Matteo ang pagkakamali sa pag-send ng mensahe.

Sa announcement ni Sarah na boyfriend nga niya si Matteo, sa victory party ng pelikula nila ni Coco Martin na Maybe This Time, sinabi nitong hindi ata maganda kung nagtatawagan sila ng "mahal" kung wala naman silang relasyon.

Kaya noong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn—sa shooting ng bago niyang Star Cinema film project at first horror movie na pinamagatang Maria Leonora Teresa—kinuha namin ang reaksyon niya sa sinasabi na ang FB post niya ang naging daan para umamin na si Sarah, sa wakas, na boyfriend niya si Matteo.

THE REVEALING TEXT MESSAGE. Natawa muna si Direk Wenn bago nagbiro, “Binayaran ako ni Matteo d’yan, e.”

Nang nagseryoso ang direktor, sinabi nito, “Hindi, ah, natutuwa ako kasi liberating para sa kanilang pareho.

“‘Di ba, siguro silang dalawa gustung-gusto na rin ‘yan, kaya umamin, e. Parang naghahanap lang talaga ng tamang-tamang timing.

“E, nagkataon yun na every day naman talaga may text kami ni Mate. ‘Yun ang tawag ko d’yan, e.

“So, super ’Good morning’ ‘yan sa umaga. Pagkatapos noong ’Good morning Direk, Good morning mahal,’ sabi ko, ’Ah, mahal mo ko, ha? Sinasabi ko na nga ba, e.’

"Hindi ko naman alam na ganoon lang, sasabog na pala ang lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPREAD LIKE WILDFIRE. Ano bang naisip niya’t ipinost niya ang text message sa kanya ni Matteo?

Diin ni Direk Wenn, “It’s my account. Walang pakialam ang kahit na sino, it’s my FB account!"

O baka nais lang niyang magbiro kaya pinost niya ang mensahe?

Natatawa niyang pahayag, “Oo, tapos umabot ng TV Patrol. Umabot ng CNN! Haha!”

Nagkausap ba sila ni Matteo matapos kumalat ang FB post?

“Right after nung text, sinabi ko naman. Pinaalam ko naman, e. ‘Matteo, ilalabas ko ‘to, ha? Nakakatawa ‘to sa FB.’

“Tawa lang siya nang tawa. ‘Sige, Direk.’

“So, nung ayan na, nung sumabog na ‘yan, libo ang inabot ng likes ko, ’tapos hundreds yung comments.

“Tapos may kalokahan pa akong nagawa kay Matteo. Pareho ko silang... nung pinost ko yun, tinakpan ko ng sticker yung number ni Matteo, mapapansin ninyo.

“Pero doon sa Instagram, ang nagamit ko, yung original. So, lumabas yung number ni Matteo!

“Ang daming nagte-text, ang daming tumatawag. So, kinailangan magpalit ni Matteo. Libu-libo mula paggising niya hanggang gabi, andami.

“Sorry ako nang sorry sa kanya noon. Sabi ko, ‘Sorry talaga, ha?’

"Tawa lang siya nang tawa. Subukan naman niyang magalit sa akin, haha!”

NO VIOLENT REACTIONS. May tumawag ba para sitahin siya sa kanyang ginawa?

Pagpapatuloy ni Direk Wenn, “Subukan nila, hehe. Una, account ko yun. Pangalawa, nagkataon na meron from the press na kaibigan ko rin e, wala tayong magagawa. Kaibigan ko yun.

"Pangalawa, hindi ako yung nagkamali, haha. Pangatlo, sila naman talaga.”

Si Sarah ba tumawag sa kanya?

“Wala, kasi hindi kami magka-ano ni Sarah. Ni wala nga akong number niya.

“Kami ni Matteo sobrang close kami... as in, baby ko si Matteo talaga.

“Mula Galema hanggang ngayon, close kami. Pero hindi pa kami nagtatrabaho ni Matteo, kahit saan kami magkita, palabati yung bata,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinukuwento sa kanya ni Matteo ang tungkol sa kanila ni Sarah?

Pag-amin ni Direk Wenn, “Yes, alam ko from day one.

“Pero, siyempre, respeto doon sa tao kapag nagku-confide sa ‘yo ng kung anu-ano, ‘di ba? So, hindi mo ilalabas.

“Until lumabas yung tamang panahon na... kung kay Matteo wala, e. Okey sa kanya na ilabas.

“Mahal na mahal niya si Sarah. Kaya lang, hinihintay lang niya si Sarah, ‘di ba? Pero si Matteo ang unang-unang inamin publicly [ni Sarah] na boyfriend, e.”

MATTEO’S FRIEND. Paano naikuwento sa kanya ni Matteo ang tungkol sa kanila ni Sarah?

Pag-aalala ni Direk Wenn, “Paano ba? Hindi ko na matandaan, e. Kasi Galema days pa namin yun.

“Oo, kinuwento niya. Mula ’ata ligawan. Matagal na niyang gusto si Sarah.”

Bakit si Maja ang una niyang niligawan?

Aniya, “Siya ang tanungin ninyo, hehe. Pero alam ko, uhm, may cute na kuwento pa ‘yan, parang five, six years ago. Sobra na niyang crush si Sarah.

“At saka alam naman niya siguro na kung liligawan niya that time si Sarah, hindi rin naman magbu-boyfriend si Sarah.

“So, lahat naman ay nasa tamang ano... Ngayon nga, e, sobra namang nasa edad si Sarah.

“Pabulok na ang edad ni Sarah, haha, 26 na sa July! So, she’s old enough para magka-boyfriend. While Mateo naman is 24, magtu-25.”

Alam sa industriya na hindi open ang mga magulang ni Sarah, na sina Delfin at Divine Geronimo, sa pagbo-boyfriend ni Sarah. May reaksyon ba mula sa kanila?

Simpleng sagot ng direktor, “Wala akong alam. Wala akong alam sa ano nila Divine and Delfin.”

Kung gumawa ng pelikula sina Sarah at Matteo, possible bang siya ang mag-direhe?

Sagot ni Direk Wenn, “Uhm, I think nagsalita na si Sarah tungkol d’yan na, definitely, hindi naman sila loveteam.

“Baka masira lang kung ganoon. Mas maigi na ‘yang ganyan, may payapa silang lovelife at pareho silang magaganda rin ang career, individually.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw niya?

Paglilinaw ng proven box-office director, “Hindi naman sa ayaw. Ah, wala namang nag-offer.”

LOADED WITH MOVIE PROJECTS. Paano kung Viva Films ang mag-prodyus at sa kanya ipa-direk ang pelikula ng magkasintahan?

“Kailan? Kasi puno ako hanggang 2015,” seryosong sagot ni Direk Wenn.

“This year, apat ang pelikula ko. Dalawa na ang sabay na ginagawa ko ngayon.

“Tapos, may isa akong Ai-Ai [delas Alas], na hindi lang ipapalabas this year.

“Next year na ipapalabas under Star Cinema, pero wala pang title, basta Ai-Ai project lang. Wala pa yung kung sino ang kasama niya sa movie. Then, yung Praybeyt Benjamin 2.

Gagawin niya muna ang movie ni Ai-Ai bago ang Praybeyt Benjamin 2?

“Hindi ko alam. Bahala sila. Hindi na ako nakikialam sa ano…basta pumupunta na lang ako ng shooting.

“Tapos, lahat ng schedule ko, between Tita June [Rufino, his manager] and Allan [assistant director]. Wala akong alam. Kahit tanungin mo ako, ‘Direk, ano schedule mo?’ ’Tanungin mo Allan or si Tita June,’” paliwanag niya.

Paano siya nakakapag-prepare bago pumunta sa set?

“Ang alam ko lang yung bukas. Ni-require ko yun para wala akong iniisip.

“Ang alam ko lang may assignment ako, like, o ngayon, bukas kunyari, Maria Leonora Teresa. ‘O, ano’ng mga eksenang kukunan?’ Aaralin ko ‘yan. Basta kapag napagod na ako, uwi na ako.”

Kaninong requirement ang pagsabi sa kanya ng schedule niya one day before?

Sagot niya, “Requirement ko sa sarili ko bilang diva-divahan. Oo, yung, ayoko na. Gigising ako ng alas-singko para sa mga anak ako, ‘yung ganoon.

“Ako pa rin naman ang nag-aasikaso pagpasok sa eskwelahan. Tapos, kapag mga alas-dyes ng gabi wala pa ako, tumatawag na ang anak ko.”

Mas relaxed ba siya sa paggawa ng pelikula o teleserye?

Aniya, “Mas relaxed ako sa pelikula.”

DIREK WENN’S OWN LOVELIFE. Paano ang lovelife niya?

Mabilis na sagot ng direktor, “Ah, siyempre andya-dyan. Hindi pwedeng hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Amin pareho yung weekend. Kasi working naman siya from Monday to Friday.

“Pero kapag wala akong shooting, hindi naman laging meron, ‘di ba?

“It’s either siya yung pupunta sa shooting ko after ng work niya, or ako yung pupunta sa The Fort [kung saan nagtatrabaho ang kanyang non-showbiz boyfriend].”

Ano naman ang term of endearment nila?

“Boss,” mabilis na sagot ni Direk Wenn.

Mas nage-enjoy ba siya ngayon sa bago niyang karelasyon?

“Of course,” diin niya.

“Kaya nga may tinatawag tayong past and present. I-correct mo ang past mo sa iyong present. At huwag mong uulitin sa iyung future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN